Thailand Experience

109 3 0
                                    


~ Sawasdee ka

Hello mga ka-spooky! Please hide my identity po kasi nagbabasa dito mga friends kong involved. Ang mga names po na mababanggit ay binago ko po, sana lang di nila ma-realize na experience namin ito. And these things happened 2 years ago and fresh pa din sa memory ko haha.

We've all known na one of the best horror movies eh gawang Thailand. I'm based now dito sa Thailand and dito ko pa pala mararanasan ang mga bagay na hindi kanais-nais.

Our school organized an internship program dito sa Thailand, ang kailangan is fresh graduates pero naswertehan kong napasali kasi 1 year na akong graduate that time, they considered me so I grabbed the opportunity. We are all excited syempre international tapos yung accommodation, food, transportation ay included sa hotel na pagte-training-an namin.

Fast Forward.
Nang dumating kami diretso kami agad sa staff house to rest. Unang tingin palang namin sa staff house nakakadismaya na nakakatakot, napakalumang building, bale 3 floors sya, parking area tas yung 2nd floor is for boys only then yung 3rd floor is for girls naman at puro kami babae. Ayon mag-iinarte pa ba kami eh nandun na. Pero ramdam namin yung kakaibang atmosphere dun.

Pagod ang lahat, so borlogs na. 2nd day puntang hotel, introductions and schedules. Yung iba morning shift yung iba naman afternoon, magpapalitan after 2 months. Okay naman yung stay namin ng mga ilang araw, till something happened after 2 months dahil kailangan na naming mag-rotate/change ng shift.

1. Last day na naming lahat sa mga shifts namin. Eh afternoon ako and time out is 10pm. Si Bem, who is morning shift sent me a message na kukunin daw nya yung uniform ko sa room namin and ita-try if kasya kasi palitan kami. 2 rooms po kasi kami, so sabi ko sige. Nasa room na siya, she turned on the lights and tina-try ang damit ko ng biglang nag-off yung ilaw, so ang alam nya baka ganun daw sa unang bukas so dedma lang sya, then nag-on and off na naman daw so dun na sya natakot at tinawag si Camin at sinabi na hindi naman daw sya sinundan para takutin. Nung chineck nila yung switch naka-off daw, e nung pumunta sya in-on nya yung switch, ayun takbo ang mga bading haha. Kinuwento samin so natakot din kami and dinedma nalang din.

2. Eto yung ako naman mismo yung naka-experienced. So nung morning shift na ako, diba kung maaari maaga matulog, e nasa state of adjustment pa ko. I'm the only one who is awake nalang sa room namin, so pumunta ako saglit sa kabila para maki-chismis syempre, after 30 mins lang siguro bumalik na ako sa room namin, pagbukas ko ng pinto, unang hakbang ko palang papasok may narinig akong umiiyak, so sinilip ko kung roommates ko na hiniwalayan ng jowa kasi LDR na, pero hindi naman kasi medyo may liwanag from toilet light at kitang-kita ko naman na himbing na himbing silang natutulog, sa takot ko hindi na ako masyadong makagalaw at hindi ko alam kung babalik ba ako o papasok. So tumakbo nalang ako sa kama ko mismo at nagtalukbong. Kinuwento ko din sa lahat yung nangyari at natakot.

3. Last na po. Ito yung may 3rd batch of trainees, puro boys naman and may isang sireyna. Sa 2nd floor sila. Tapat ng room nila mismo sa taas yung kwarto nila Bem at Camin. Nung medyo naging close na kaming lahat.   Nakwento nila na bakit daw palaging ang ingay daw ng lakad tsaka parang talon nga talon yung ibang girls. E diba pagtatalon ka ang lakas ng impact sa semento at dinig na dinig daw nila sa room nila na syempre galing sa room ng ibang friends ko, ang ingay daw. Sabi naman nila Bem impossible daw kasi normal lang sila kung maglakad.

Trivia po nung mga Thai na naging friends namin, karamihan daw ng bahay may ghost house sa labas malapit sa bahay nila at they believed na dun magpupunta yung mga ligaw na espiritu instead na sa bahay mismo, dinadasalan nila and inaalayan ng kahit na ano. Eh wala pong ghost house sa staff house namin noon. Tapos yung dalawang kwarto na binigay samin matagal na daw na unoccupied, kami nalang daw ulit at since we left there wala ng ibang nag-occupy dun.

Madami silang statues ng Buddha nila dito na dinadasalan at inaalayan. May kwento yung Thai na naging friend namin about sa kumalat at naging kilalang kwento ng "Foreign Curiousity".  May foreigners daw na couple who is celebrating their marriage. They're very curious daw kung bakit ang daming alay sa statue and to the extend na they made fun of it at kumuha ng isang alay at di na binalik. After that daw their marriage was cursed, wala ng magandang nangyari sa kanila, they fight a alot, badluck came and they divorced.

Lahat naman po tayo curious pero huwag lang dapat malikot ang kamay.

Huwag angkinin ang hindi sa atin. Hindi tayo taga China.

Hanggang dito nalang po.
Salamat po kung ma-post man ito :)

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon