Bahay ni Tita sa Batangas

128 3 0
                                    


Lagi akong nagbabasa ng mga real ghost stories dito sa site na ito so I decided na i-share ang experience ng family namin sa bahay ni Tita. Yung bahay na yun ay bagong tayong bahay nila tita sa isang subdivision sa Lipa Batangas. 2-storey sya at may tatlong kwarto sa taas at isang cr. Yung una at huling kwarto dun ang medyo creepy though maaliwalas naman syang tingnan. So eto na nga iba't ibang kwento sa bahay ni Tita.
        
Una, ito ay kwento ng dalawang pinsan ko na si Jenny at Janine nung inutusan sila ni Tita na mag-stay muna doon at matulog sa bahay nya sa Lipa, wala kasing nakatira sa bahay na yun kasi ako kasama ang pamilya ni Tita ay nakatira sa Pasig dahil nandun ang business nya at dun nagtatrabaho ang mga anak nya. Pumayag naman ang dalawa kong pinsan kahit medyo hesitant sila kasi may mga kapitbahay nga na nagkukwento na minsan ay may nakikita silang babae sa terrace sa 2nd floor ng bahay which is napaka-imposible kasi inuulit ko 'WALANG NAKATIRA'.
       
Sa bahay na yun ay minsan lang magkatao dun, kapag may okasyon lang sa Batangas o naisipang umuwi doon. So, ayun na nga pumayag sila na magbantay sa bahay ni Tita. Nung unang gabi nila biglang nag-brownout sa buong subdivision. Papaakyat na sila ng kwarto para dun na lang mag-stay ng biglang nung nasa kanto na sila ng hagdan (yung hagdan na yun talagang kapag umakyat ka dun parang may nakatingin sayo) biglang may sumitsit sa kanila ng dalawang beses sa sobrang takot nila ay umuwi na sila kinabukasan sa bahay nila at di na natulog sa bahay ni Tita.

Pangalawa, nung nagbakasyon ang mga pinsan at kapatid ko sa bahay ni Tita. Sila-sila lang ang mga nakatira dun 8 sila na puro babae. Yung 6 na dalagita napiling magsiksikan sa pangatlong kwarto. Maiingay ang mga bata na yun kapag magkakasama inabot sila ng hanggang madaling araw kakakwentuhan, harutan, tawanan ng biglang may sumigaw sa kanila na boses ng lalaki (take note: ALL GIRLS sila) "Magsitulog na kayo". Narinig nilang lahat ito at nagkumot dahil na din sa takot at natulog na din sila.

Pangatlo, ikakasal ang pinsan ko sa Lipa at dahil abay ako umuwi ako ng Batangas kasama ang Nanay, Lola at kapatid ko. Sinabi ni Tita na dun kami mag-stay sa bahay nya since di naman makakauwi ang pamilya nya sa araw ng kasal. So we decided to stay there. At dahil itong ibang pinsan ko sabik na makasama kami ng kapatid ko dahil madalang kaming mauwi ng Batangas dun din sila natulog sa bahay ni Tita. Yung iba kong pinsan pati lola at nanay ko sa taas natulog occupied nila yung tatlong kwarto tapos yung iba sa baba pati ako. Yung pwesto namin sa pagtulog ay ako, yung pinsan ko, anak nya at kapatid ko sa lapag sa kutson. Yung boyfriend ng kapatid ko sa sofa. Si Joy sa isang sofa malapit sa kusina katabi ng water dispenser. Si Joy yung pinsan kong bukas ang third eye simula pagkabata. Nung naalimpungatan sya ng madaling araw may nakita siyang anino ng tao na nanggaling sa water dispenser, dahil patay ang ilaw hindi din nya naaninag ang mukha kung sino. Inakala din nya na isa sa amin ang nauhaw nung time na yun. Ngunit kinabukasan tinanong nya kaming lahat even Nanay at Lola ko kung sino ang bumaba or kumuha ng tubig nung madaling araw. Nagulat sya ng nalaman nyang wala samin ang bumangon nung gabing yun.
        
Pang-apat, sumama ako sa dalawang college friends ko mag-beach kasama yung set of friends nila day tour lang somewhere in Nasugbu. So nung hapon na pauwi kami inaya ko sila na sa bahay ng tita ko na lang magpalipas ng gabi pumayag naman sila. Kinabukasan while having our breakfast naririnig ko mula sa baba ang pagbukas at pagsara ng unang kwarto sa taas kinilabutan ako kasi alam kong naka-locked ang bintana ng kwarto sa taas at hindi naman mahangin nung umagang yun narinig din pala nila yung nangyari na yun kaya naligo kaming tatlo ng sabay-sabay tutal pare-pareho naman kaming babae.

Panglima, nagbakasyon kami ng mapapangasawa ko sa Batangas. Ang gusto ko sa bahay kami ng Tita Gemma ko matulog kasi nga natatakot ako sa kwarto ni Tita V pero mapilit itong si Ron na dun matulog kila Tita V kasi nakakahiya makitulog sa isa kong Tita kasi occupied na lahat ng kwarto. So pumayag naman ako dahil nga matatakutin ako nagpasama ko sa dalawa kong pinsan. Pagdating na pagdating namin sa bahay ni Tita biglang nagsalita ang fiance ko.
Ron: Meron dito 'no?
Ako: (maang-maangan kahit alam ko ang ibig nyang sabihin. Hindi ako nagkwento sa kanya ng tungkol dun sa mga nagpaparamdam sa bahay. hindi ko alam na may third eye pala sya at malakas ang pakiramdam nya sa ganun) Ha? Ano ang ibig mong sabihin?
Ron: May ibang nakatira dito. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto may huminga sa tenga ko.
Ako: Paanong hinga?
Ron: Haaaaaaaaah. Yung parang buntong hininga. Tingnan mo nagtayuan lahat ng balahibo ko.

Nakita ko nga na kinilabutan sya. Pero hindi pa diyan natatapos ang pagpaparamdam. Nung matutulog na kami sa unang kwarto bigla syang nagsalita na hindi sya makatulog na parang may kung anong mainit sa binti nya na ayaw mawala. Ako naman natatakot na nun kaya pinilit kong matulog pagdilat ko nakita ko sya na parang bumubulong tinanong ko sya kung anong ginagawa nya sabi nya nagdadasal kasi parang merong nakapwesto sa paanan namin sa may banda sa kanya. Ako naman takot na naman ng biglang may umuuga ng kama namin hindi naman lumilindol. Nagtanong sya kung may rosary ako. Meron akog laging dalang rosary, ang ginawa nya dito isinabit nya ito sa paanan sa may dulo ng kama at yun nakatulog na sya pero ako hindi talaga ako pinatulog 6am na ako nakatulog.

Marami pang pagpaparamdam ang naganap sa bahay ni Tita kahit ang mga kasamahan nya sa Zumba na bumisita sa bahay nya sa Batangas ay pinaramdaman din, minsan si Tita pinaglalaruan itinatago yung gamit nya. Hanggang dito na lang.
        
May iba pa akong kwento sa susunod tungkol sa Batangas.

- Shared by Anj Macuja

Haunted HousesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora