Nakakapangilabot!

114 3 0
                                    


Isa po akong silent reader ng spookify i-share ko lang po ang karanasan ko sa dating inuupahan ko.

May 2018, nangupahan kami ng asawa ko kasama namin ang 2 anak namin na lalaki, unang tingin ko palang sa bahay ay nakakatakot na kasi may isang kwarto na tinakpan ng plywood akala ko bodega lang yung bahay walang bintana kulob. unang tulog namin sa bahay na yun ok naman.

Kimabukasan pinaliguan ko ang bunso ko nagulat nalang ako pag-apak ko sa sahig parang hindi lumapat ang paa ko sa sahig muntik ko ng maibagsak yung likod ng anak ko sa kuna. na-weird-uhan ako nun,

Sumunod na gabi yung asawa ko madaling araw na umuwi mga 12am nakarinig ako ng humihilik at masasabi kong lalaki parang nanggaling sa kwarto tapos naririnig ko na parang my naglalakad sa sahig nakapaa tapos parang my tao palagi sa paanan namin. lagi akong nagugulat kasi pakiramdam ko talaga merong nakatayo.

Noong nakaraang linggo, narinig ko ang anak ko nagsasalita parang my kausap "hindi pa nga ako tapos" sabi nya natakot talaga ako nun, dahil wala kaming tv pinapasok ko yung kapitbahay namin ayaw nila maglaro sa kusina kung saan nandon yung may nakasarang kwarto "Lah, my momo diyan" sabi nila, nung nagluluto na ako napatingin ako palagi sa likod ko para kasing may tao, tumataas tuloy ang balahibo ko tapos yung asawa ko bigla nalang babalikwas sabay tingin sa papuntang kusina ewan ko kung bakit pero ramdam ko my hindi sya sinasabi parang my inaaninag binalewala ko nalang.

kapag wala yung asawa ko palagi akong nakikiramdam kasi yung anak ko parang laging may kausap simula nung tumira kami dun. Sa sobrang takot ko kc yung anak ko may kausap na hindi ko naman nakikita pinagalitan ko "anak kapag narinig kita na nagsasalita sa cr papaluin kita" tapos nagulat kami ng asawa ko kasi naglalaro kami nakahiga sya  sabi nya "tulong! tulungan mo ko" pati asawa ko nagtanong "saan mo narinig yan hindi naman kayo nalabas ng bahay?" sabi ng asawa ko, simula ng tumira kami don ay may mga sinasabi yung anak ko na nakakakilabot tulad nung pinalo ko sya sumenyas sya na lagot daw ako sabay turo dun s kusina kung saan nandon yung kwarto takot n takot ako kasi walang tao dun, sakto naman kinausap ako ng biyenan ko nung bumisita ako na uuwi daw sya ng probinsya wala maiiwanan sa bahay kaya pinilit ko asawa ko na umuwi na kami.

Nung araw na aalis na kami nakipagkwentuhan sakin ang kapitbahay namin, natanong ko sya "Ate may namatay na ba sa bahay na yan?" sagot nya "oo yung asawa ng may-ari ng bahay nabalian ng buto sa likod diyan sa may kwarto mag-2 years palang" napaisip ako kaya pla sa tuwing muntik madisgrasya anak ko laging likod muntik mabagsak at keya pala ang mura ng upa kahit ang laki ng bahay 1300 lng at 200 ang tubig. Bago kami umalis nagbayad muna ako ss kuryente nakita ko may hagdan papunta sa kwarto na bakante sinilip ko puro tambak ng mga gamit kaya tinanong ko yung may-ari "may natutulog po ba dito? "wala tambakan lang yan" sino humihilik sa kwarto na yun kung walang natutulog? dun palang nakumpirma ko na, na my kasama kami, kaya pla parang lagi akong nakakaramdam na parang may presensya sa paligid, born again sila kaya siguro hindi uso sa kanila ang padasal o pabasbas sa bahay para mawala ang kaluluwa sa bahay.

Haunted HousesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon