P.L.K 66

5.9K 201 50
                                    

Ponggay

Mga tatlong araw ng hindi umuuwi si Deanna dito sa bahay. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Ang Secretary niya naman sinasabi din sakin na hindi daw pumapasok ito sa opisina na tanging katiwala niya ang nag aasikaso sa trabaho niya. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin.



Sila Ate Mads at sila Ate Bei katulong ko na din sa paghahanap pero wala parin. Mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap.



Sobrang nag sisisi ako sa nagawa ko. Hindi naman sana magiging masama ang ginawa ko kung noong una palang ay sinabi ko na sakanya. Wala eh nabulag ako sa kagustuhan kong mahalin niya ako.




By the way nasa isang sikat na coffee shop ako tahimik akong umiinom nang kape na inorder ko. I'm waiting for someone 1:30 pm na ngayon pero wala parin siya ang usapan namin ay 1:00 pm. Hindi ko alam kung may iniintay pa ba ako o wala. Ready na sana akong umalis ng makita ko siyang papasok na dito sa coffee shop. Nagpalinga linga siya sa paligid at ng makita ako ay agad siyang pumunta sa kinarorooanan ko.


Magsasalita na sana siya pero naunahan ko.

"Take your seat."

I call the waiter para iserved na yung inorder kong fave drink niya at slice ng cake.

"Sorry"

Panimula ko.


"Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Sorry kung sa tingin mo napakasama kong tao. Sorry kung dahil sakin hindi na kayo pwede. Sorry Jema. Sana mapatawad mo ko."


Jema: Yan lang ba sasabihin mo?


Umiling ako sakanya at pinagpatuloy ang sasabihin ko.

"Kahit hindi na ako ang patawarin mo kahit si Deanna nalang Jema. Wala siyang kasalanan dito hindi ka niya niloko."


Jema: Ang sweet mo palang asawa ikaw pa mismo ang magsosorry sakin at makikiusap para patawarin ko si Deanna?  At ano ang sinasabi mong hindi niloko? Yan na nga di ba iniwan niya ako para magpakasal sayo!



"It's just a fixed marriage"



Jema: Fixed marriage man yan o hindi kung mahal niya ako at hindi niya ako niloko bakit ka niya pinakasalan di ba? Napakadaling umayaw sa ganyang set up kung gugustuhin mo pero hindi niya ginawa! Bakit? kasi gusto ka na din niya? Or baka naman noon pa may relasyon na kayo?!



"You're right! Napakadali ngang umayaw sa fixed marriage pero iba ang sitwasyon ni Deanna! Alam mo ba kung bakit di niya magawang tumanggi?"



"Noong nagkasakit ka tapos nilihim mo kay Deanna buong akala ni Tita iniwan mo talaga si Deanna. Nagalit siya sayo at mas nagalit pa noong sinabi ng parents mo na aayaw kana sa kasal niyo. Alam mo ba ang nangyari kay Deanna? Laging lasing, laging umiiyak at laging nagkukulong sa kwarto niya! At isa pa Tita pull out lahat ng shares nila sa company niyo! Hanggang sa bumagsak ito! You know what? Sa sobrang pagmamahal ni Deanna sayo nagmakaawa siya sa mama niya na tulungan kayo na ibalik lahat ng shares nila at ipagamot ka sa states kapalit ang pagpapakasal sakin at kapag hindi pumayag si Deanna ni singko wala itong mamanahin."

———————————————
Jema

Im so speechless right now! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact sa mga sinasabi sakin ni Pongs.

Pongs: Noong nasa states kana dahil sa pakiusap nga ni Deanna na doon ka ipagamot. Lahat ng credit cards ni Deanna hindi niya magamit. Walang wala siya Jema kaya hindi niya magawang puntahan ka. Awang awa ako kay Deanna kaya bumili ako ng ticket niya papunta sayo ng hindi nalalaman ng mommy niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para makita ka.



"Ba.kit hin.di ni.ya sina.bi sakin?"



Pongs: Did you gave her time to explain? Hindi di ba?


Tama siya gustong mag explain ni Deanna sakin pero hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Napakaselfish ko lang.



Pongs: At isa pa ayaw niyang sisihin mo ang sarili mo. Ganun ka niya kamahal Jema! She's willing to sacrifice herself , her life just for the sake of you. You don't deserve her Jema kung ako ang tatanungin, palagi mo nalang siyang sinasaktan. Ako na laging nandito para sakanya, na kasama niya sa mga times na naghihirap siya dahil sayo at ako na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya pero kahit kailan hindi niya ako nakita. Ikaw lang ang minahal niya Jema. But she deserves to be happy sana this time hindi mo na siya iwan.




Umiiyak na kaming dalawa dito. Siguro marami ng tumitingin samin at aakalaing mga baliw kami pero I don't care.



"I'll be honest with you Pongs, mahal na mahal ko parin siya pero mali ito kasal kayong dalawa."


That was my mindset ang pigilan ang nararamdaman ko kay Deanna kasi kasal na siya at maling mali yun.


Pongs: Hindi totoo ang kasal namin Jema. I fake it.



Totoo ba to? Hindi totoo ang kasal nila. Paano nangyari yun.


"Ha? Pero bakit?"



Pongs: Kasi mahal ko siya. Ayokong matali siya sakin habang buhay kung alam ko namang ikaw ang mahal niya. Sa totoo lang sa kagustuhan kong mahalin niya ako at ako naman ang makita niya hindi ko sinabi na fake ang kasal namin. At isa pa hinintay ko na makuha niya ang isang company nila para kung sasabihin ko man sakanya to ay kaya na niya. Na kahit na magalit si Tita sakanya o sakin ay wala na silang magagawa hindi mag hihirap si Deanna.



"Akala ko habang buhay kanang magiging kontrabida samin."


We both still crying.


Pongs: Kung kontrabida talaga ako sana noon ko pa inagaw si Deanna sayo.


"Im sorry couz."


Pongs: Wag ka sakin mag sorry kay Deanna dapat kasi pareho tayong nagkamali sakanya at pareho natin siyang nasaktan.



Maling mali ang ginawa ko. Kung sana nagtiwala ako kay Deanna at hinayaan ko siyang mag explain edi sana okay kami ngayon. Hindi ko alam ang mga pinagdaanan niya. Akala ko ako ang pinakanasaktan ako ang pinaka kawawa pero hindi pala. Lahat ng hirap at sakit naranasan ni Deanna. She suffer a lot ng dahil sakin.


"I need to see her Pongs. Pwede mo ba akong samahan sakanya?"



Nakita ko ang lungkot sa mata ni Pongs.


Pongs: Hindi ko alam kung nasaan siya. Nag away kami noong malaman niya na nilihim ko sakanya ang fake na kasal namin. Umalis siya sa bahay without saying any words! I try to call her pero hindi na nagriring ang phone niya. Hinanap na din namin siya pero wala kaming Deanna wong na nakita.



Sobrang kaba ng dibdib ko ngayon. At para bang sumisikip. Sa dami ng nalaman ko ang sakit sakit ng puso ko. Nasasaktan ako di para sa sarili ko kundi para kay Deanna. Hindi niya deserve ang naging treat ko sakanya.



"Sa office niya? Pumunta kana ba don? Sa Secretary niya baka alam kung nasaan si Deanna."



Pongs: Three days na siyang hindi pumapasok. At kahit ang Secretary niya hindi din alam.


"Pero umattend pa siya ng meeting namin noong nakaraan."


So ibigsabihin huling punta niya sa office noong isa araw. Kaya pala pakiramdam ko ang dami niyang problema, kaya pala ganun siya. She's acting strange. Sh*t kung alam ko lang sana pinigilan ko siyang umalis! Sana di ko hinayaang mawala siya sa paningin ko.

Kahit kailan hindi niya ako sinukuan. Alam kong lumaban siya naipit lang siya. Ngayon ang oras na kailangang ako naman ang hindi sumuko sakanya.

———————————————————
Enjoy ❤️

Vote.Comment

Pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon