Bicol 2017

105 4 0
                                    


Hi po mga admins! Mag-share lang po sana ako ng ibang na-experienced ko sa province namin.

Maniwala man kayo or sa hindi totoo po itong nangyari sakin mga besh. Nung April 2017, nag-decide po kami ng partner ko na umuwi nalang kami ng province kasi wala namang nangyayari dito samin sa Manila. So, sabi ng father ko tutulungan nya naman daw kami para makapag-start ulit. Pinasok ng father ko yung partner ko sa trabaho nya and stay-in po sila dun kesa umuwi sila araw-araw, sayang daw ng gas kasi medyo malayo po. Nung unang dating namin samin kami tumira, kaso syempre nahihiya din kami lalo na yung partner ko. Kaya nag-decide sya na dun nalang daw ako sa bahay nila, tapos pag gabi pasama nalang daw ako sa mga kapatid ko. Wala kasing nakatira dun sa bahay nila nung time na un kaya pumayag naman ako. Nung una, ok naman. Tas nung mga 2nd week na, dun na! Mga 1am na kami nun natulog ng dalawa kong kapatid, kasi busy sa panunuod ng mga korean novela sa tv gamit ang usb. So pinatay na namin mga ilaw. Maya-maya, may kumatok. Mahina lang sya pero tatlong katok yun. Sobrang natakot kami nun kasi kakahiga lang namin and biglang may ganon. Lahat kami nagtalukbong ng kumot kahit pawis na pawis na. Sunday na nun nung umuwi ung father ko and si partner. Nung gabi na, kwentuhan muna kaming dalawa hanggang hindi namin namalayan na 12am na pla. Sabi ko tulog na tayo. Maya-maya nandiyan na naman ung kumakatok. Kumatok sya ulit mga besh, tatlong beses. Sabi ng asawa ko, huwag daw akong maingay, pakinggan lang daw namin kung may magsasalita, kaso wala naman. Pagkatapos ng ilang minuto, may narinig na kaming nagpapala. As in, para siyang naghuhukay. Mga ilang minuto din yun mga besh. Nanginginig na ako sa takot nun. Sinong matinong tao ang maghuhukay ng ganung oras at sa likod pa ng bahay namin?. Tapos kinabukasan, tinignan ko kung may hukay kaso wala. Ikalawang na-experienced ko dun is nung wala yung partner ko, sabi nya sakin uuwi daw sya mga 6pm. Mag-commute nalang daw sya. Sabi ko sige, hintayin kita. Mga bandang hapon na nun nung matapos ako maglaba tapos biglang may tumawag sakin sa likod namin at dinig na dinig ko ang boses nya. Boses ng asawa ko. Dalwang beses nya akong tinawag na 'Gom' (ibig sabihin asawa) bigla kong tinignan yung oras 2:30pm palang. Sabi ko ang aga naman nya. Bigla kong binuksan yung pinto sa likod, walang tao. Pumunta pa ako sa harap ng bahay, wala ring tao. Medyo natakot na ko nun, kaso hindi ko pinahalata kasi ilang beses na din yung nangyari sakin na my tumatawag na boses talaga ng asawa ko. Minsan may mga gamit na biglang mawawala tas lilitaw nalang pag pagod ka na sa kakahanap. Hanggang nasanay na rin kami dun. Binabalewala nalang namin. Ngayon, dito na kami ulit sa Manila nakatira. 1 year lang po pala kami dun sa province. Mas komportable na kasi kami dito. Thank you po sa mga nagbasa. Hindi naman po sya masyadong creepy, at least, totoong nangyari. Keep safe!

-Ghie-

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon