Chapter 42: Last Five.

21 12 0
                                    

CALIX' POV

Ayan. Mukhang ginagawa na nga ni Perseus ang mga itinuro ko.

Oo tama ka. Tinutulungan ko na sya kay Ms. Andri pambihira naman kasi para syang walang alam sa mga babae.

Bakit ko na sya tinutulungan?

Sabihin na nating na-misjudge namin ang isa't isa pero ayos rin naman pala syang katropa eh.

Shit. This it.

Nakakapang-english naman sa kaba ang lintek! Parang ngayon naalala ko lahat ng mga pinagdaanan ko sa outside world.

Umalingawngaw sa paligid ang tunog ng pinto habang binubuksan ito.

Wooohhh!! Buhay namin ang nakataya. Buhay namin ang nakataya. Buhay namin ang nakataya. Buhay namin ang naka---

Ramdam ko na ang pangingilabot sa pagbukas pa lang ng pinto.

Eto na yun. Ito na yun eh. Pambihira.

May kakaiba na talaga kasing pakiramdan ngayon. Mararamdaman na talagang may iba sa last five stages na tatahakin namin.

Madilim ang paligid.

Pagpasok ni Greg sa loob ay sumunod na kami. Isa-isang nag-apoy ang mga nga kandilang nasa bawat gilid ng labanan.

At may isang itim na tela sa gitna nung parang stage ng lalabanan namin.

Mukhang mayroong nasa ilalim nung itim na tela dahil nakaumbok yon.

Ano naman kayang pasabog 'to?

"Hindi kaya trap 'to?" banggit nung isang kamember ni Greg.

"Ito talaga ang stage 96." pagkukumpirma ko.

Paano ko nasabi?

Malamang dahil may nakaukit don sa may pinto kanina bago namin buksan yung number na "96". Mahina man ako sa english pero alam ko naman ang mga numbers.

Sadyang hindi lang agad nila napansin kasi hindi sila tulad ko na talagang mapagobserba ng paligid hahahahaha.

"Nasaan ba ang kalaban?" tanong ni Abby

"Ano bang meron sa telang nandon?" tanong naman ni Leica

"Lapitan kaya natin ano? Para hindi tayo tanong ng tanong?" sabi ni Greg

Yun na nga ang ginawa namin. Wala namang mangyayari kung wala naman kaming gagawin

"Be careful.." dinig kong sabi ni Perseus

Dahan-dahan kaming lahat lumapit dun sa may itim na tela.

Pero---

Nagsilipadan ang mga paniki, pagkabuklat namin ng tela at napaatras kaming lahat.

Lintek talaga.

Bakit parang ang dami namang naglabasan na 'yon?

Sinundan ko ng tingin ang mga paniking nagsilabasan. Umikot ito ng mabilis na mabilis sa paligid namin. Tapos nagsiipon sila sa may parteng gitna at....

Nabuo ang isang babaeng nakaitim. May makapal na eyeliner sa mata. Maitim yung labi pati yung buhok. Mahahaba ang kuko.
May mahahabang tenga pagkatapos ay nakabistida ding itim na punit-punit.

"Dumating na nga. Ang pinakahihintay. Ang syang gustong mga maunang mamatay." banggit nito nang may nakakatakot na tawa.

Naging tatlo sya bigla at sumugod na agad sa amin.

Agad akong pumwesto sa may parteng patago at umisip ng pwedeng strategy.

Pambihira ang hirap naman pumasok sa gantong sitwasyon! Sino kaya sa kanila ang totoo?

Nakita kong umatake na si Perseus at hinati yung katawan nung babae pero sa halip na maghiwalay ay nabuo ito muli.

"Bumabalik sila sa dating anyo!!" sigaw nung isang kamember ulit ni Greg.

Kailangan kong malaman kung sino ang tunay dahil paniguradong nasa kanya ang kahinaan.

Sumugod ako sa likod at tinusok ang isa sa kanila pero wala man lang naging reaksyon 'to at itinapon lang ako sa may pader

Isa pa...

Ganoon din ang nangyari. Kung gayon. Kailangan ko lang talaga matesting yung pinakalast tapos pagkumpara-kumparahin sila.

Inatake ko yung last at hindi nya inaasahang sa may harap ko sya sasaksakin

Kita ang panlalaki ng mata nya.

"Ahhh!!! Walang hiya ka!!' sigaw nya sa sakit.

Doon ko lang rin napansin na parang nahihirapan na din gumalaw yung dalawa pa nyang clone.

Kaya naman pala....

Pagkasaksak ko sa harap nya nadamay ang hiyas ng kwintas nya.

Mas lalo ko pang ibinaon ang dagger ko.

Nanghihinang pinigil nya ang kamay ko pero sadyang mas may lakas lang ako ngayon kaya mas naibabaon ko pa rin ang weapon ko.

"Mamatay kaa!!!" pagkasabi ko non ay tuluyan ko ng binuhos ang lakas ko.

Nabasag ang hiyas sa kwintas nya at nawala ang dalawang clone.

"Hindi pa ito ang katapusan. Ako pa lang ang simula---" banta nito bago tuluyang mawala

Kinabahan ako ron!

Akala ko hindi ko sya malalabanan.

"Woohh! Mabuhay si Calix!!!"
"May naiambag rin hahaha joke lang!"
"Woohhhh"

Nilapitan naman ako ni Leica

"Ang galing mo talaga!!! Sure akong proud sayo si Esia nyan!!!" masayang sabi nya sa akin

"Salamat..." kamot-ulo kong sabi at tumawa pa ng bahagya.

"Nice one, Calix." sabi ni Ms. Andri na ngangayon ko na lang ulit nakitang nakangiti

"Thank you Ms. Andri" sabi ko naman at nahihiyang tumawa.

"'Di ka naman pinuri ng Andri ko!!" pang-aasar ni Perseus

"Tsk. Selos ka lang! Nginitian ako." bawi ko sa kanya

"Nginingitian din naman nya kaya ako! Right my Andromeda?" pacute pang sabi ni Perseus

"Whatever you say." halatang 'di interesadong sagot ni Ms. Andri

"See?" pagmamayabang ni Perseus

"Ewan ko sa'yo! Lagi namang ayos sa'yo!" natatawa ko na lang sabi sa kanya

Natigil ang pagtawa ko at napatingin sa susunod na pinto. Kung ganto ang nandito. Ano kaya ang nandoon?

Sino naman kaya ang susunod?

MS#1 "To Exist" || Book 1 (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat