Weekend sa Bahay ni BF

280 14 0
                                    


Share ko pa ang experience ko na nangyari last October 10, 2010. lahat ng tao sa bahay namin may sore eyes. so I decided to spend the weekend sa bahay nila bf. usually naman kasi Friday night dun ako natutulog tapos Saturday morning uwi na ako sa amin. nung 10-10-10, Saturday yun.. maaga akong nakatulog. mga 7pm natutulog na ako. mga 3am, nagising ako kasi may narinig akong mga batang nagtatawan at naglalaro. ginising ko si bf, sabi ko bakit gabi na may mga naglalarong bata pa. nung medyo nahimasmasan ako, napansin ko yung tawa nanggagaling sa hukay. kinabahan na ako. si bf walang masabi. kinumutan lang niya ako. paggising namin, nagkwento siya sa nanay at tita niya. natawa lang sila. mukhang nagpapakilala na daw ang mga nakatira sa kanila sa akin. dahil 2 consecutive days na daw akong nakikitulog. medyo kinilabutan ako. tinanong ko kung mga dwende yun kasi nga mga bata, oo daw.

Sunday night, habang naliligo ako sa banyo, parang may mga matang nakatingin sa akin. ang banyo nila bf is yung sinaunang style. may butas talaga ang bintana. walang screen or harang. biglang may nambabato sa akin ng putik galing sa labas. binilisan ko nalang ang paliligo ko. nagkwento ako kay bf, pero huwag ko na daw pansinin. mukhang takot lang siya.

- Shared by andylhen

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon