Hot Spring Resort sa Laguna

190 8 0
                                    


After our graduation ceremony back in 2002 (college). me and my classmates made a plan that after graduation we will be going to Laguna (hot springs) para mag-celebrate. it was the craziest day since huling kita-kita na namin iyon bago mag-move on and look for a better career. I don't want to mention on what part of Laguna and what's the name of the hot spring na pinuntahan namin.

We arrived around 5:30pm (sa venue) as far as I can remember. na-delay kasi ang planong after lunch aalis na kami since yung ibang kaklase namin nahirapang magpaalam sa mga magulang kasi puro paalala na mag-ingat. ang una kong naisip ay tumalon na agad sa pool however sinabihan ako ng tropa ko na bawal tumalon sa pool hangga't di ka pa nag-shower. nakakapagtaka na sa araw na iyon kami lang ang customer na dumating simula pa kaninang umaga wala pa daw silang customer sabi ng lifeguard.

So ang saya-saya kasi solo namin yung place. dumiretso na kami ng tropa ko sa shower room. napansin ko na since wala namang tao, doon ako sa girls' shower room naligo. nadidinig ko naman ang barkada ko sa kabilang mens' room since pader lang ang pagitan ng mga shower room. habang naliligo ako at nagkukwentuhan pa kami ng pasigaw kasi pinag-uusapan namin kung paano yung set-up ng inuman sa cottage namin.

Kasalukuyan akong naglalagay ng shampoo sa buhok ko nang may narinig akong umuungol sa bandang pintuan ng girls' shower room. sinabihan ko mga tropa ko na 'tol iwas trip muna kadarating palang natin later na lang ang takutan. itinuloy ko ang aking paliligo hanggang sa matapos ako at humarap sa salamin. narinig ko ang tropa ko sa kabilang room na sinabing 'tol una na ako sa cottage aayusin ko pa yung iihawin natin. sumagot ako "sige brad mauna ka na mananalamin pa ako dito".

Nasa harapan na ako ng malaking salamin (alam nyo naman siguro na malalaki ang salamin sa mga shower room) habang nilalagay ko sa plastic ang mga sabon at shampoo na ginamit ko. bigla na lang akong nagulat na may babaeng nasa likuran ko. damit niya ay pula at naka-shorts lang din siya. sabi ko sa babae na nag-uusap lang kami na nakatingin lang ako sa salamin. "sorry miss ha akala ko kasi walang tao kaya dito na ako naligo. pasensya ka na. lalabas na din naman ako e." sumagot ang babae "huwag ka po lumabas tulungan mo muna ako." sumagot ako "nakupo ate wala akong pera. sakto lang perang dinala ko pambudget namin sa outing namin e. kung gusto mo inom na lang tayo pakilala kita sa mga kaklase ko."

Sumagot ulitang babae "huwag kang umalis tulungan mo ako." at this time ang tone of voice nung babaeng kausap ko ay parang galit na. sabi ko "ate lalabas na ako. wala akong maitutulong kung anuman ang problema mo." (hindi ko malaman kung bakit ayaw ko siyang tulungan ) habang pinupunasan ko ang ulo ko ng face towel para matuyo ng konti nagulat ako ng pagharap ko sa salamin halos nasa likod ko na ang babae at nakatingin sa akin ng masama. sinabihan ko yung babae. "ate huwag mo akong pagtripan baka patulan kita diyan." sabay tumawa ako. alam ko sa sarili ko na kailangan ko na talagang lumabas at mauubos ang oras ko sa enjoyment kung makikipag-usap pa ako sa kanya.

Ito ang masaklap. hindi ko maigalaw ang katawan ko at pagkalamig-lamig ng hanging pumapaligid sa akin. humarap ako sa salamin at laking gulat ko na ang babaeng kausap ko kanina ay duguan na ngayon at may sipyak ang mukha na parang tinaga ng itak at sobrang galit na galit at nanlilisik ng mga mata na titig na titig sa akin. hindi ko maikilos ang buong katawan ko at hindi ako makapagsalita. ang gianwa ko ay ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal ako ng 'Our Father' ng taimtim. pagmulat ko ng mga mata nakita ko ang babae na nakangisi sa akin na parang hindi natatakot. bumubungisngis pa siya kakatawa. nilakasan ko ang loob ko at pumikit uli ako. this time nagdasal ako ng 'Our Father' at naririnig ko na may boses na ako. habang binabanggit ko ang linyang 'who art in heaven' iminulat ko ang mga mata ko at nagbaka sakaling wala na ang babaeng nakikita ko sa salamin. nagulat ako na sa mismong harapan ng mukha ko ang pagmumukha ng babaeng may sipyak ang mukha at duguan na nakalutang sa harapan ko mismo. ulong pugot ng babae. ang matindi pa non ay sinasabayan akong magdasal ng 'Our Father'.

Narinig ko na lang yung tropa ko na sigaw ng sigaw at sinasampal ako kasi iyak daw ako ng iyak sa loob ng banyo sa walang kadahilanan. andun sila lahat kasi dalawang oras na daw ako sa loob ng banyo at ni-locked ko pa yung pintuan. pinilit lang nilang buksan ng narinig ng kasama ko na ako'y umiiyak na sa banyo.

Imbes na magsaya kami sa resort ay taimtim kaming nagdasal ng mga kaklase ko at umuwi na lang sa kanya-kanyang mga bahay. minabuti naming itanong sa lifeguard kung may nagpapakita ba dito sa resort nila. hindi kami masagot ng lifeguard at pilit na iniiba yung kwento.

- Shared by Overd0s3

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon