Chapter 15: Them

78 27 32
                                    

A/N: Calix and Esia above! I mean ganyan pagkakaimagine ko sa kanila in the game, atleast. HAHAHAHHA

CALIX' POV

S͟͟e͟͟n͟͟t͟͟e͟͟l͟͟ T͟͟o͟͟w͟͟n͟͟  20:28 p. m

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang mas pumayag si Ms. Andri na maiwan kasama yung lalaking yun.

Masosolo tuloy ng englisherong gurang na yon ang Ms. Andri ko pero 'di bale nandito naman si Esia.

"H-hoy Calix! Kung 'di ka mapakali diyan kakaisip kay Andri ay bilisan mo na pumila rito." tawag sakin ni Esia

Nagpout ako at sumunod sa pila niya.

"Bakit naman kasi ang rupok ng kutsilyo na to?" mahinang tanong ko (kasing-rupok ng nagbabasa, jk.)

"Sa tingin ko, hindi pa naman yan ang official weapon mo" sabi naman nya

"Sa bagay, kuha lang naman sa chest 'to" sang-ayon ko naman.

"Ang galing nga, ang bilis lumabas ng mismong weapon ni Andri, 'no?"

"Iba talaga siya" sabi ko sa kanya

Ngumiti naman sya bilang sagot saka binalik ang tingin sa pila. Sinamantala ko naman ang hindi nya pagtingin para obserbahan sya.

Oo na. M-Maganda din siya

"Bakit? May something ba sa mukha ko?" tanong niya ng mahuling nakatingin ako.

"Ha? Wala. Ano nga pala ang ipaparepair mo, wala ka namang weapon?" pag-iiba ko sa usapan.

"Eto oh" sabi nya sabay taas nung hawak niyang potion bottle na walang laman.

"Sira ba yan?" tanong ko naman

Napatawa sya bago sumagot, "No, magpaparefill ako tutal sapat na yung gold na nakuha natin dun sa una nating quest."

"Pero kaya mo namang magheal 'di ba? Para saan pa yan?" muli kong tanong.

"Pang-mana. Alam mo na. Pansin ko kasi kay Andri mabilis siyang magconsume ng mana"

"Puro burst kasi ang kinacast niyang spell." sabi ko habang tumatango-tango.

"Hoy kayo?!" tawag sa amin ng magtitinda kaya naman humarap na si Esia sa counter.

"Magpaparefill po sana ako." sabi ni Esia

"Mana? Health? Ano?" tanong nung magtitinda na ubod ng lalim ang boses.

"A-eh u-uhm mana po"  kinabahang sagot ni Esia.

"180 gold"

"Ha?!"  sabay naming bulalas.

"P-pero 150 gold lang yung nasa post nyo" sabi ni Esia.

"Eh iho! Ang laki kaya nitong lalagyan mo" giit ng magtitinda.

"Hoy tanda! Wala namang nakalagay sa post mo na depende sa size ng bottle! Sana nilagay mo ano?" banat ko

"Aba't!" napikon ata si manong.

"S-sorry po sa kasama ko babayaran ko na lang po" sabi naman ni Esia

"P-pero!" may sasabihin pa sana ako kaso..

"Calix!"

Ok. Sabi ko nga. Sige, bayaran mo na.

Sunod naman ako kaya nilapag ko sa counter ang kutsilyong kong nasira.

"Oh eto tanda siguro singkwenta lang yan?!"

Pinagmasdan nung magtitinda ang knife na nilapag ko.

"Wala na tong bayad bata!" sabi nito na ikinatuwa ko.

Ang swerte ko naman! Nilingon ko si Esia at mapang-asar na tiningnan.

"Kung anong minahal niyang sayo, minura naman ng akin, mas swerte ako sayo" pagmamayabang ko

Inirapan naman ako ni Esia na hawak ang binili nya.

"Sige, gawin mo na manong!" confident kong utos

"Wala 'tong bayad dahil di na to magagawa!" sabi ni Manong saka malakas na tumawa.

Eh?

"Mas swerte pala ha" tatawa-tawang bawi sa akin ni Esia

"Tsh. Manong bakit?!" pagmamaktol ko.

"Aba! Low level lang 'to na kayang kaya kuhanin sa chest ng mga minor quest. Ni-rerepair ko lang ang mga main weapons" paliwanag ni Tanda.

"Tara na nga, Esia" nakasimangot kong sabi.

Pagkalabas ng shop. Nakita kong nakatanaw si Esia sa isang banda.

Nung tingnan ko ito,

Nakita ko si Perseus na ang kamay ay nasa may tenga ni Ms. Andri at magkatitigan pa sila.

"Woy kayong dalwa! Lezzgooo!" sigaw ko sa kanila

Yup, tama. Sinira ko lang naman ang moment nila. Aba, nakakalamang na talaga ang englisherong gurang na 'yon.

"Ayos ka lang Esia?" lingon ko sa kanya.

"H-ha? Oo naman. B-baka ikaw ang hindi" balik nya sa akin

"Bakit naman ako?" Psh. Ikaw nga dyan mukhang nasasaktan.

"May gusto ka kay Andri diba?"

"Ah yon. Oo nga. Ang crushable nya kaya." sabi ko saka muling nilingon ang dalawang papalapit na sa amin.

Kunot-noo namang tiningnan ako ni Esia.

"Hindi naman ganon kaseryoso." dugtong ko saka nagkibit-balikat.

Maganda naman talaga si Ms. Andri at hindi lang yon ang pwedeng hangaan sa kaniya.

Para sa akin, sya yung tipo ng babae na gusto mo ng pakasalan sa unang kita mo pa lang. Parang sa mga idol mo lang, ganon.

Sarap kaya mag-fanboying kay Ms. Andri.

"Hi Ms. Andri! Ayos ka na ba?" tanong ko sa kaniya nang tuluyan na silang makalapit

"O-oo n-naman" sagot niya na parang wala sa sarili.

Tiningnan ko naman si Esia at nakatungo siya.

"Ayos ka lang Esia?" sabi ni Perseus tapos hinawakan ang baba ni Esia at tinunghay ito.

Namula naman agad siya sa ginawa ni Perseus.

"O-oo naman!" utal-utal na sabi ni Esia.

Pakiramdam ko talaga etong si Esia ang may gusto kay Perseus, una pa lang. Pakiramdam lang ha.

"So what's next?" biglang naboboring na tanong ni Ms. Andri.

"Second Quest: The Serpent Jungle"

MS#1 "To Exist" || Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now