P.L.K 27

6K 162 16
                                    

Deanna's Pov

After ng class pumunta agad ako sa room nila Jema.

Asan na ba yon?? Nagtatago ako dito sa may wall.

Hanap ..

Hanap..

Hanap..

And there she is. Parang nagpapaalam na kela Celine and Kring. Agad ko siyang sinundan. Nagsuot pa ako ng cap and jacket para di niya ako agad mahalata.

Dumiretsyo siya sa parking lot at agad sumakay sa sasakyan niya. Ganon din naman ang ginawa ko at patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya.

Maya maya ay huminto siya sa isang cafe?

Akala ko ba may gagawin to.
Dito sa coffee shop??

Pumasok nalang din ako at umupo sa may table sa likod ng inuupuan niya. Buti malang couch ang mga upuan dito kundi kita na niya ako agad.

Nakita kong lumapit naman ang waitress sakanya para kunin order niya.

Waitress: Goodafternoon Ma'am! May I take your order?

Jema: Just a little bit. I'm waiting for someone pa kasi.

Ha? Sino naman kasama nito...
baka naman kapatid niya or friend..

Waitress: Okay Ma'am I'll be back nalang po.

Umorder naman ako ng coffee syempre baka sabihin nakikitambay lang ako di ba.

Busy ako sa pag inom ng coffee ko ng
Biglang nag Vibrate phone ko.

From Ate Bea:
Deans!! Where are you?? Bakit mo ko iniwan dito..

To Ate Bea:
May bibilhin lang ako saglit Ate bei. Uwi na din ako mamaya.

From Ate Bea:
Okay sige! Ingat ka

Ibababa ko na sana phone ko ng mag vibrate ulit ito.

From Yssa:
Hi my deans. Free ka ba tonight?? Bar tayo???

To Yssa:
Hi. I'm busy eh. Next time nalang.

From Yssa:
Ano ba yan. Lagi kana lang busy.

To Yssa:
Aww.  Tampo kana niyan? Haha bawi ako.

From Yssa:
What if oo? Haha. Sige intayin ko yang sinasabi mong bawi ha.

Busy ako sa pagttext ng may marinig akong tawanan table ni Jema.
Paglingon ko.

I saw Jema and Jaycel na masayang nagkwekwentuhan.

Wow! She rejected me kasi may importante siyang gagawin?? Yun pala kasama niya si Jaycel.

F*ck ang sakit lang. Pumayag naman siya na mag usap kami kahapon then kaninang umaga nagbago isip niya because of Jayce!!!

Natigil ako sa pag iisip ng marinig kong nag uusap sila ng seryoso.

Jaycel: Jessica naaalala mo pa na may gusto akong sabihin sayo???

Jema: ah huh. ano yun?

Biglang hinawakan ni jayce ang kamay ni jema.

Napakuyom nalang ako ng kamao..

I'm hurt 3000!

Nagsalita na ulit si jayce habang hawak padin ang kamay ni Jema.

Jaycel: Ahmm. I know that you know what I feel for you and I want to be part of your life, I want to know you more. Your so special to me Jessica, So I want to ask you... if... pwede ba akong manligaw sayo???


Hindi nagsasalita si Jema. I know she was shocked.

Jaycel: Please answer me Jessica Yes or No lang. Ligaw palang naman kaya please let me show how much I loved you.




Please Jema say NO!
Pleaseeee!










Jema: Yes. Pumapayag ako. Alam ko namang mabait kang tao at matagal kana ding nagpaparamdam. Kaya I'll give you chance.


Jaycel: Yey!!! Thank you Jessica. Promise di ka magsisisi na binigyan mo ko ng chance para ligawan ka. I will make you mine soon.


Parang nabingi ako sa mga narinig ko..

Hindi ko namalayan na pumapatak na mga luha ko.

It was so Damn painful.

Kung di lang ako naging torpe.

Ang sakit sakit 😭😭😭😭.

Sana nagtake parin ako ng risk sana hindi ko inisip yung friendship namin.. Sana narealized ko agad na mahal ko na pala siya. Sana hindi ako naging indenial.

Humihikbi na ako sa pag iyak habang tinitingnan ko si Jayce at Jema na sobrang saya.

Nagulat ako ng may biglang magtakip ng mata ko.

"Kung masakit sa mata wag mo ng titigan, para ka lang nakipag staring contest sa araw.. I'm here lang for you."

Then she hugged me while rubbing my back at mas napabuhos pa ang luha ko.

———————————————————
Sorry po kung maikli lang hehe busy po kasi ako. Siningit ko lang to para sa inyo .

Promise po next time hahabaan ko na.

Hope you like it.

Please vote po.

Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now