Chapter 27: Linawan

44 17 10
                                    


LLUVIA'S POV

I promise na babantayan ko na si Perseus from now on.

Kakalabas lang namin sa dungeon which contains the 10 levels or stage in the game na kakatapos lang din namin.

It was exhausting though.

Wait, where is Perseus?

Ahh shit. Kakasabi ko lang na babantayan ko siya tapos eto wala agad siya.

Lumingon ako sa may parteng likod and I think Leica notice that Im searching for something.

"Any problem?" she asked

"Hinahanap ko lang si..."

"Perseus?" pagtutuloy ni Calix

Tumango ako. Napansin ko rin namang wala rin pala si Esia. Are they together?

"Nakita ko kanina, hila-hila ni Esia" sabi pa ni Calix

"Where are they going?" tanong ko

"Ewan pero sa tingin ko, don sila sa may part na yun nagdiretso" Calix answered.

"So saan muna tayo ngayon?" tanong naman ni Leica.

"Susundan ko muna yung dalawa" sabi ko

I saw Leica giving a meaningful look. Tss, binibigyang malisya niya siguro ang pagsunod ko sa dalawa.

"Just making sure na hindi sila mapapahamak" dugtong ko

"Sigurado ka bang yun talaga or maybe your..." Leica said teasingly

Hindi ko na siya pinatuloy sa gusto niyang sabihin.

"Yun talaga." I said then walk away

"Timo yun, wala pa naman akong sinasabi eh. Mas nagiging obvious tuloy" pahabol ni Leica at tumawa pa.

Yun lang naman talaga yun, kaya ko sila susundan. Im just making sure that they are safe.

It's not that na naiinggit or nagseselos ako sa kanilang dalawa kaya ko sila susundan. No! No! No!

It is for their safety. Right. Just safety.

Nakita ko silang magkatabi na nakaupo sa may damuhan and they are talking about something.

Tumago ako sa likod ng isang puno para hindi nila ako makita. Im not stalking pero sa lagay na 'to parang ganon na nga.

Sabi ko titingnan ko lang sila kung ligtas sila but as I saw them. It feels na mas lalo akong nacurious kung ano ba talaga ang pinag-uusapan or kung ano mang up to something nila.

And something inside me feels strange? Feels weird...parang nagseselos ako na ewan?

I saw Perseus laughing at what Esia said. I dont know what she said, maybe a joke? I don't know basta may sinabi siya that made Perseus laugh.

At parang hindi ako sanay ron... I want to take over Esia's place right now.

Ever since, Perseus and I are into this game. Madalas man kami magkausap or magkasama para kasing minsan nakakalimutan niya ako.

Yeah, and it hurts. Kahit pa mukhang wala akong pakialam, nasasaktan rin ako

I don't exactly know why? Maybe hindi lang ako sanay na may kahati sa atensyon ni Perseus and now that he also have a friend nahahati na yung atensiyon niya na dating nasa akin lang lahat.

Am I that selfish? Yeah, it might sound selfish but that's what I thought right now.

Mas hindi talaga ako sanay that he is smiling or laughing now and Im not the reason of that. Malala pa, it's another girl who's making him laugh at hindi ako yung babaeng yon.

Parang bumigat tuloy ang nararamdaman ko.

Napahilamos ako sa mukha ng marealize lang lahat ng mga pinagsasabi ko. I sounds like na nabalewalang girlfriend, tss.

So back to them, nakita kong tumayo na si Perseus then help Esia to stand up too.

Kita naman sa mukha ni Esia ang pamumula dahil sa ginawa sa kaniya ni Perseus.

Hindi nga pala alam ni Esia na program si Perseus.

Una pa lang, I knew that Esia like Perseus. By the way she looks at Perseus, the way she talks to Perseus and the way she blushed when Perseus did or say something nice to her.

Nakita ko rin namang paalis na din pala sila. I wonder what they talk about? Uh! puno na talaga ng curiousity ang utak ko.

Lalo 'kong itinago ang sarili ko as they passed by. Pinanood ko muna silang makalayo ng mga ilang dipa bago pa sumunod ulit sa kanila pabalik.

"Oh bakit naunahan ka pa nitong dalwa bumalik saan ka ba talaga nanggaling Ms. Andri?" Calix said.

"Nilibot ko ang isang parte don. I found a spot for us to rest" palusot ko

"Really?" Leica asked na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko

"Tss, puntahan na lang natin" I said

I lead the way papunta ron sa tinuturo kong lugar. I also feel that Perseus is coming close to me.

"Hindi mo talaga kami nakita?" Perseus asked

"Definitely not." I denied

"Talaga?" he asked once again

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ok, hindi nga hehe." sabi niya

"San ba kayo nanggaling?" I asked pretending that I did not know anything

"Don lang sa may open field ron, sa may mga puno" he replied. "Can I ask something Andromeda?"

"What is it?"

"Its a human-thingy like paano kung may nagconfess sayo?" he asked like an innocent child.

"Confess about what?"

"About love" he said.

I think, Esia just confessed to Perseus. Interesting. Ano kaya ang naramdaman nito?

"Ewan, siguro depende dun sa taong nagconfess sakin" I answered.

"Why Perseus? May nagconfess na ba sayo?" sabi ko

"W-wala" he muttered.

"Ako naman ang magtatanong.Kung may magconfess sayo, what would be your reaction or action or something?" baling ko naman sa kanya.

"I don't know, that's why Im asking you"

I just shrugged my shoulder tapos umupo sa may damuhan at sumandal sa puno na nasa likod ko.

MS#1 "To Exist" || Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now