Dorm

128 2 0
                                    


Hi. Gusto ko lang i-share itong story ko. Hindi ako magaling magkwento pero gagawin ko yung best ko. Habang tina-type ko ito, kinikilabutan pa rin ako.

Bago palang kami ng friend kong si Mariz dun sa dorm na tinitirahan namin malapit sa school. Simple lang yung dorm. Kwarto tapos double deck na kama. May table na pang dalawang tao lang katapat ng pinto. Tapos may cr malapit sa mini kitchen namin. Di naman namin kailangan ng malaking space kasi mas matagal pa yung pag-i-stay namin sa school kesa sa dorm. Actually mura nga lang yung bayad namin sa dorm. Tig-1000 lang kami. Kasama na don yung bayad sa tubig at kuryente. Magkaiba kami ng schedule ng klase kaya madalas hindi rin kami nagkikita sa dorm pag-vacant. Actually tuwing 5pm lang kami nagkikita kasi yun lang yung pareho naming vacant ng sabay.

One time umuwi ako sa dorm ng 4:30pm kasi maagang natapos yung klase ko. Naglinis ako ng dorm kahit malinis na yun. Wala lang, naghanap lang ako ng gagawin habang hinihintay na dumating si Mariz. Kaso nag-text sya na male-late sya ng uwi kasi kasama nya yung bf nya so sabi ko ok. Anyway, sabay din kaming nakain since 5pm nasa dorm na kami. Dahil nga wala sya, gumawa na lang ako ng research ko tsaka nag-fb na rin. Hindi ko namalayang 7:30pm napala. Tinamad na akong kumain ng rice kasi diet ako haha. So lumabas nalang ako tapos bumili ng pizza. Balik din sa dorm pagkabili. Wala pa rin yung friend ko kaya nanood na lang ako sa laptop ko. Bale nakaupo ako sa kama habang nanonood ng 'Interstellar' kahit ilang beses ko nang napanood. So nasa kalagitnaan ako ng panonood nang may marinig akong pumapatak na tubig. Sobrang hina lang ng laptop ko kaya kahit simpleng noise, naririnig ko. Kahit ayaw kong tumayo, lumapit ako sa mini kitchen baka kasi di masyadong nakapatay yung gripo. Kaso pagkatingin ko, sarado naman. Tuyo nga yung lababo eh. Kaya sa cr naman ako pumunta, nakasara rin yung gripo. Kaya nagtataka ako kung saan nanggagaling yung patak ng tubig. Hindi rin naman naulan. Well, 2 lang kasi yung gripo sa dorm, sa lababo at sa cr. Hinayaan ko na lang yung tunog na yun at tsaka ko tinapos yung pagkain ng pizza. Hindi ko rin naubos kaya nilagay ko na lang sa mesa. Tapos non natulog na lang ako.

Ilang araw pa ang lumipas, naririnig pa rin namin ng ka-dorm ko yung patak ng tubig kaya kinausap namin yung may-ari ng dorm about don. Sabi nya wala naman daw ibang paggagalingan non at ayos lang yung tubo ng tubig kaya sabi nya baka daw guni-guni lang namin yon. Napailing na lang ako kasi grabeng guni-guni, araw-araw namin naririnig.

Hanggang sa isang araw sinama ni Mariz sa dorm namin yung sister ng bf nya. Since bawal pumasok sa dorm ang lalaki, yung kapatid na lang ng bf nya ang sumama sa loob para kuhanin yung flash drive ng friend ko. Tapos nagulat kami kasi pagpasok ng sister ng bf ni Mariz ay nadapa sya sa may pinto. Bigla syang sumigaw kasi daw nabunggo sya. Eh wala namang nakaharang sa pinto para may mabunggo siya. Basta lang pinipilit nya na may nabunggo daw sya sa pinto kaya sya natumba.

"Palusot mo lang yan eh. Lampa ka kasi" pagjo-joke ni Mariz. Tapos pinipilit pa rin ni Gale (yung sister) na nabunggo daw sya.

"Patayin nyo kaya yung gripo nyo. Sayang yung tubig, di nyo naririnig yung patak? Every drop counts" biglang tumawa si Gale.

Nagkatinginan kami ni Mariz, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan kasi kahit si Gale naririnig nya yung patak ng tubig. Naramdaman kong tumaas yung balahibo ko at di ko alam kung bakit. Tapos non umalis na si Gale nang makuha nya yung flash drive.

After 1 week sinama ko yung friend kong weird sa dorm. Weird as in weird. Kasi lagi syang may napi-feel na bad spirits. Kahit nung una eh hindi kami naniniwala. She is Sheila btw. Nung una hindi sya kilala ni Mariz pero pinakilala ko na rin. Sabi ko sumama sya samin sa dorm kasi may iko-confirm lang ako. Um-oo naman sya since weird sya. Haha. Tapos unang tapat pa lang nya sa may pinto bigla syang napatigil. nagkatinginan ulit kami ni Mariz kasi yung na-feel namin nung nasa dorm si Gale, ganun din yung napi-feel namin ngayong kasama namin si Sheila.

"Pasok ka sa loob, Sheila." sabi ni Mariz. Pumasok naman sya sa loob tapos medyo sa gilid lang sya ng pinto dumaan. Parang may iniiwasan.

Kaya sabi ko, bakit sya tumabi eh wala naman harang. Tapos tumawa lang ako. Sumabat naman si Mariz ng "Baka mabunggo rin kagaya ni Gale" tapos tumawa rin si Mariz. Samantalang hindi naman tumawa si Sheila. Ang weird talaga.

Tapos bigla nalang akong napamura kasi naririnig na naman namin yung tunog na parang may pumapatak na tubig. Kinilabutan ako kasi si Shiela biglang tumingin sa kisame, namutla sya bigla kaya mas lalo akong natakot. Ramdam ko rin na biglang natakot si Mariz kasi humawak sya sa braso ko.

"McDo tayo. Libre ko." Bigla ko nalang sinabi kasi gusto ko nang lumabas sa dorm. Tumango lang si Mariz tapos lumabas na, sumunod naman si Sheila na parang may iniiwasan pa rin sa pinto tapos lumabas na rin ako. Ni-lock ko yung pinto tapos pumunta na kami sa McDo.

Habang nakain kami kinukwento namin yung tungkol kay Gale tapos dun sa tubig na laging napatak na hindi namin alam kung saan nanggagaling.

"Alam nyo kung bakit nadapa sa may pinto si Gale?" Seryosong tanong ni Sheila tapos sumagot naman si Mariz na clumsy daw kasi. Umiling si Sheila tapos sabi "Kasi may nabunggo sya. May batang nakaupo sa may pinto nyo. Yapos-yapos yung tuhod habang nanginginig sa lamig." Bigla akong kinilabutan, ganun din si Mariz. Taena. Kahit nasa McDo kami takot na takot ako.

"Eh yung patak ng tubig?" Naglakas loob na akong nagtanong kahit yung kaba ko hindi mawala. Medyo nanginginig pa yung boses ko kasi takot na takot na ako. Si Mariz naman nilapit yung upuan sakin kasi takot rin.

Ngumiti lang si Sheila tapos tumingin sa taas. "May babaeng nakadikit sa kisame ng dorm nyo. Nakaputi, mahaba yung mga kuko. Mahaba rin yung buhok. Kulay bulok na kahoy yung katawan.." tumigil sya sa pagsasalita tapos tumingin samin. "Hindi tubig yung naririnig nyong pumapatak. Dugo yon. Dugo nung babaeng nasa kisame. Pumapatak yung dugo nya sa sahig ng dorm nyo." Sa sobrang takot namin hindi na kami bumalik nun sa dorm since gabi na non. Nakitulog na lang kami kila Sheila kahit hindi sila close ni Mariz. Kinaumagahan kinuha namin yung mga gamit namin sa dorm tapos lumipat na lang kami sa iba. At pinangako namin na hinding-hindi na kami babalik sa dorm na yon!!

PS. sorry mahaba yung kwento. Di ko lang kayang hindi i-share.
PPS. patayin nyong maigi yung gripo nyo, baka kasi may marinig kayong patak... ng dugo.

-Anne

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon