Istorya ni Hubby

387 10 0
                                    


Tagal ko nang binabasa mga stories dito. Wala kasi akong experience sa ganyan. Sobrang lakas siguro ng protection samin ng lola ko. Sobrang religious kasi yun and nagpapasalamat ako sa kanya hehe. Anyway ma-share ko lang yung sa husband ko.

Nung bata pa daw sya pinatayuan sila ng daddy nya ng malaking bahay. Sila ang first owner and sila talaga ang nagpagawa. Sa city na ito ha walang province. Anyway malaki daw talaga yun and nakita ko naman sa pics. 3 lang sila ng mommy nya saka kapatid nya nakatira dun dahil laging wala ang dad nya. Bata pa sila kaya sama-sama sila sa kwarto sa first floor. Hindi nila na-enjoy yung bahay kasi almost every night daw may naglalakad sa taas na may kadena at bumababa ng hagdan. Ilang blessing na at alay yung ginawa nila dun hindi pa rin umaalis.

Piniktyuran daw nila yung buong bahay at pagka-developed may nakasulat na "Sonny" sa likod. Sa lahat ng pina-develop, yung pic lang daw ng bahay ang may nakasulat. So tinawag na nilang Sonny yung multo. Madalas ding hindi sila makapasok sa bahay kasi nila-lock daw nung multo yung bahay. Yung tipong may susi naman sila tapos unlocked sa labas pero hindi pa rin mabuksan parang naka-lock pa rin sa loob. Kailangan pa daw nilang pakiusapan at sabihing "Sonny papasukin mo naman kami" para bumukas.

Eventually naghiwalay ang parents nya at kailangan nilang ibenta ang bahay dahil walang financial support ang tatay nila.

Nagpagawa naman ang mommy nya ng mas maliit na bahay na sakto sa kanilang tatlo so dun na sila lumipat. Yun na yung bahay nila hanggang ngayon. Pero meron pa rin daw dun. isang beses nanunood daw silang magpipinsan ng TV. Yung lumang TV pa na pag pinatay mo parang may matitiramg line sa gitna. Basta yung luma. Nanunuod daw sila biglang namatay. Tapos sa pinaka center ng TV may isang mata. Ewan ko kung right or left eye. Tapos gumalaw pa daw yung pupil. Parang tiningnan sila saka nawala.

Dun din sa same house hanggang ngayon may ibang nakakaramdam. Never pa ako nakaramdam dun kahit tumira ako sa bahay nila pero may friend kami na pag bumibisita may nakikitang lalaking umaakyat sa hagdan. Hindi naman sila bina-bother at sobrang bihira na nila makita or maramdaman.

Isa pang story dun naman sa bahay ng lola nya. Maliit lang at luma na. Nag-stay din ako dun pero wala akong nakikita. Pero one time gabing-gabi na. hinuhugasan ko yung pinagkainan namin ng hubby ko ng midnight snack. Nasa kusina yung hagdan bigla syang sumigaw ng "Asa!!" kasi daw nung pababa sya may kamay daw na kukunin sana yung paa nya pero nakaiwas sya. Akala nya ako. Eh naghuhugas nga ako. Wala naman ibang tao dun kundi kami lang.

- Shared by ezra0916

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon