Chapter 31

1K 64 19
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

"YOU KNOW what, if staring can kill someone, baka kanina pa 'ko patay rito at paniguradong pinaglalalamayan na."

I didn't know what exactly happened. Basta natagpuan ko na lang ang sarili na kaharap siya rito sa dining table habang inaayos niya ang mga dala niyang pagkain.

"Buti alam mo," I murmured.

"Did you say something?"

I heaved a sigh. "Pwede mo na bang sagutin 'yong mga tanong ko?"

"Can we eat first?"

"Hindi ka pa ba kumakain?" He nodded. "Akala ko ba niluto 'yan ng mom mo para sa dinner niyo? Bakit hindi ka pa kumakain?"

"Kasi gusto kong kasabay ka," mabilis na sagot niya na parang simpleng bagay lang ang kanyang sinambit.

Teka — simple nga lang naman 'yon, ah?

"Okay, kapag ba sinabi ko sayo kung bakit talaga ako nandito, sasabayan mo na akong kumain?" nakakalokong tanong niya.

Hindi ako sumagot at nanatili lang akong seryosong nakatingin sa kanya.

"'Di ba't mag-isa ka lang dito?"

"Um . . . anong kinalaman non?"

"Naisip ko kasi na baka hindi ka marunong magluto ta's nagsa-suffer ka sa pagkain ng instant foods."

"Bakit mo naman naisip 'yon?"

"You remembered our encounter in grocery store before? Napansin ko kasing halos instant foods ang laman ng cart mo no'n."

That was months ago, ah. Ang tagal na non pero naaalala niya pa rin?

"But this whole idea was actually suggested by my mom. Gusto niya kasi talagang matikman mo 'yong kanyang specialty dish," pagsasalita niyang muli. "And to answer your question earlier, kinukwento kasi kita sa kanya kaya kilala ka niya. Since the day we've met, actually."

Halos manlaki na naman ang aking mga mata sa sinabi niyang 'yon. Wala talaga akong maintindihan!

"Bakit?"

"Ha? Anong bakit?"

"Bakit mo ko kinukwento?"

And when he suddenly flashed that smile, bigla na lang akong kinabahan. "You'll know soon, Chie."

Okay . . . why do I feel that I'll see him more often starting from this day?

"Oh, hindi ka pa ba kakain?" tanong niya nang maglagay na siya ng pagkain sa kanyang plato. "My mom's a good cook, Chie, so rest assured that it's taste good; not to mentioned that it was one of her specialty."

"Hindi naman kasi ako nagugutom," pagsisinungaling ko. "Kakakain ko lang kaya."

Pagkasabi ko non, walang anu-ano na lumingon siya sa may lababo. "Ano namang kinain mo? Saka kailan ka kumain?"

"Nagkita kami ng kaibigan ko kaya — teka, bakit nagpapaliwanag ako sayo?"

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa.

Ang weird talaga ng lalaking 'to.

***

Nang matapos kaming kumain (oo, kumain na rin ako dahil masyado siyang mapilit at makulit kaya pinagbigyan ko na), akala ko uuwi na rin siya agad, hindi pa pala.

"Anong gagawin mo bukas, Chie?" he asked.

Nandito kami ngayon sa may sala. Kanina ko pa nga gustong matulog at maaga pa ang pasok ko sa shop kinabukasan pero hindi ko naman alam kung paano dahil nandito pa rin siya hanggang ngayon.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon