Chapter 43

970 58 11
                                    

CHAPTER FORTY-THREE

"I WANT to forget my feelings for him," Karen bravely uttered. "Ang sakit-sakit na niyang mahalin, e. Baka hindi na kayanin ng puso ko kapag ipinagpatuloy ko pa 'to."

Nagkatinginan naman kami ni Maris pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon. Kanina pa kami nananatiling tahimik habang pinapakinggan siya. Because that's what she needs right now — a listener.

Nagbuntonghininga ako bago marahang tinapik ang kanyang balikat. "Handa ka na ba talagang pakawalan siya?"

"If letting him go will save my heart from the tragedy about to happen, then why not?" aniya sa basag na boses.

"Pero paano kung kayo pala talaga ang para sa isa't isa?" pagsingit na tanong naman ni Maris. "Paano kung sinusubukan lang kayo ng tadhana?"

"Wala pa rin akong magagawa, Maris," she dryly replied. "Kahit kami pa ang para sa isa't isa, kung hindi niya naman kayang suklian ang pagmamahal ko, wala rin. Sa aming dalawa, ako lang ang paniguradong mas masasaktan at mahihirapan. I don't want to torture myself anymore."

"Huwag na huwag talagang magpapakita sa akin 'yang Coreen na 'yan. Kasi makakalbo ko talaga siya nang wala sa oras," gigil na sambit naman ni Maris.

"Hindi naman kasalanan ni Coreen na minahal siya ni Julius, e," Karen said, smiling bitterly. "Parang ako nga ang naging villain sa love story nilang dalawa. Ako 'yong epal, panggulo, at walang magawa sa buhay. I'm just ruining their happily ever after."

"Don't say that, Karen," I quickly said. "Wala ka rin namang kasalanan kasi nagmahal ka lang din. Pare-pareho lang kayong naging biktima ng pag-ibig; at walang dapat sisihin sa bagay na 'yon."

I grabbed the tissue when she's starting to cry again. Hinayaan na lang din naman siya ni Maris para naman mabawasan kahit papaano ang bigat na kayang nararamdaman.

"Hindi ba ako kamahal-mahal? Mahirap ba akong magustuhan? Hindi pa ba ako sapat para sa kanya?"

"Karen naman . . ." Maris and I uttered in chorus.

"I really want to end this pain," she suddenly said.

Parehas na nanlaki ang aming mga mata sa sinabi niya. Kinabahan din ako. Pero agad din itong nawala nang bigla siyang tumawa na nagpakunot na lang ng aming mga noo.

"Don't worry, guys, I won't end this temporary pain by a permanent solution."  She then smiled, "Marami pa kaya akong pangarap sa buhay."

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Akala ko kung ano na ang naiisip niya, e.

"Gusto mo bang mag-overnight ka muna sa amin mamaya? I'll just call your mom para ipagpaalam ka nang maayos," Maris suggested.

"Okay lang ba?" alanganing tanong naman ni Karen. "Hindi ba ako makakaistorbo sa inyo?"

"Duh! Hindi syempre. E, welcome na welcome kaya kayong lahat doon," aniya. "Ano, g ka ba?"

"Kung okay lang kila Tita, e 'di g ako," ani Karen. "Ayaw ko rin kasi munang mapag-isa at baka hindi ko kayanin, mabaliw pa ako kaiisip kung ano bang meron siya na wala ako at siya ang minahal."

"How about you, Chie? Kilala ka naman na nila mama, e."

"Pass," mabilis na sagot ko. "Marami pa rin kasi akong gagawin, e. Acads."

Sinamaan niya naman agad ako ng tingin. "Sus. Mami-miss mo lang katabi si Eliseo na matulog kaya ayaw mo sumama, e."

"Stop making story, Maris," I annoyingly said. "Saka tigilan mo na nga kami ni Eliseo. May Paolo ka, 'di ba? Doon ka na lang mag-focus."

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon