Chapter 7

1.5K 86 42
                                    

CHAPTER SEVEN

"I THINK I didn't make it," mahinang sambit ko habang inaalala ang exam kanina. "Halos wala akong nasagot sa Marketing 2!"

"Ako rin," pagdamay sa akin ni Paolo. "Wala sa ni-review ko 'yong lumabas sa exam sa Marketing 2. Feeling ko na-scam ako!"

Ngayon ang huling araw ng midterms exam at katatapos lang namin magsagot sa huling subject which is Marketing 2 (Professional Salesmanship). At heto nga, kabado ako sa magiging resulta dahil nga halos wala talaga akong masagot kanina. Pakiramdam ko nga puro hula lang ang nasagot ko roon, e.

"Ako naman sa Economics 2," pagsingit ni Maris. "Wala naman kasing tinuturo si Mrs. Marasigan doon, e."

"Madali lang naman 'yong Eco, ah," ani Julius. "'Di ba, Karen?"

Napatango-tango naman si Karen bilang pag-sang-ayon kay Julius.

"E, wala naman kasing mahirap sa inyong dalawa," komento ni Maris sabay irap.

Natawa na lang tuloy kaming apat. Sa aming lima kasi, si Julius at Karen talaga ang nag-e-excel pagdating sa acads. Dean's lister kaya 'yong dalawang 'yan since freshman. Kaya hindi na nakakapagtaka kung magiging candidate sila for latin honors sa darating na graduation next academic year.

"Babawi na lang talaga ako sa finals," nakangusong sambit ni Maris. "So ano? TPH na?" dugtong pa nito.

"Arat!" sagot ni Paolo.

"Sige lang," natatawang tugon naman ni Karen.

"G lang din ako," habol naman ni Julius. "Ikaw, Chie?" tanong nito sa akin.

"Huwag ka nang malungkot diyan," ani Paolo sabay akbay sa akin. Napansin niya ata na nakasimangot ako. "Bumawi ka na lang din sa finals."

Mas lalo tuloy akong napasimangot sa sinabi niya. 'Yong usapan kasi namin ni Victor ang unang pumasok sa isip ko kanina. Kapag bumagsak talaga ako roon . . . wala na, finish na.

"Ano, g ka ba o g?" tanong ni Maris.

"G! Kailangan kong iinom 'tong sama ng loob ko ngayon," natatawa kong sabi na siyang sinabayan din nila.

Pagkatapos kong sabihin 'yon, sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng university at dumiretso sa may waiting shed para maghintay ng masasakyan.

Habang naghihintay, nilabas ko muna ang phone ko at nag-compose ng text message kay Victor. Alam niya naman na ang tungkol sa nakagawian naming 'to pero syempre kailangan ko pa ring magsabi para di siya mag-alala.

Love, tapos na exam namin. Papunta na kami sa TPH. Ikaw, kumusta exam?

After I clicked the sent button, binalik ko na ulit sa bulsa ang cellphone ko.

Ilang saglit lang, paghinto ng isang jeep sa harap namin, sumakay na kami agad. Napangisi pa kami dahil tatlo lang ang laman ng jeep. Ibig sabihin, malaya kaming makakapagkwentuhan nang hindi nagbubulungan. Sa may bandang dulo, malapit sa driver, kami pumwesto.

"Hoy, Julius, 'wag ka ngang mag-one, two, three diyan," seryosong sambit ni Paolo. Napatingin agad 'yong driver sa rearview mirror nito at tinapunan kami ng tingin.

"Oo nga. Maawa ka naman kay manong. Magbayad ka, uy!" pagsakay pa ni Maris sa kalokohan ni Paolo.

Nanlalaki ang mga mata ni Julius na nakatingin sa dalawa. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa. Nagsimula na naman sila sa kalokohan nila.

"Bakit ako?" gulat na tanong ni Julius. "Kahit si Karen 'yong may balak mag-one, two, three kasi wala na siyang pera," nakangisi pa nitong dugtong.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon