Mirror

307 13 0
                                    


I really hate big mirrors talaga lalo pag nasa CR or any part of the house.

Eto naman, this happened last Saturday lang. yung ka-boardmate kong lalaki nag-dinner, almost 12 midnight. kakauwi lang galing work as a security guard. sa kitchen sa 1st floor andun yung table na kinakainan nya. tapos sa left side nya 1 meter away, merong lumang wooden cabinet with big (life-size) mirror attached sa door.

Tumayo daw sya to get water sa jug. then pag-upo nya ulit sa table, may napansin sya sa mirror on the corner of his eye. nung tumingin sya sa salamin, meron daw syang katabing babae. kita nya yung kamay 'nito' sa table at mahabang buhok sa likod. naka-upo rin daw like him pero natatakpan nya yung image 'nito' when facing the mirror. so napatingin sya ngayon sa tabi nya. wala naman daw tao at wala rin namang iba dun sa kusina kundi sya lang. kinabahan daw sya kaya inaliw nya na lang daw sarili nya sa pagkanta para iwas takot habang binibilisan nya dinner nya.

Maya-maya daw dahan-dahang bumukas yung door ng cabinet with a creepy sound. tapos habang dahan-dahan daw bumubukas, napansin nya yung mirror sa door na may nadaanan itong reflection ng isang babae na nakatayo daw mismo sa harapan nya. sabay dampi ng malamig na hangin sa paanan nya.

Sa takot nya, pumikit na lang daw sya at nag-pray. wala na yung babae sa mirror, nilakasan nya loob nya at tinapos ang dinner at natulog.

- Shared by jaymejorrol

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon