Condo Unit

539 16 0
                                    


Hi mga ka sis! I need your inputs about what is going on sa unit namin. Hindi ako mapaniwalain sa mga ganito kasi for me God is stronger than them and mahirap i entertain kasi duwag ang kasama ko baka iwanan ako mag isa magbayad ng renta. We've just moved in to a 1 bedroom condo unit. 2 kami ng pinsan ko and kami ang first tenants. Yung unit is located sa pinaka highest floor, 35th flr to be exact then 36 and 37th floors are the penthouse. So floor na yun parang 7 units pa lang ang occupied out of 18 units. Maliit lang sya  22 SQ meters lang.mag 1 month pa lang kami tomorrow biglaan kasi yung pag lipat namin kasi nung nag-apartment kami na akyat bahay naman kami. So nag start yung mga weird na pakiramdam ko is one time mag-isa ako sa unit parang may kumatok, tapos nung sinilip ko sa doorviewer wala naman. Makikita sa doorviewer yung nearest elevator and hallway ng wing namin. So wala ako nakita. May mga neighbors ako na 4 units na and pinaka katabi namin naririnig namin pag closed and slide ng door nila. Ibang movements naririnig naman talaga pati kapag may nag uusap sa labas.

then may mga times na may tumutunog or nagsasarado ng door or cabinet pero hindi ko naman masabi kung sa unit nga namin yun.

One weekend, around 3 or 4am after namin kumain ang naghugas ng plates, nilagay ko yung plates sa rack to dry, tapos pumasok na kami sa room. Nung nakahiga na kami biglang dumulas yung rack and nabasag yung plate. So ok lang iniisip na lang namin is baka mali talaga lagay ko at madulas talaga yung lababo.

May time din na nagpadeliver ako ng mineral water around 2pm, (night shift pala ako) wala na pinsan  ko nun, so after ko buhatin yung gallon at nilagay near sa lababo at nakahiga na ako, dumulas sya ulit at natapon yung water.

then habang natutulog ako sa hapon, nagising ako kasi may narinig ako nagpupukpok ng malakas pero hindi sa unit namin. I am not sure kung sa 36th floor yun. Nung nagising ako at pinakaramdaman ko kung san nanggagalin, nag stop sya I stayed awake until 6pm baka may construction pero wala talaga.

Last Friday, I experienced sleep paralysis na parang may dumadagan sakin tinatry ko daw lumabas out of the bedroom pero pinipigilan ako  nalabanan ko lang, lately nga binubuksan ko yung tv para maingay sya . Nagpapatugtog ako ng malakas lalo pag weekend. Then kanina yung pina recent lang, pag alis ng kasama ko, nag woworry na ako na baka may maranasan na naman ako, I tried to stay awake kaso wala nakatulog pa rin ako, tapos dun sa dream ko may nakita akong babae sa tabi ko suot yung short ko, tapos shadow sya, galit ako sa dream ko and nung sinabi ko "In Jesus name tigilan mo na ako" tsaka ako nagising. Mga 3 times ako nagpabalik-balik sa dream na yun.

Mga sis ayoko sabihin sa kasama ko kasi super duwag yun pero alam ko may nararamdaman din sya kasi minsan  sabi nya may naglalakad sabi ko lang kapitbahay yun. Ayoko kasi magkatakutan kami. 1 year pa bago kami pwede umalis dun. I am not sure kung na bless ba yung unit.

Tsaka kasi nung nag move kami dun ang daming kumontra kasi mahal daw at ang sikip tapos ang daming kapalpakan ng management tapos ang dami din naming stress sa work and family. Inisip ko na lang baka yun ang cause kaya kung ano ano nararamdaman ko.

- Shared by Jhandee

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon