Chapter 28: Usapan

56 17 8
                                    

ESIA'S POV

After naming makalabas sa dungeon agad kong hinila si Perseus papunta sa may mga puno ron.

Naalala ko kasi ang sinabi ni Calix:

Ang piliin kong tanawin ay yung hindi nakakasakit.

Para sa akin natagpuan ko na ang tanawing 'yon, at gusto ko yung ipakita kasama si Perseus.

Tapos yung sabi pa ni Ate Kaesia:

You should not make anything wait!

Nagpapasalamat talaga ako kay Ate Kaesia na binili niya ako nito ng larong 'to. Well, dapat sya talaga ang maglalaro pero naging busy kasi sya kaya sa'kin muna pinagamit kaya eto.

Pero bago ko pa mahila si Perseus paalis kinausap muna ako ni Calix.

"Sigurado ka ba diyan sa gagawin mo?" tanong ulit sakin ni Calix

"Bakit parang pinipigilan mo ko? Ilang ulit mo na yang tanong." sabi ko naman.

"Ayoko lang na.." he paused "masaktan ka na naman"

Ano daw? Di ko napakinig yung huling sabi niya eh

"Ayaw mo lang na?" pag-uulit ko

"A-ayaw ko lang na magsisi ka diyan sa gagawin mong desisyon. Hindi ba masyadong mabilis?" giit naman nya.

"Kung babagal-bagal ako baka maunahan pa ako ng iba! Alam mo naman." sabi ko.

"Gustong-gusto mo talaga yung englisherong gurang na yon? Tsh. Mahina ang taste mo" pagmamayabang nya.

"Kesa sa taste mo!" bawi ko naman.

"Bakit? Ano problema kay Ms. Andri ha? Deserve niya ang paghanga ko, ok?" parang natatae niyang sabi

"Ahh basta! Gusto ko lang naman i-express ang sarili ko. Mas mahirap umamin pag mas lalong napalalim ang damdamin. Tandaan mo yan." sabi ko sa kaniya sabay bigay ng nakaka-assure na ngiti.

Paalis na sana ako kaso biglaan niya akong hinatak sa wrist.

Tiningnan ko siya ng may pagtataka.

Ano kayang problema niya? Parang nung isang araw lang ineencourage niya akong pumili ng maganda at gusto kong tanawin o kesyo pumili ng hindi makakasakit sakin tapos ayan. Pipigilan niya ako ngayon?

"Ano?" tanong ko sa kaniya

"W-wag na l-lang kaya.." sabi nya na hindi mapakali ang paningin.

"Kung kailan may lakas na ako ng loob? Ikaw pa nga nagpapalakas sakin ng loob tapos pipigilan mo?" sabi ko ng may pagmamakaawa habang nakapout tapos puppy eyes.

"Sige na nga. Tsh. Bahala ka." sabi nya saka unti-unti binitiwan ang wrist ko at alam kong parang nahihirapan siyang gawin yon.

Ewan ko sa kaniya.

But still,

Go, go and go pa rin Esia!

Tama! Malakas na ang loob ko ngayon.

"Esia!! Pasaan ba tayo??" tanong ni Perseus habang hinihila ko siya

"Basta sundan mo lang ako." I said while giggling.

"But--"

"No but's!!" putol ko sa sasabihin nya.

"No, no but's if it comes to my Andromeda baka hanapin ako nun" sabi naman nya.

Saglit akong natigilan. Right he's andromeda. Pero sa kabila nito, pinilit ko pa ring ngumiti.

"Ayos lang yun. Ako ang bahala" sabi ko naman.

Wag kang panghinaan ng loob kaya mo yan Esia!

Tinigil ko na ang paghila tapos umupo ako sa may damuhan. Sinenyasan ko naman si nagtatakang Perseus na tumabi sa akin sa may damuhan.

"Why are we here?" tanong niya

Pinagmasdan ko muna siya ng saglit habang nasisinagan ang mukha niya ng liwanag. Wahhh huhu nakakabaliw talaga siya!!

"M-may gusto lang ako sabihin sayo" panimula ko.

"Ano 'yun?" nakangiting tanong niya

"I mean pwede bang tanong pala muna?" bawi ko

"Ok?" kibit-balikat nyang sagot.

"Nagkagirlfriend ka na ba in real world?" tanong ko.

"Girlfriend? Does it mean a friend who's a  girl?" inosenteng namang tanong niya

"Hala. Ang weird mo. Hindi mo ba talaga alam yun?" natatawa ko namang sabi.

"Ipaliwanag mo nga sa akin. Sa tingin ko Andromeda told me that once to me." sabi nya na handang-handang makinig.

"Girlfriend, parang yung babae na kalabel mo sa isang relationship na gusto mong makapiling forever in your life! 'Yung gusto mong maging asawa ganon" paliwanag ko.

"Well, I knew the girl I want to spent forever with. Pero label? Relationship? Hindi ko alam yun. Wala naman siyang nababanggit sa'king mga ganung bagay" sabi naman nya.

Hindi ako makapaniwalang hindi niya alam yon. Paano kaya 'to pinalaki ng magulang nito?

"sino naman ang maswerteng babaeng yon?"

Sige lang Esia. Napakatanga na tanong 'yon gusto mo munang masaktan. Alam kong hindi ako ang sagot pero-

"Pero pano muna nagkakagirlfriend? I mean how can I get into a relationship with her?" sabi naman nito.

"First thing! Confirm your feelings! Mahal mo dapat or gusto mo yung babaeng yon and you are ready for a commitment." paliwanag ko ulit.

"Ganon lang yun?" tanong ulit nya.

So, clueless talaga sya sa mga gantong bagay? Cute.

"Nope dahil pagkatapos non CONFESS!! Umamin ka sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo tapos depende na sa sagot niya or feedback niya ang susunod na step!" patuloy ko.

"After that?"

"Kung oo then ligawan mo sya it means susuyuin mo sya para pumayag syang maging girlfriend mo pag hindi naman nasasayo pa rin kung itutuloy mo pa rin ang panliligaw" sabi ko naman

"You really know a lot about this thing huh" sabi nya sabay ngisi.

"Sa totoo lang kasi nagawa ko na yung first step at gagawin ko na sana yung second step..."

"Talaga? Kanino ba? I'm excited about yours. Gusto kong i-try 'to kay Andromeda. 'Cause you know just like what I said the girl who I want to spent forever with. Yun yung feeling ko sa kaniya ." saad nya.

Napatameme lang ako sa sinabi nya. Sabi na nga ba.

"Bakit??" tanong niya sakin nung hindi ako makasagot

Right. Andromeda. Mukhang tama na naman si Calix.

"Ang swerte niya..." mahina kong sabi.

"Talaga?" nakangiti niyang tanong.

Gusto ko ng maiyak pero pinilit ko pa ring ngumiti.

"Oo naman. Tara na nga." sabi ko na may kasamang pagpepeke ng tawa.

Tumayo na siya at tinayo nya rin ako. Kailangan ko na muna atang linawin ang isip ko.

Ang bigat sa pakiramdam. Hindi pa nga ako nakaaamin pero natanggihan agad ako.

MS#1 "To Exist" || Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon