Chapter 8

1.4K 79 28
                                    

CHAPTER EIGHT

NAWALA ANG pagkahilo na nararamdaman ko nang dalhin kaming mga nasangkot sa gulo kanina sa pinakamalapit na police station.

"Hindi nga kami 'yong nagsimula ng gulo. Bakit ayaw niyo pa rin kaming pakawalan?!" inis na sigaw nung lalaking nakaalitan ni Julius.

Halos mapangiwi ako nang masilayan ang mga pasa nito sa mukha.

"That bastard was the who initiated the fight!" The other guy shouted, pointing out a finger to Julius. "Tapos nakisali pa 'yong mga kasama niya," he added, glaring at our direction.

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang tumikhim naman si Paolo sa tabi ko. Si Julius, tahimik lang na nakayuko at mukhang hindi pinagsisisihan ang ginawa.

"Chief, how can we settle this?" mahinang tanong ni Maris na mukhang nawala na rin ang tama ng alak. Nakatayo silang dalawa ni Karen sa tabi namin at ang sama-sama ng tingin. Malamang sa malamang, they both disappointed to the three of us.

"Miss, dapat maturuan muna ng leksyon 'yang mga kasama mo," pagsingit nung isang lalaki.

"And how about you guys? Hindi ba dapat turuan din kayo ng leksyon?" taas-kilay na tanong ni Karen sa kanila. "Don't play the victim card here. Pare-pareho kayong may kasalanan kaya 'wag na kayong magsisihan."

Natahimik naman 'yong lalaki dahil sa pagsasalita ni Karen. 'Yan, ayaw pa kasing tumahimik, e. Nakatikim ka tuloy ng supalpal ala Karen.

"Dahil hindi na kayo mga minor, I think we can settle this by yourselves," one of the police officers said. "Pag-usapan niyo nang masinsinan kung anong balak niyong gawin sa mga nasira niyong kagamitan sa The Happy Place."

"Iba-ban na ba kami roon ni Mr. Ong?" I worriedly asked, referring to the owner of the place. Sa tagal na nga kasi naming napunta roon, nakilala na namin ang may-ari which is si Mr. Ong.

"No," the police officer replied. "Bibigyan niya pa raw kayo ng chance. Pero kailangan niyo raw pagbayaran 'yong ginawa niyo. Hindi muna raw kayo pwedeng pumunta roon for a month; plus kailangan niyo ngang bayaran ang mga nasira sa bar."

Napatingin ako sa apat na lalaking nasa harapan namin. They're all glaring at us. Huh! As if naman nasisindak kami sa mga tingin nila. Nag-init na naman tuloy ang ulo ko nang maalala ang pagsapak na ginawa sa akin nitong isang lalaking nasa harapan ko.

Buong buhay ko, hindi pa ako nasapak sa mukha. Tapos ngayon . . . walang anu-ano niya lang binangasan ang pagmumukha ko.

Hindi ba siya aware na todo ang pag-aalaga ko sa mukha tapos babangasan niya lang? Sayang 'yong skin care routine ko!

"Guys," sabay kaming napatingin ni Paolo nang tawagin kami ni Julius. "Let me handle this. Ako nang bahala rito. Tutal ako naman ang may kasalanan at nadamay lang kayo."

"No, Julius, hindi ka namin pwedeng iwan dito," tugon ni Paolo.

"Right. Saka sa ayaw man o sa gusto mo, may ambag na kami sa gulong 'to," pagsingit ko naman.

"Tama na ang drama," ani Maris. "Let's settle this already para makauwi na tayong lahat. You know, my mom kept on texting me, for sure nag-aalala na 'yon sa akin."

Pagbanggit non ni Maris, napakuha agad ako sa cellphone ko. At halos mapanganga ako nang mapansing hanggang ngayon ay wala pa ring reply o text ang pinakamagaling kong boyfriend.

Mabuti naman at nakisama 'yong mga nakaaway namin. Napagdesiyunan na paghahatian na lang namin ang dapat bayaran sa mga nasirang gamit sa THP. Kinausap pa si Julius at 'yong lalaking nakasuntukan niya (dahil sa kanila nga nagsimula ang gulo) kaya nauna na kaming tatlo sa labas at doon na lang maghihintay. Nagpa-iwan kasi si Karen sa loob para alalayan si Julius.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon