Chapter 18: Fifth Member

67 21 39
                                    

ESIA'S POV

Kahit pa ang cool ng ginawa ni Andri kanina. Alam ko rin namang nasaktan yung babae.

"Sorry if I haven't introduce myself yet. Napauna pa ang kadramahan ko. By the way, Im Leica. " she said.

Leica. Nginitian ko siya. (Ley/ka)

"Nice to meet you, sorry din kung hindi ganon naging maganda ang first expression namin sayo. You can call me Esia. Ako ang healer slash support" I said as I smiled at her.

Tumango siya sa akin tapos ngumiti rin. Buti naman mabait siya para may makausap akong babae dito na mabait din.

Well, mabait naman si Andri pero kasi basta may pagkaiba kasi ang ugali niya.

"Ako naman si Calix. Ang asassin ng grupo" Calix introduces at may pa-pogi sign pa sa dulo.

Nilingon naman namin yung dalawang magkatabi na sina Perseus at Andri na naguusap.

Calix cleared his throat to catch their attentions.

"What?" taas-kilay na tanong ni Andri.

"Magpakilala ka na Ms Andri" nakangiting sabi ni Calix

"Leica right? Im Andri." maikling sabi niya

"Siya ang mage sa amin hihi pasensya ka na sa kaniya ha sadyang ganyan lang talaga yan" dugtong ko sa introduction ni Andri

"It's ok. Para ngang gusto ko ang ugali niya. A natural mean." sabi naman ni Leica

"Hoy englisherong gurang, baka may plano kang magpakilala?" sabi naman ni Calix

"Tss." singhal niya kay Calix.

Tapos nagtransform agad siya ng mukhang mabait kay Leica at nakangiting nagpakilala.

"Hiii Im Perseus. I'll play the role of fighter" masiglang sabi niya.

Ang gwapo talaga ni Perseus tapos palangiti pa. Mas nakakagwapo pa pag nageenglish siya.

Total opposite sila ni Andri.

Si Andri kasi may pagkacold tapos madalas emotionless. Mga once in a blue moon lang magpakita ng reaction o any emotion.

Si Perseus naman may pagkaexpressive tapos siya yung tipo ng lalaking sobrang thoughtful at pramis talagang nakakafall ang iba pa niyang mga katangian

N-nakakaf-fall.....

"Hoy Esia! Gusto ka raw muna makausap ni Leica!" sigaw sa akin ni Calix

"H-ha?" lutang kong tanong

"Pambihira oh."

"A-ano nga kasi yon?" pag-uulit ko.

"Kung payag ka raw muna magpaiwan at may gusto lang siya klaruhin" pag-uulit din niya sa sabi ni Leica

"Ahh sige. Walang problema." sagot ko naman

"Mukhang ikaw lang ata ang pinagkakatiwalaan." bulong pa sa akin ni Calix bago tuluyang makalabas ng kwarto.

Tama naman ang pinagkatiwalaan niya. Nang magalisan na sila. Naiwan na lang kami rito ni Leica

"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kaniya

"About the three of you" nakangiting sabi niya.

Whew. Englishera din pala 'to.

"Anong gusto mo malaman? Saka bakit ako ang kinausap mo about dito?" I asked.

"'Di ba ikaw ang leader?" tanong niya sa akin

"L-leader? Sa tingin ko si Andri yon."

Si Andri naman talaga ang pinakapossible na leader samin eh kung magkaassignan man

"That girl?" 'di makapaniwalang tanong nya.

Tumango naman ako bilang sagot.

"So I misjudge her. Anyway, sorry talaga kanina ha"

"Ayos nga lang yun ano ka ba!" sabi ko naman.

"Hindi naman kasi talaga ako ganon. Nafrustrate lang talaga ako." paliwanag naman nya

"Naiintindihan ko, huwag ka mag-alala." sabi ko sa kanya.

"Wala na kasi akong ibang makakasama. Nag-iisip lang kasi ako kung pwede bang..."

Habang sinasabi niya yon pinaglalaro niya ang magkabilang index finger niya.

"Sumali sa'min?" pagtutuloy ko sa itatanong niya

"Nakakahiya. Alam ko. Pero gusto ko sana please!"

"Kung papayag sila. Dapat kasi hindi lang ako ang magdedesisyon tungkol rito" nakangiti kong sabi sa kanya

Lumabas akong saglit.

Nakita ko si Perseus na nakangiting pinagmamasdan si Andri na nakatingin sa may bintana.

Aruch.

"Ah-m n-nasan s-si Calix?" singit ko.

Wahhh Esia nauutal ka na naman bwiset ka talaga

"Namiss mo ko?" tanong naman ni Calix na biglang sumulpot.

"A-ano?! M-may sasabihin lang ako sa inyong tatlo noh!" sambit ko.

"What is it?" tanong naman ni Perseus

"Gusto kasing makijoin sa atin si Leica. Ayos lang ba?"

Wala agad nakasagot. Tiningnan lang parehas nung dalwa si Andri na parang inaantay ang magiging sagot niya.

Kahit ako lang rin naman. Permission lang rin niya ang inaabangan ko.

Kasi nga gaya ng sabi ko maituturing na din namin siyang leader.

"What's with the look?" tanong ni Andri.

"Payag ka Ms. Andri?" Calix asked.

"Is it up to me?" tanong niya pa

"Parang ganun na nga" sabi ko

"Kayo ba? Ayos lang sa inyo?" tanong ni Andri ulit

"Oo naman. The merrier is more!" sabi ni Calix

Ay tanga.

"Baka the more,the merrier. " pagtatama ni Perseus

"Ganon na rin yon!" lusot ni Calix

"Then ayos lang rin sakin" sagot naman ni Andri

"Yeheeyyyy" masayang sabi ko at muling pumasok sa room.

"Approved!" sabi ko pagbalik kay Leica habang nakathumbs-up pa

"Talaga??? Oh my gosh. Thank you!" sabi nya na akmang yayakapin pa ako

Pero napaupo kami parehas sa biglaang pagsabog na sa labas ata nagmula.

"Saan galing yon?!" nag-aalalang tanong ni Leica.

Nagbukas naman ang pinto at sumilip si Perseus.

"Ayos lang kayo? Let's get out of this town. Nagkakagulo sa may labas" sabi niya

Sino naman kaya ang may pakana ng gulo?

MS#1 "To Exist" || Book 1 (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora