Chapter 35: Burn

37 18 2
                                    

LEICA'S POV

Kaishter guild?

Tinulungan namin ang isang taga-Kaishter guild?

Oh my gosh.

Hindi kami sure kung mapagkakatiwalaan ba talaga ang lalaking 'to. Yeah, because he is definitely from Kaishter! The guild with some bitches?

Ang Kaishter! Yung leader nga nilang si Medusa pinagbantaan na kami. I am sure na hindi mapagkakatiwalaan ang isang 'to.

"You all look serious.. Alam kong may mga negative kayong naririnig about sa guild namin. But don't worry may utang na loob ako sa inyo kaya hindi ko kayo masasaktan" he said after a nervous laughter.

"Talaga? Well, sorry hindi pa rin kami basta-basta magtitiwala." sabi ko

Andri looked at him very seriously.

"Promise. Pwede nyo naman kaagad akong patayin kung nagsisinungaling man ako sa inyo" sabi pa niya

"Ok." Andri answered then point her stick to him then burst a fire kaya napatalsik yung lakaki

O M G

Hindi ako makapaniwalang sineryoso yun ni Andri. Well, who am I kidding? Si Andri nga pala 'yon.

Naging mausok ang paligid dahil sa atake ni Andri pero pagkawala ng usok nandon pa rin pala yung lalaki with a 15% HP

"Just try to make even a slight move against us and I'll make sure you are literally BURN." sabi ni Andri while glaring at him.

Bumakat naman sa mata nung lalaki ang takot.

"So ano ba talaga ang gagawin natin dito sa madilim na kwartong to?" tanong ni Perseus

"Maybe may button or something dito?" sabi ko

I took one step nang biglang lumubog yung tinutuntungan kong tile. Told ya.

Unti-unting nag-aappear sa harapan namin ang mga monster.

Kaya nagsummon ako ng three best pets ko na siyang naging dahilan ng pagkaubos ng halos kalahati ng mana ko

Sine-sway ko lang ang mga kamay ko tapos susundan na ng mga pets ang command na gusto kong ipagawa sa kanila.

Umusok na naman sa paligid because of Andri's power. Grabe, minsan iniisip ko talaga kung gano ka overpower ang kapangyarihan ni Andri eh.

Si Calix naman may kanya ring grupo ng mga monster na kinakalaban. Medyo ayos na siya ngayon kumpara kanina. But you can see in his eyes, his seek for revenge and the anger.

Teka nasaan naman yung lalaking si Burn?

Pinagmasdan ko ang paligid.

Ayun.

Nakatayo lang dun sa may isang sulok at pinapanood kaming makipaglaban.

Wala naman kasi siyang magagawa baka kung lalaban pa siya ay yun pa ang maging sanhi ng pagkamatay niya. 15% na nga lang ang hp niya diba. Duwag.

I wonder why the monster don't attack him?

May kakaiba talaga eh.

Napansin niya ata akong nakatitig sa kaniya

Then...

He gave me a creepy and awful smile.

What the f--?

Napaatras ako ng may biglang umatake sa sa akin

A burst of fire fire against the monster who attacked me.

Lumapit sa akin si Andri.

"Mag-ingat ka. We don't wanna lose another member again" seryosong sabi niya na hindi man lang nakatingin sa akin.

Tinanguan ko na lang siya at bumalik na ulit sa pakikipaglaban.

Lumipas ang oras.

Sa wakas.

Natapos din namin ang lahat

Nagliwanag muli ang paligid at napaluhod ako sa panghihina.

Grabe. It feels like we fought like for an eternity.

Napalingon si Andri sa likod kung nasaan yung lalaki.

"You are still alive?" kalmado niyang tanong pero mahahalatang may bahid ng pag-kainis

But Burn just gave her a smile just like what the smile earlier he gave to me.

Really. Creepy. Uhhh.

Napaseryoso ang tingin ng lahat sa kaniya.

"What do you expect?" nakakairitang tanong ni Burn

Lumapit si Calix sa kaniya

"Sabihin mo nga! Ano ba talaga ang itinatago nyong Kaishter ha? May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Esia?" seryosong tanong ni Calix

Lumapit si Andri at agad naman itong sinundan ni Perseus.

Ang cute nila. I know its not the right time to uwu. Pero ang cute talaga nila eh.

Sa lakas ng loob ni Andri, she grabbed the collar of Burn.

Go Andri! Tapang mo gurl.

"A-andri!" pigil ni Perseus pero wala rin siyang nagawa

Tiningnan ni Andri ng masinsinan yung lalaki at yung lalaki naman ay napapalunok sa kaba.

"Tell me all about your guild" Andri said coldly

"B-bat ko n-naman sasabihin--"

Sinukmuraan siya ni Andri at naging 5% na lang ang HP niya.

Dahil ron nangatog-ngatog na si Burn sa takot.

"Ano na?" tanong ni Andri

"O-oo Oo, Oo na! Sasabihin ko lahat wag mo lang ako patayin" pagmamakaawa ng lalaki. Duwag talaga.

"And promise you will tell the truth" sabi pa ni Andri saka patapong binitawan ang lalaki.

Tumango lang yung lalaki.

"L-leader n-namin si Medusa. Isa ako sa leader ng mga sub-unit niya. P-pinapahanap n-niya sa amin yung babaeng may g-golden bracelet. S-sinadya naming abangan kayo sa paglabas nyo ng inn. At sadya rin naming iniwang bukas ang pinto ng battle-field para makapasok kayo kahit nandon p-pa rin kami. K-kaso sa kasamaang p-palad, h-hindi namin inaasahang ganon kalakas ang monster at napatay ang tatlo kong kasama at 30% pa lang n-nababawas. M-mababa ang level namin kumpara s-sa inyo p-pero pinapatuloy pa rin k-kami ni Medusa. Isa akong c-cloner. Nanggaling sa akin ang p-pumatay sa kaibigan n-nyo d-dahil siya ang may g-golden bracelet. M-magiging palpak sana dahil sa lalaking yon napatutok b-buti na lang at s-sinangga niya---"

Napatigil ang lalaki sa pagkukwento dahil si Calix naman ang kumwelyo rito.

"Gago ka pala!" galit na sabi niya at tinutukan ito ng knife

"Calix, wag!" pigil ni Andri

"Anong wag? Pinatay nya si Esia! Dapat mamatay din siya!" gigil na sabi ni Calix.

"Calix hindi siya ang dapat paghigantihan. The one who commanded him. Yun ang dapat magbayad sa lahat ng 'to" Andri said

Napabitaw naman si Calix sa kawawang lalaki.

"Alis na!" sigaw ni Perseus that threatened Burn na parang asong pinalo sa pwet na tumakbo paalis

"Bakit mo pa pinaalis?" tanong ko

Napakuyom ng kamao si Andri

"Medusa..." she said.

MS#1 "To Exist" || Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now