Chapter 38

951 59 5
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

"DID YOU see Ely, by any chance?" I asked Robi as soon as he sat down acrossed to me.

Nang matapos ang lahat ng klase ko ngayong araw, agad akong nakipagkita sa mga kaibigan ni Eliseo. Pero dahil busy si Axcel, itong si Robi lang ang kaharap ko ngayon.

"Why?" he asked, creasing his forehead. "Hindi ba't magkasama kayo sa condo?"

"Ayon na nga. Nang magising ako kanina, wala na siya," I explained. "Tapos kanina ko pa rin siya kino-contact pero cannot be reached. It's either patay ang phone niya, naka-airplane mode, o nasa lugar siya na walang signal."

"Wait — I'll try to contact him," he said then took out his phone. Nang ma-i-dial na niya ang number nito, tahimik na kong nagdasal na sana sagutin niya. Nag-aalala na kasi ako, e.

Kung wala lang 'yong note na iniwan niya, hindi naman ako magkakaganito.

"Ano, nagri-ring ba?" kinakabahan kong tanong.

"Weird," he uttered before placing his cellphone on the table. "Nagri-ring siya no'ng una pero agad ding nawala. Then on my second try, cannot be reached na rin."

I sighed by what he said. "Okay lang naman siguro siya, 'no?" wala sa sarili kong tanong.

Robi threw me a questioning look. "Ano ba nangyari? Did you two fight?"

I chose not to tell him what exactly happened so I just shook my head in response. "Misunderstanding lang," I answered instead.

"Don't worry, Chie. Kung anuman 'yang misunderstanding na nangyari sa inyo, maayos din 'yan," he said then smiled at me. "Ikaw pa. E, hindi ka naman matitiis non ni Eliseo," he laughingly added. "Mas kaibigan pa nga ang turing non sayo kaysa sa amin. Tsk."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at muling nagpakawala ng buntonghininga. "Sana nga," I whispered.

***

Because of what happened between me and Eliseo, hindi ako masyadong nakapag-focus buong araw sa trabaho. I kept thinking if he's okay. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya ma-contact. Pati si Robi, kinulit ko na rin; na kapag nakausap niya kamo si Eliseo o kahit magparamdam lang sa knaya, sabihin niya sa akin agad.

I badly need to talk to him.

Habang tumatakbo ang oras na hindi siya nagpaparamdam, mas lalo lang akong nag-aalala. Dumagdag pa sa aking iniisip 'yong sticky note na iniwan niya.

What if he's serious about that?

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman o i-react kapag tinotoo niya nga 'yon.

"Chie!" Troy called me. "Hindi ka pa ba mag-a-out?"

Nandito ako ngayon sa kitchen area, nagmuni-muni. Dahil nga kasi hindi ako masyadong makapag-focus sa trabaho, si Troy na muna ang naka-assign sa counter. Ilang beses na rin kasing mali ang naibigay kong order ngayong araw.

"Bakit, anong oras na ba?" wala sa sarili kong tanong sabay tingin sa may wristwatch ko — na hindi ko pala suot ngayon.

"7:15 PM na," sagot niya. "Ayos ka lang ba? Bakit parang wala ka ata sa sarili mo ngayong araw?"

Nagbuntonghininga na lang ako sabay hubad ng suot kong apron at sumbrero. "May epal lang kasing gumugulo sa isipan ko."

"Ah, love life ba 'yan?" nakangisi niyang tanong. "May girlfriend ka na ba?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ang kulit mo talaga, Troy. Sinabing bakla nga ako kaya paanong magkakaroon ng girlfriend?"

"E 'di, boyfriend?" natatawa niyang banat.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon