Romero Apartment

927 26 1
                                    


Hi spookify!  Tawagin niyo nalang akong Mau. Share ko lang yung experience ko sa apartment na inuupahan nmin dati here in Las Piñas. 1 year na kaming nagsasama ng asawa ko nun sa bahay ng lola niya nung maisipan naming bumukod na tutal may trabaho naman siya that time at kaya naman sa budget kung mangupahan kami. So nung nakahanap na kami, sobrang tuwa ko at the same time, excited. So pinuntahan namin yung lilipatan namin para i-check. Maluwag, may sala, cr, kusina at kwarto. Kumpleto siya at maayos para sa 2,500 na upa na dapat nasa 4-5k yun. So ff.. First day namin, at ako lang mag-isa.. After ko magligpit ng mga hinugasang mga plato, pumunta na ako sa kwarto na may 5 steps lang ang layo sa kusina. Saktong upo ko palang sa kama nang biglang parang may natumbang baso sa lababo. So tumakbo ako para i-check baka may pusa na nakapasok. Pero wala akong nakita. Di pa ko nakakalapit sa lababo nang bigla akong nakaramdam ng negative energy. Nakakakilabot at alam kong malakas yun. (Btw, bata palang ako, paramdamin na ako at minsan nakakakita.) So binalewala ko nalang muna yun kasi nanghina ako bigla at bumalik nalang sa kwarto. 2 days later.. As usual ako na naman mag-isa dahil nga may trabaho ang asawa ko. Nasa kwarto at nagbibihis. Papalit-palit ako ng damit dahil ang hirap mamili. Nung nakapili na ako,  yung tipong isusuot ko na yung nasa ulo palang, biglang may pumutok o nabasag! So dali-dali kong sinuot yung damit ko at yun na nga! Nagkalat na sa harap ko yung mga bubog. Yung picture frame ni papa Jesus basag yung salamin pero yung picture nakasandal parin sa altar. Kinilabutan ako bigla at naisip ko kung paanong yung salamin lang mababasag? Di naman natumba kasi nakasandal parin at walang nagalaw sa mga gamit na katabi nito. Natatakot na mangiyak-ngiyak ako that time kasi niregalo samin yun ng biyenan ko tas nabasag o binasag lang. So ginawa ko, at dahil matapang ako, (HAHA) pinagalitan ko yung demonyo na yun. "Taena mo naman!  Andami mong babasagin yung poon pa! Alam mo bang bigay samin yan ni mama?!  Tapang mo akala mo kung sino ka!" Yan po yung exact na sinabi ko habang nanginginig katawan ko at umiiyak. Binilisan ko mag-ayos at minabuting sa labas nalang ng bahay ako maghintay sa asawa ko. FF ulit. Nung dumating na asawa ko, pinakita ko sa kanya yung mga bubog na nasa sahig pa at kinuwento ko ang nangyari. Dinikitan ko ng mga dasal na latin yung apat na dingding ng kwarto namin at nag-orasyon din ako para sana patigilin ang kung anumang elemento ang nandun. (Taga Leyte ako at may lahi kaming manggagamot at mangkukulam kaya may alam din ako sa mga ganyang bagay.) Pagkatapos ng pangyayari na yun, almost 2 weeks din silang nanahimik kaya akala ko okay na, pero hindi pa pala. Habang naghahanda ako ng hapunan sa kusina.. (btw, yung lababo namin katabi nun cr na). Nasa may lutuan ako at nakatalikod ako sa cr... Tamang sound trip lang ako ng mga kanta ni Skusta Clee nun. Tas may narinig ako na sumusutsot sakin na boses bata. Parang nangapal yung batok ko nun. Pero binalewala ko lang at kumanta nalang ako ng "ang dami mong..  Dami mong alam..." Pero kinikilabutan talaga ako nun kasi feeling ko nasa likod ko lang yung nilalang na yun at nagtatayuan na talaga mga balahibo sa katawan ko na parang gusto ko na kumaripas ng takbo. Kaya ginawa ko,  pumikit ako at nag-usal ng latin na dasal sabay "ehem!" ng malakas. Tas unti-unting nawala yung presensya na yun. At eto pa! Naggala ako sa mall, hapon na ako nakauwi mga 3pm ata.. So kapoy kasi may pa heels-heels pa kong nalalaman. Kaya diretso kong kwarto at higa sa kama. ang tahimik ng paligid parang ang sarap matulog, pero nung nakapikit na ko.. Biglang may nag "click" ng kalan namin. Pero inisip ko na baka sa pagod lang kaya kung anu-ano naririnig ko. Pero siyet mga bes.. May nangamoy tutong kaya dali-dali akong pumuntang kusina at yun na nga! Nakabukas na pala yung kalan ng todo at yung kaldero naming may kanin pa yung nakasalang! Imagine kung ordinary na multo lang yun, di niya kayang magpagalaw ng mga gamit. Kaya sigurado akong malakas yung elemento na kasama namin sa bahay na yun. Di basta-basta. FAST FORWARD.. sa sala na kami natutulog. Nilipat namin yung kama sa kadahilanang takot na takot na yung mister ko. Kasi naman.. Ang bigat ng energy sa kwarto na yun. Pag matutulog kami, parang may nakamasid samin at madalas akong bangungutin. Minsan may naririnig kaming parang nagbibilang ng mga coins. At ang malala pa, madalas kaming mag-away yung as in away talaga na matindi. one time nga,  natulog kaming magkagalit. Sobrang sama ng loob ko sa kanya na hanggang nakatulog nalang ako, nakasimangot parin ako. Eto, kinwento nalang to sakin ng mister ko.. Di raw siya makatulog nun kase nga natatakot siya at di pa niya ko kayakap kc nga nag-away kami. (Yang asawa ko kc kelangan patulugin ko muna siya bago ako matulog. Sobrang duwag po niya sa mga multo thingy na yan pramis!)  Kaya ayon, nakapikit lang siya at nakikiramdam sa paligid. Nagulat nalang daw siya ng may nkatusok na sa leeg niya na cutter, as in nakatusok. Yung tipong nakatutok lang pero nararamdaman mo yung tusok sa balat. Natakot daw siya sakin nun. Nanlilisik daw mata ko na galit na galit at nag-iiba daw boses ko habang minumura ko siya. Sanay naman siyang makita niya kong galit at matindi talaga magalit yung mga waray pero that time iba daw talaga.. Puro daw ako mura at paulit-ulit ko daw tinatanong sa kanya kung "bakit mo ko niloko?! Putangina mo papatayin kita!! Papatayin kita!!!" paulit-ulit daw yun habang dumidiin yung hawak kong cutter na pinipigilan niya naman kasi baka nga bumaon yun sa lalamunan niya. Nakahiga pa siya kaya hirap siyang dumipensa.
"Ano bang ginagawa mo? Anong pinagsasabi mo? Papatayin mo ko? Sige baby patayin mo ko!" sabi niya...  Nung narinig ko daw yung "baby" na tawagan namin, nahimasmasan daw ako at humiga ulit na parang walang nangyari. Di na daw talaga siya natulog nun dahil sa takot.  Kinabukasan, siya naman yung galit sakin habang pinapakita sakin yung maliit na sugat sa leeg niya na ako daw may gawa. Kaya sabi ko sa kanya..  "sira ulo ka ba?! Ba't ko naman gagawin yun?"..  Alam kong minsan, sinungaling talaga itong asawa ko pero yung sinasabi niya,  alam kong totoo at nararamdaman ko yung takot niya. Kaya isinantabi ko muna yung galit ko at nag-usap kami ng maayos. Kaya ayon.. Sa sala na kami natutulog. At eto naman ang nangyari.. Mahigit isang buwan na kami dun sa inuupahan namin at medyo nag-lie low ung mga animal na demonyo na yun.. Mga 6pm,  iniwan ako ng jowabels ko sa bahay. Inutusan akong mag-setup ng tv habang siya nasa court, naglalaro.  So habang inaayos ko yung mga wiring, testing-testing kung tama ba pagkakakabit ko ng mga wire.. Eto na naman yung energy na nakakapanghina. Yung batok ko,  yung tenga ko, parang nangangapal tas yung mga balahibo ko na naman nagsisitayuan.. Alam kong nandiyan na naman siya. Kaya umupo muna ako at nakiramdam.. Maya-maya nga.. May anino na dahan-dahan pang dumaan sa harap ko. Parang white lady. Kasi yung anino parang babae na nakamahabang damit.  Basta ganun. Galing cr at papunta siyang kwarto. Tinitignan ko lang yung anino niya habang papasok ng kwarto. Nung di ko na makita, napabuntong-hininga nalang ako nang biglang.. May nabasag sa kwarto! Putcha! Bahala na.. Pumunta ako sa kwarto kahit takot na baka makita ko itsura niya. Pero ang nakita ko.. Yung basag na salamin namin. Yung salamin nakasandal parin.  Pareho dun sa binasag na picture frame. Ganun na ganun. Di nagalaw yung salamin sa pwesto pero yung mga bubog nasa sahig na. Binasag na naman ng hinayupak na akala mo may ambag. Buset na ko kaya tinawagan ko yung mister ko at pinauwi ko na agad. Kasama niya mga tropapeepz niya pag-uwi sa bahay kaya pinakita ko sa kanila yung basag na salamin. Minsan,  pinapakiusapan ko din yung mga yun na wag naman mamerwisyo. Pero mas lalo ata kaming minalas. Nag-iba ugali ng mister ko at nawalan siya ng trabaho kaya lagi kaming nag-aaway.  Kahit na sa maliliit lang na bagay, pinag-aawayan namin. Halos gabi-gabi kaming di makatulog. Kaya naman, pag sa gabi, tambay kami sa compshop ni mang to ohab at madalas mag-iinom hanggang tirik na yung araw. Basta di kami uuwi ng madilim pa dahil nga sa sobrang kaduwagan ng asawa ko. Halos gabi-gabi ganun yung naging routine namin. Hanggang sa isang araw,  mga 6am galing kaming galaan.. Kakauwi lang namin at patulog na kami nang biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Sa sala na kami natutulog kaya napabalikwas kami sa kama. Nabadtrip naman itong asawa ko kaya sinilip niya sa awang ng pinto kung sino yung kumakatok. Pero putcha! Biglang balik sa kama yung loko at takot na takot. Sabi ko "sino ba yun?" Sabi niya.. "Nakakatakot yung mukha baby! Matanda at parang naagnas yung mukha!" edi natakot din ako dahil sa itsura niyang takot na takot din. Kaya tinignan namin ulit. Sinilip namin, wala na.  Binuksan namin yung pinto at tinignan sa labas pero wala kaming nakita. Nasa second floor kami kaya inaabangn namin kung may bababa ng hagdan, pero wala din. Walang katao-tao kahit 6am na. Kaya dali-dali kaming pumasok ng bahay at nilock. Nung magising kami nung hapon, nagtanong kami sa kapitbahay kung may kilala silang ganun yung itsura na matanda, maliit at maikli buhok. Sabi nila, yung tinutukoy namin,  parang yung nanay ng may-ari ng apartment. Pero patay na raw yun. Kaya umalis na kami dun sa bahay na yun. natatawa lang ako kasi kung sino pa yung duwag saming dalawa,  yun pa yung pinakitaan. HAHAHA!  kaya ayon, agad-agad nagdesisyon kami na umalis na dun. At nabalitaan nalang namin kung kelan naghahakot na kami ng gamit,.. Na may nagpakamatay pala dun. May nagbigte sa cr. At matagal na din palang walang gustong umupa dun dahil sa mga nakatirang multo at ang mas nakakatakot, may ahas na papansin at malandi na pumapasok sa bahay at nang-aakit ng asawa.. Charot! ☺️

Yun lamang po. Sa maniwala kayo o sa hindi, totoong nangyari ito samin. Marami pa akong kwento about sa angkan namin. Pag napost ito,  magsesend ako ulit.
THANK YOU!

-MAU-
LAS PIÑAS

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon