Norma

119 5 0
                                    


Hi! Gusto ko lang i-share yung isa sa mga nakakatakot na pangyayari na na experience ko.

Ang Papa ko ay isang TM sa Jueteng na napapadestino sa malalayong probinsya at noon hindi pa uso ang money transfer at cebuana padala kaya napipilitan ang Mama ko na puntahan sya pag wala na kaming panggastos, minsan sa isang trabaho nya sa Iba, Zambales naisama ako ng Mama ko.

Ang bahay na inuupahan nila ay luma pero malaking 2-storey na bahay. Ang daan papunta sa bahay ay malayo pa sa main road at kailangan pang tumulay sa kawayan na pinagdikit para makatawid ka. iilan lang ang kapitbahay pero napakaraming aso na walang tigil ang kahol nung kami ay dumadaan. May kwarto sa baba at taas ng bahay at dahil TM ang Papa ko boss sya ng iba at nasa taas at solo ang kwarto nya. Mag-asawang matanda ang may-ari ng bahay na may weird na anak na dalaga. Weird dahil wala syang buhok sa buong katawan at napakaputi nya. Hindi daw dating ganon ang babae nagustuhan daw ng engkanto nung 16 years old sya kaya nagkaganon. Pero dati syang normal at magandang bata.

Unang gabi namin, malas brownout, nasa gitna ako ng mama at papa ko sa pagtulog. Ang kwarto ay makaluma. ang pinto ay de-slide na kahoy na medyo may kaingayan at ang nga bintana eh capiz. Nung gabing yun walang tigil ang kahol ng mga aso malakas ang hangin, ang mga sanga ng puno ng avocado at duhat ay humahampas sa bintana. Kasabay ng hangin may narinig akong umiiyak na babae. Sabi ko "Papa sinu yon?" "Huwag mo ng pansinin yun at matulog kana." Balewalang sabi ng Papa ko. Nakatulog na ako, nagising lang ako ng madaling araw dahil narinig ko na may nagbukas at nagsara ng pinto at umiiyak na naman ang babae sa kabilang kwarto. Dahil sa kaantukan nakatulog na ulit ako.

Kinabukasan, dala ng kakulitan ko, inusisa ko ang kabilang kwarto kung saan may umiiyak. wala sa loob ko na nakakatakot yun dahil bata pa ako non. Pinilit kong itulak hilahin ang de-slide na wooden door at sa ilang try nabuksan ko din. (abala ang mama ko sa pagbabasa ng pocketbook kaya walang pumipigil sa akin). Pagbukas ko ng pinto maalikabok sa loob sarado ang bintana may kama at may litrato ng dalagang babae na walang kangiti-ngiti sa mukha. Tahimik na tahimik sa kwartong yun nang biglang "Tuk-oooo" nakakita ako ng tuko sa kahoy ng bubong dahil wala silang kisame direktang yero na bubong na agad. Nagtatakbo ako palabas ng mabunggo ko ang matandang babae na may ari ng bahay. "Bakit ka pumasok diyan?" Wala akong naisagot dahil mali ang ginawa ko. "Pasensya na po kayo talagang malikot itong anak ko kaya nga po wala akong mapag-iwanan." Ang mama ko ang sumagot nakalabas na pala sya ng kwarto. "Kwarto ito ng anak ko at hindi naman ito binubuksan." Sabay alis ng matanda na halatang galit.

Dumating nung hapon ang papa ko at sinabi ni mama ang nangyari. Napagalitan ako ng papa ko pero kasunod nun kinuwento nya kay mama ang nangyari sa isa pang anak na babae nung may-ari ng bahay. Panganay palang anak ng mag-asawa si Norma at patay na ito. Hindi sinipot ng nobyo nya sa simbahan si Norma nung araw ng kasal nila dahil nakabuntis pala ng ibang babae. Nung umuwi sa bahay si Norma walang tigil ang iyak nya hanggang sa tumahimik na ito. Nang buksan ng mga magulang ang kwarto nakita si Norma na nakabigti suot pa rin ang wedding gown nya. At oo sya ang umiiyak nung nakaraang gabi. Si papa ay hindi matatakutin sa ganoong bagay mas lalo mo daw kasing pansinin lalo kang matatakot. Pero iba si mama hindi sya mapakali at gusto na nyang umalis kami kaya nagkasundo sila ni papa na umuwi na sa amin kinabukasan. Nung gabing yun wala na namang kuryente sa kasagsagan ng aming pagtulog nagising kami sa malakas na iyak ng babae at nagulat kami ng makitang ang daming lumilipad na fireflies sa kwarto kahit nakasarado ang bintana. Lumiliwanag ang mga insekto sa dilim at nakakapanindig balahibo ang pag-iyak na lalong lumalakas. Sa takot ng mama ko dali-dali kaming nag-empake at nagmadali ng umalis kahit kasagsagan ng gabi. Kinatok namin ang empleyado ni papa na may service na owner para ihatid kami sa bus station. Sa paglalakad namin palabas sa main road walang tigil ang pag-alulong ng mga aso na kung hindi siguro nakatali ay malamang sa hinabol na kami. Sinabihan ako ng Papa ko na pumikit habang naglalakad kami at huwag didilat hanggang sa makarating kami sa sasakyan na sya ko namang ginawa. Takot na takot ako pagkatapos ng mga aso ang malakas na huni ng mga kuliglig ang nakapagpataas sa balahibo namin habang naglalakad ang mama ko ay walang tigil sa pagdadasal simula nung naglakad kami palayo sa bahay. Sa wakas nakarating din kami sa main road. Saka palang gumaan ang pakiramdam namin.

A.D.
Laguna

Haunted HousesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora