Chapter 4

1.8K 99 58
                                    

CHAPTER FOUR

THE MOMENT I enter the store, I instantaneously called my boyfriend's name.

"Oh, Chie, nandito ka na pala," aniya saka ako sinalubong ng isang yakap. "Kanina ka pa namin hinihintay, e."

Kumunot na naman ang noo ko pagkarinig non. Ano ba nangyayari?

Naputol ang yakapan naming dalawa nang magsalita 'yong babae sa counter. "I guess you're John's boyfriend he's talking about," nakangiti niyang sambit pero nakataas ang isang kilay. Pagharap ni Victor sa kanya, bigla namang naging maamo ang mukha nito.

Saka anong tawag niya sa boyfriend ko? John? At pumayag ang boyfriend ko na tawagin siya sa first name niyang ayaw na ayaw niya? So what's the deal, ha?

"Why are you not answering my text messages?" I asked, ignoring the girl behind us. "Kaninang umaga pa ko naghihintay."

"Text messages—shit!" mas lalong napakunot ang noo ko sa naging tugon niya. "Love, believe me or not, I didn't touch my phone the whole day. Naging busy kasi ako sa school kanina para sa darating na culminating activity next week."

I eyed him suspiciously. Sa tagal naming magkasama, hindi pa nagsisinungaling si Victor sa akin. Kahit na ako, sinasabi ko sa kanya ang lahat-lahat. Wala naman kasing dahilan para magtago kami ng kung ano sa isa't isa. Pero sa sinabi niya ngayon, may kung ano sa akin na parang hindi naniniwala.

"Love . . . may problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

I mentally shook my head. Hindi ko dapat siya pinag-iisipan nang masama. He trust me. And I trust him too. Wala dapat akong ipag-alala.

I smiled at him. "Wala," mabilis na sagot ko. "Nag-alala lang kasi ako sayo. It was unusual kasi na hindi ka agad nakapag-reply sa texts ko."

"Sorry for that, love. Don't worry hindi na mauulit," aniya sabay yakap ulit sa akin.

Ngunit muli na naman itong naputol nang pekeng tumikhim 'yong babae. Ano bang problema ng isang 'to?

"Sorry sa abala, love birds, pero paalala lang na nasa trabaho tayo ngayon. Maging professional naman sana tayo," natatawa niyang komento.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ngayon ko lang napansin na suot-suot niya ang official uniform nitong store. That does mean . . .

"Ah, love, gusto ko pa lang ipakilala si Amanda," pagsasalita ni Victor. "Bago nating katrabaho. Siya na ang nakatalaga sa counter."

Oh . . . bago naming katrabaho. So hindi na lang pala kaming dalawa ni Victor ang magkasama dito sa store nang gan'tong oras.

"Hi, Amanda here," aniya sabay lahad ng kanyang kanang kamay na tila ba gustong makipagkamay. "Nakwento ka na sa akin ni John kaya it was finally nice meeting you."

Dahan-dahan ko namang inabot ang kamay niya. "I'm Richie and nice meeting you too."

"Richie? I thought your name was . . . Chie?" alangan niyang tanong.

"Yeah, you're right," nakangiting sagot ko. "Pero nagpapatawag lang ako sa pangalan kong 'yon sa mga close ko."

"Love . . ."

"Magpapalit na ko ng damit, Victor," sambit ko at dumiretso na sa locker room.

Ngayon, mukhang may hindi ako magandang pakiramdam tungkol sa mga susunod na mangyayari . . .

***

"Love, galit ka pa rin ba?"

I was busy arranging the snack section nang lapitan ako ni Victor. Tapos na ang thirty-minute break namin kaya bumalik na agad ako sa trabaho.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon