Paglipat

112 2 0
                                    


Story ito ng katrabaho ko noon na si Ate Bing, may apat na anak at lagi silang nag-aaway ng asawa niyang lasinggero at dahil doon isinangla niya ang bahay nila para ilayo ang asawa niya sa mga kapitbahay nilang manginginom. Nangupahan sila sa kabilang baranggay kasama ang mga anak. Makalipas ang ilang linggo ay nanaginip daw silang mag-asawa na may nakadagan sa kanilang babae habang natutulog at sinasakal sila, pero dahil mahirap lang sila at kauupa lang nila doon ay hindi na lang nila iyon pinansin. Nang isang araw naiwan na lang sa bahay ay ang katrabaho ko at ang anak niyang bunsong babae na si Kim, 5 years old kasi hindi pa ito pumapasok sa school, paglabas daw niya ng banyo ay nakatingin ito sa kanya.

Kim: "Mama, ang pangit ng kasama mo sa CR."

Kinabahan daw siya noon dahil mag-isa lang siyang naligo pero pinagtawanan lang niya si Kim kasi bata pa at kung anu-ano ang sinasabi.

Sa mall kami nagtatrabaho at closing siya palagi kaya nasa 10pm na siya nakakauwi lalo na't traffic pauwi ng Antipolo. pag-uwi daw niya ay natutulog na ang tatlo niyang anak pero si Kim ay hindi pa at talon ng talon. Pagkakita daw sa kanya ay yumakap ito at humalik. Nagtaka siya dahil gabi na at madalas ay tulog na o nanonood lang ng tv si Kim at di siya papansinin. Naglulundag ito habang tumatawa. Sobrang creepy ng pagtawa niya parang nanalo sa lotto at panay ang sabi ng "Ang saya-saya ko, Mama." hanggang sa nakatulugan na lang niya ito.

Kinabukasan ay ganoon pa rin si Kim. talon ng talon habang tumatawa at nag-aalala na siya dahil hindi daw ito kumain maghapon ayon sa kapitbahay nilang napag-iiwanan niya pero may lakas na magtatalon kahit walang kalaro. Binilinan na siya noon na ipatawas si Kim dahil hindi na ito normal.

Naging mas clingy si Kim kaya nung dumating ang manggagamot o albularyo ay pinilit niyang ipabuhat sa asawa niya si Kim kasi nagwawala kapag hindi siya ang may karga. Mama ng Mama.

Pagkapasok pa lang ng Albularyo ay sabi niya agad. "Hindi yan ang anak mo, Bing." Umiyak daw sya ng tumakbo uli si Kim payakap sa kanya. Takot at awa ng nararamdaman niya para sa anak. "Pero huwag kang matakot kasi sayo lang siya lumalapit. Huwag mo siyang hayaang magtatakbo sa labas dahil baka di na siya bumalik."

Napagpasyahan daw nilang ipagamot si Kim sa kakilala nilang mas malakas na manggagamot pero taga Cavite ito kaya bumiyahe pa sila at sa biyahe ay nagwawala si Kim. Kahit anong yakap ni Ate Bing ay ayaw nitong kumalma at laging sumisigaw ng "Ayokong sumama!"

Nakarating naman sila agad dahil madaling araw pa sila umalis at ganoon din ang sabi nito. Kinuwento nila ang lahat at malamang daw ay pumalit ang espiritu ng bata sa inupahan nila at naiwan doon kaluluwa ang anak niya. Dapat daw ay bumalik sila sa bahay para makiusap na ibalik ang anak niya at mapaalis ang mga naninirahang kaluluwa sa bahay nila.

Makapananghali nang makarating sila sa inuupahan nila at doon ay muling nagwala si Kim na nakatali na ang mga kamay. Yung albularyo ang unang nagbukas ng pinto dahil hawak nila Ate Bing ang anak niya pero ayaw daw bumukas ng pinto kahit anong pihit sa susi. Kahit ang tunay na may-ari ng bahay ay di rin ito mabuksan kaya humingi sila ng tulong sa iba pang kapitbahay para wasakin ng tuluyan ang pinto.

Nag-iiyak tawa na si Kim at panay ang hagulgol ni Ate Bing ng mabuksan ang pinto at muli silang pumasok. Hindi naman kaluwangan ang bahay kaya nung umikot sila Ate Bing, ang asawa niya, si Kim at ang albularyo habang nag-iinsenso habang nagdarasal ay napahinto sila sa banyo.

Albularyo: "Narito ang anak mo. Hindi siya nag-iisa."

Lalong lumakas ang hagulgol ni Ate Bing at niluhuran si Kim na panay sabi ng Mama sa kanya.

"Ibalik mo na ang anak ko, parang awa mo na."

Sabay-sabay silang nagdasal, binuksan nila ang dala nilang alay na pagkain at nagpatay naman ng buhay na manok ang asawa ni Ate Bing sa labas nang kumalma si Kim. Nakapikit siya na parang nagdarasal. Agad siyang pinaypayan ni Ate Bing at maya-maya ay dumilat na at yumakap sa mama niya. gutom na gutom din siya kaya nagpatimpla ng gatas.

Nagdasal muna sila ng pasasalamat bago umalis ang albularyo at naging okay naman na si Kim.

Ang sabi ay hindi umaalis ang mag-inang kaluluwa doon dahil matagal na rin silang naninirahan dun kaya lagi silang mag-iingat na huwag itong gambalain at lagi silang magdasal.

Haunted HousesWhere stories live. Discover now