Bahay sa Novaliches

117 2 0
                                    


Madalas kami pinagbabakasyon ni Papa sa Maynila. Doon kami sa inuupahan ng mama niya nag-i-stay. One time, niyaya kami ng isa kong Tita na magbakasyon sa kanila (Novaliches) kahit isang Linggo lang. Sumama kami kasi nga favorite ko siyang Tita at makakalaro namin ng kapatid ko yung anak niya.

2009

Isang gabi, niyaya ako ni Tita na magpaload. Pagdating namin sa tindahan, bumili rin syang ice cream. Tig-isa lang kami kaya inubos namin bago makapasok sa bahay. Pagpasok namin, diretso na kami sa kwarto kasi matutulog naman na. Ako, yung kapatid ko, si Tita at anak niya lamang ang nasa bahay nung gabing iyon. Nang humiga ako, nag-walk-out yung kapatid ko. Bago sya makatayo non, bumulong pa sya. Yung pagalit at sakto para marinig ko, "di nyo ko tinirhan ng ice cream". Tapos ayun nga lumabas na nga. Sa pagdadabog, naiwan nya na may siwang ang pinto ng kwarto. Kaya naman tanaw ko ang sinumang dadaan doon. Maya-maya may dumaan. From left papunta sa kanan. Ibig sabihin, nanggaling sa sala papunta sa kusina. Batang babae na nakasuot ng pajama at sando na may ruffles. Hinayaan ko dahil akala ko kapatid ko. Pero noong tumagal na at wala pang bumabalik, sinilip ko na sya. Nagulat ako dahil nandoon lamang sya sa sala. Hindi ko na muna iyon pinansin at tinawag ko sya para pumasok sa kwarto.

Kinabukasan, tinanong ko kung umalis ba sya sa sala noong gabi. Ang sabi niya, nakahiga lang sya doon at hindi tumayo. Di ko na lang kinuwento sa kanya kasi baka matakot. Napansin ko rin na yung sando nya, walang ruffles.

2010

Napadalas yung pagbabakasyon namin sa bahay na iyon dahil nga hinihiram kami ni Tita. Laro, nood, kain lang naman ang ginagawa namin. Tsaka gawaing bahay na very light lang. Kaya masaya talaga magbakasyon.

Isang tanghali, biglang nagka-emergency. Personal kaya di ko na babanggitin. Kaya ayun, kinailangan kaming iwanan sa bahay. Super urgent kasi. Ni-lock nila yung gate para di kami makalabas at walang makapasok na kung sino. May isip naman na ako non (ate material na) duwag nga lang kaya nag-stay kaming tatlo sa garahe. Naglalaro lang yung dalawang bata nung bola na malaki. Yung ginagamit pang-exercise tapos ako nakaupo lang sa pintuan. Maya-maya, tumigil sa pag-dribble ng bola yung anak ni Tita. Isa or dalawang taong gulang pa lang yun that time. Nakatingin kasi sya sa likuran ko. Hindi sa akin kundi sa likuran ko. Diba makikita nyo naman sa mata kapag hindi sayo nakatingin. Ayun. Nakatingala sya na parang may kung anong meron na nakatayo sa likod ko. Kinilabutan ako kaya lumipat ako sa balkonahe. Natakot ako non sobra kaya kahit dumilim na ay di pa rin talaga kami pumasok. Buti na lang at mga alas siete non ay dumating na si Tito.

Yung bata na tinutukoy ko, madalas magsalita mag-isa. Di lang yon, akala mo palagi syang may kinakausap doon sa kwarto. Papasok sya tapos magsasalita. Pag lalabas na sya, lilingon pa sya pabalik tapos magsasalita. Akala mo talaga may kausap siya palagi.

Sabi ni Tita laging may kausap anak nya doon. Baka duwende daw. Narinig na daw kasi nila minsan yun.

2011

Nagbakasyon ulit kami doon sa Lola ko. Tapos hiniram ulit kami ni Tita. Yearly kasi nagbabakasyon kami doon sa Lola ko. So eto na, this year nagtinda kami nun ng meryenda sa tabi ng bahay nila Tita. (sa Nova ito ha) Naki-puwesto kami doon dahil wala naman ng nakatira. Isang hapon noon. May narinig kaming kumalansing na nanggaling sa bahay. Parang nahulog na kutsara. Di namin alam kung sa loob o sa likod. Kaya chineck namin yung likod. Wala namang laman kundi gulong. Tapos may isang bote. Chineck nila yung loob, wala rin namang nahulog na kung ano. At konti na lang daw mga gamit. Mga furnitures pa. Kaya di namin alam ano at sino yung naghulog nun.

Pero di pa yan. Nung mga panahong nagtitinda kami. Minsan inaabot ng gabi. Naiiwan sa loob ng bahay nila Tita yung kapatid ko at anak ni Tita. Pero palagi ko namang chine-check. Madilim na non. Sabi ni Tita, tingnan ko daw yung dalawa. So bumalik ako sa bahay at sinilip sila sa bintana. Nanonood lang sila ng TV. Nakaupo sa sofa at enjoy na enjoy naman. Pagtalikod ko biglang nag-static yung naririnig ko. Yung kapag malabo yung palabas at walang signal. Ganun. Nung silipin ko ulit sa bintana, napansin ko yung TV, nasa ibang channel na. Diba pag kakalipat lang ng channel, may number na lalabas kung saan na channel. Ang pinagtataka ko lang, wala namang remote yun. Kaya imposibleng malipat nang ganun-ganun. Sabi ko na lang sa kanila, lipat nila ulit sa pinapanood nila.

Meron pang mga kuwento yung kapitbahay na kapag walang tao sa bahay ay may nakikita silang babaeng nakaputi na nakasilip sa bintana. Tanaw iyon mula sa balkonahe.

Di lang sa bahay nila Tita. Dahil may mga kuwento rin sa katabing bahay at katapat na bahay nito.

2017 and 2019 yung huli kong punta sa kanila pero wala na akong na-experience ulit. Sa ibang bahay, meron pa. Pati sa school ko nung elementary. Marami pa akong ikukuwento talaga. Haha. Salamat ulit sa pagbabasa!.

Thank you, Admin Chai!

•Joyous🌹•

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon