Chapter 32: Confession.

47 17 26
                                    

CALIX' POV

Bakit parang--?

Ang luwag naman sa kama?

Nasaan yung englisherong gurang na yon?

Chineck ko ang oras...

Gabi pa naman ah.

Wait? Pati si Ms. Andri wala!

Teka, akala ko nagtanan na sila sa game pero hindi lang naman pala silang dalawa. Pati si Esia nawawala rin!

Aba-aba may trip ata yung tatlong yun tapos hindi man lang kami sinasama ni Leica

Ayokong mapag-iwanan!

Kaya ayun, nag-inat-inat lang ako ng konti tapos lumakad na papuntang pinto.

Pagbukas ko naman ng pinto nakita ko kaagad si Esia na nakatakip sa bibig habang umiiyak.

Kitang-kita naman na pigil-pigil niya ang hikbi niya.

Ano bang nangyayari?

Tatakbo na sana siya paalis pero natigilan siya ng makita at mapansin ako.

"Esia..." mahina kong banggit ng pangalan nya.

Dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. Hindi na siguro niya mapigilan kaya naman napahikbi at iyak na siya sa dibdib ko.

Ilang sandali ang nagdaan at hinayaan ko lang siyang umiyak sa mga sandaling 'yon. Kasalukuyan kaming nakasandal sa pader at naka-upo sa may lapag.

"Ayos ka na ba?" tanong ko

Pinilit niya naman nya akong ngitian.

"S-sorry.. Ikaw kasi! Lagi na lang ikaw ang nakakasalubong ko kapag ka meron akong problema ako! Naiibunton ko lahat tuloy sa iyo" sabi nya.

Napatawa naman ako.

"Hindi ko naman kasalanan 'yon. Malay ko bang may problema ka na naman? Gabing gabi na eh" tugon ko.

"Malinaw na sa akin lahat..." sabi naman nya.

Medyo naguluhan naman ako.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

"Dapat nakinig na lang talaga ako sa mga payo niyo." sabi pa nya

"'Di kita maintindihan." pagtatapat ko.

"Si Perseus at Andri. Lumabas sila kanina kaya sinundan ko. Syempre ako naman 'tong laging si curious." pagkukwento nya.

"Oh tapos?"

"Ayun. May masakit na tanawin na naman. Sobra na talaga ang isang 'to" sabi nya at parang maluluha na naman.

"Ano ba yun?"

"Nakita ko lang naman halikan ni Perseus si Andri." saad nya.

Tumulo na naman ang luha niya.

Ako naman, napakuyom ang kamao. Ayoko ng ganto na nakakakita ng umiiyak na isang babae.

Lalo pa ngayon na si Esia 'to.

"Hayaan mo sana ako..." mahinang sabi ko kay Esia

Napatingin naman sya sa akin ng may pagtataka sa kabila ng maluluha nyang mga mata.

"Maging lunas diyan sa sakit mo.." pagpapatuloy ko.

Saglit siyang natigilan.

"Anong ba'ng ibig mong sabihin?" tanong nya.

"Esia..." kabadong banggit ko sa pangalan nya.

"Ano yun?"

"Kasi.."

"Kasi?" pag-uulit nya sa sabi ko.

"Pareho tayo.. " tugon ko. "Umaasa sa taong iba naman ang mahal"

Napa-awang ang bibig nya at hindi nakaimik ng ilang sandali.

Napatawa naman ako saka muling nagsalita," Bakit 'di ka makaimik diyan?"

"May gusto ka ba kay?"

Alam na niya agad? Kinakabahan ako pota.

"Ate Leica?" dugtong niya

Napatawa naman ako ng malakas. Sa dinami-dami ng babaeng pagkakamalan niya si Leica pa? Dinamayan ko pa nga yun sa tragic lovestory niya.

"Bakit ka natawa diyan? Malay ko ba kung sino ang tinutukoy mo!" sabi naman nya.

"Eh kasi naman-- wala--" putol-putol kong sabi dahil sa kakatawa.

Hinimasmasan ko muna ang sarili ko ng umayos naman ang pag-uusap naminn kasi baka mairita bigla 'tong si Esia. Yun ba namang usapan na 80% tawa tapos 20% na usap.

"Sino nga kasi yung tinutukoy mo?" tanong nya ulit

"Bakit ba gusto mo malaman ha Esia?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong.

"Curious nga kasi ako diba? Magbabanggit-banggit ka diyan tapos biglang hindi mo lilinawin? Unfair ha. Sayo nga sinasabi ko lahat." nakanguso nyang sabi.

"Oo na, oo na" sabi ko at napangiti dahil sa ka-kyutan nya.

"Ang swerte naman nun" banggit nya.

"Sa akin? Swerte siya?" tanong ko

"Oo" sagot nya na may pagtawa pa.

"Bakit naman?" tanong ko ulit.

"Kasi masaya ka kausap tapos ang galing galing mo pa magcomfort at makiramay sa may problema. Actually ang bilis ngang gumaan ng loob ko sayo." paliwanag naman nya.

"Sa tingin mo swerte yung tinutukoy ko?" pag-uulit ko ng tanong.

"Oo nga.."

Napangisi ako tapos tiningnan siya sa mata...

"Edi ang swerte mo pala?" nakangisi kong tanong sa kaniya

Saglit siyang natigilan sa sinabi ko.

"A-anong bang s-sinasabi mo diyan!" namumulang sabi niya

Napatawa ulit ako. Ang cute nya talaga.

"Ikaw... Ikaw ang gusto ko Esia." pag-amin ko.

"C-calix..."

"Ang swerte mo 'di ba? Kakasabi mo lang yan!" sabi ko saka tumayo habang abot tenga ang ngiti.

"B-buwiset ka! Wag mo nga akong pagtripan ha!" tugon naman nya saka tumayo na din.

"Sino bang may sabi na trip ko 'to. Seryoso ako Esia. Seryoso sa'yo." bawi ko.

"P-pero--"

Hindi ko sya pinatapos sa sasabihin nya, sa halip ay niyakap ko sya saka bumulong,

"Shhhh. Sa akin ka na lang. 'Di ka iiyak ng ganyan"

A/N: Haeop, pasmado na ang kamay ko kakatype hzuwbahusnw

MS#1 "To Exist" || Book 1 (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя