Chapter 29: Choices.

55 17 8
                                    


CALIX' POV

Nakita ko namang papalapit na din sina Perseus at Esia. Tiningnan naman kaagad ako ni Esia ng nakapout.

Napangisi ako. Sa tingin ko, hindi natuloy yung confession niya dun sa englisherong gurang kaya ganyan itsura nito.

Sinabi ko na naman sa kaniya eh.

Saka kung iisipin mas ayos naman ako dun sa Perseus na yun. Minsan nawiwirduhan ako kasi hindi niya alam yung mga bagay na mga common sa mga tao, tsh.

Sabihin na nating lamang siya pagdating sa mukha pero kahit na.

Nawiwirduhan nga din ako sa sarili ko kanina nung sinabi sa akin ni Esia na magtatapat na daw siya.

Meron kasing kakaiba sa akin na gusto siyang pigilan. Ah ewan, para kasing naiinis ako 'pag sinasabi niyang may gusto siya dun sa englisherong gurang na 'yun.

Kanina parang gusto ko rin sumunod kasama si Ms. Andri kaso baka eto namang si Leica ay kung ano pa ang ma-ipantukso sa akin.

Sabihin pang may gusto ako kay Esia.

Kay Esia? Ako may gusto? Psh.

Tumibok ng mabilis ang puso ko ng ma-isip ko ang bagay na 'yon.

B-buwiset!

Ano ba! W-wala, wa-wala talaga akong g-gusto ron sa babaeng yun na m-mabait, maganda at masarap kasama.

Bakit ba parang sinasalalungat ng dibdib ko ang sinasabi ko sa isip ko?!

Bahala ka nga Calix!

"Huy." tawag sa akin ni Esia

"O-oy, kamusta ang pag-amin ha?" tugon ko sa kanya.

"Ayun 'di naman ako nakaamin eh" sabi nya saka sumabay sa tabi ko ng paglakad.

"Tsh, eh ano na yung sinasabi-sabi mong 'dapat hindi pinapatagal ang mga bagay' ha?" sabi ko ng may panggagaya pa sa tono niya kanina.

"At least, may naging hakbang na ako." sagot naman nya.

"Ano namang klaseng hakbang yon? Ni hindi mo nga natuloy ang dapat mo talagang balak?" sabi ko naman

"Basta, alam ko na ang gagawin ko sa susunod at sinasabi ko sayo, mas malakas pa ang loob at confidence ko sa susunod!" sabi pa nya na may pagsuntok pa ng kamao pataas.

"Tsh, bahala ka" sabi ko naman.

Nagpout lang siya tapos sumunod na rin siya sa kamember namin na naglakakad.

Nagsipuwestuhan na kami.

Si Ms. Andri ay nakaupo at nakasandal sa may puno sa may likod niya habang si Perseus naman ay nasa tabihan niya lang at mukhang kinukulit siya.

Ako naman katabi ko si Leica tapos nasa kabilang tabihan naman ni Leica nakaupo si Esia.

Lumapit sa akin si Leica at sinenyasan akong lumapit din.

"Pag-awayin kaya natin yung dalawa?" natatawang sabi niya

"Sinong dalawa?" taka kong tugon.

MS#1 "To Exist" || Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now