Chapter 50

999 59 4
                                    

CHAPTER FIFTY

THE WHOLE month of November made us really busy — especially me. Kaya nga ngayong December, we tried our best to relax and stay chill kahit na mahirap.

No'ng nakaraang buwan kasi, halos hindi na kami makapag-usap-usap dahil sa paghahanda sa kanya-kanya naming final examination. Kaya nga pagkatapos na pagkatapos nung huling araw ng exam, nag-celebrate talaga kaming lahat — except kina Julius at Karen na nag-iiwasan pa rin hanggang ngayon.

And when the month of December hits the calendar, it made us nervous again. Nitong unang linggo kasi in-announce at p-in-resent ang mga candidates for graduation. At nakahinga talaga kami nang maluwag dahil kasama kaming lahat. Walang naiwan.

Kaya ngayong Christmas break, 'yong mga thesis naman namin ang aming inaasikaso. Pagkatapos kasi naming mag-file ng application for graduation sa darating na February, magte-thesis defense naman kami. Kaya iba rin talaga ang pressure na nararamdaman naming lahat. Kaunti na lang kasi at papasukin na namin ang panibagong mundo — mundo kung saan aming haharapin ang kanya-kanyang realidad.

"Chie, ayos na ba 'to?"

I looked at Eliseo's direction. Hanggang ngayon pala hindi pa rin siya tapos sa pagde-decorate ng Christmas tree niya rito sa condo.

"I told you, Ely, wala akong alam sa mga ganyan." Pagkatapos kong sabihin 'yon, muli akong bumalik sa ginagawang pag-aayos ng mga pinamili namin sa grocery store kahapon. "Did we buy some seasonings ba o nakalimutan na naman natin?" I added, looking for the bottle or sachet of salt, pepper, and spice.

He didn't answer me. His eyes were still focused on that damn tree. Paano kasi, kung kailan ilang araw na lang at magpa-Pasko na, saka niya pa naisipang magtayo at mag-decorate ng Christmas tree. And to quote him, "Para naman kasi maramdaman natin ang spirit ng Christmas dito sa condo, Chie. Isa pa, this is our first celebration of Christmas together. So dapat memorable."

"Kapag ako nainis, sisirain ko talaga 'yang—"

"We didn't," he cut me off. "'Di ba sabi mo, babalikan na lang natin 'yong mga seasonings kaso mahaba ang pila sa counter kaya 'wag na lang?"

Todo pigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya. Kanina ko pa kasi siya niloloko na sisirain ko talaga 'yong ginagawa niya. Minsan ko lang kasi maasar ang isang Eliseo kaya nilulubos ko na.

"I'm done!" he excitedly exclaimed after putting the little star at the top of the tree. "'Yong mistletoe na lang ang kulang."

Napalingon agad ako sa kanyang gawi pagkarinig ng sinabi niya. "I told you, Ely, 'wag mo nang ilagay 'yong mistletoe na 'yon."

"But that's . . . that's our tradition, Chie," he slowly answered in a soft voice. "Saka ayaw mo bang matikman 'tong mga labi ko sa mismong araw ng Pasko?"

For the nth time, muntik ko na namang maibato ang mga hawak kong canned goods. Mabuti na lang at nakapagpigil pa ako. Kahit sanay naman na kasi ako sa ganyang mga banat niya, hindi ko pa rin maiwasang hindi magulat lalo na kapag out of nowhere siyang bumabanat ng gano'n.

Isa pa, bumabalik din sa akin ang nangyari no'ng tinanong ko siya tungkol sa kung ano ba kami last time. He didn't answer my question — actually, no. He wasn't able to answer it because of the interruption that Maris made. Sasagot na sana siya, e. Magsasalita na sana. Kaso bigla ba namang dire-diretsong pumasok si Maris sa kwarto kung nasaan kami.

Her reason? Natatae na raw kasi siya at wala na siyang makitang available na CR.

And because of that, the atmosphere became awkward. Kaya ayon, bumaba na lang kami at tinuloy ang party. Hindi na rin naman namin siya napag-usapan pagkatapos. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ang topic na 'yon o ako itong umiiwas dahil natatakot sa maaaring maging kasagutan niya.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon