P.L.K 59

4.4K 185 14
                                    

Jema

I'm wearing a mint green dress para sa wedding ni Jho and Bea. Garden wedding kasi kaya yun ang napili kong kulay na isuot. Dom is not here kasi ako lang naman at si Jayce ang invited tsaka mas gusto non magbar kesa umattend ng ganitong events. Masyadong mainipin ang babaeng yon.


Nasa garden na kami kung saan gaganapin ang kasal ng Jhobea. Medyo madami ang bisita nila. Karamihan teammates niya. Naupo na kami sa silyang nakareserved saming mga bisita. Katabi ko lang si Jayce nakasuot siya ng white longsleeves. Hindi yata siya kasali sa mga abay.

I saw the lady eagles na naglalakd papalapit sa kinaroroonan namin ni Jayce. Ang wala lang dito ay si Jaja na sabi nila maid of honor at syempre si Deanna and Pongs. I wonder kung bakit wala silang dalawa. Siguro busy sa anak nila.


Nang makarating sila dito samin ay nakipagbeso kami ni Jayce sa kanila. Noong una ay gulat na gulat sila ng makita ako.

Dani: Wow Ate Jema long time no see.

Ngumiti lang ako sakanya.

Jules: Jema you look good. Makapunta nga sa states baka maging kasing fresh mo rin ako.

Napatawa naman kami sa sinabi ni Jules. Si Dani naman ay agad kumontra.


Dani: Jules kahit yata doon kana tumira ng maraming taon hindi na magbabago yan haha.


Nagkulitan pa sila ng nagkulitan. Kahit kelan talaga napakakulit ng mga to. Pero they are all easy to be with. Napansin ko si Yumi na tahimik lang.Nahuhuli ko rin siyang tumitingin tingin kay Jayce. May gusto siguro to kay Jayce.

Tumahimik lang sila ng tumugtog na ang music. Ibigsabihin ay mag uumpisa na ang ceremony. Hindi ko maintindihin kung bakit panay ang ikot ng paningin ko.

Nagulat ako ng tumikhim si Dani siya kasi ang katabi ko tapos sa kabila ay si Jayce.

Dani: May hinahanap ka ba Ate Jema? Kanina ka pa lingon ng lingon jan.

Medyo may panunuksong sambit niya.

"Huh? Ahhm.. wala."

Sabay iwas ko ng tingin sakanya. Pero damn wrong move ata. Kasi mas lumawak ang ngiti niya.



Tumugtog na nga ang musika na sa tingin ko ay themesong ng Jhobea. Dahan dahan naman bumukas ang munting pinto na nilagay sa may gitna ng lalakaran ng mga abay.



Iniluwa nito ang napakapaping si Bea. She's walking together with her Parents. Sobrang lawak ng ngiti niya na parang umaapaw siya sa saya. Hindi ako makapaniwala na she's really getting married.


Huminto siya malapit sa may altar. Nakatayo siya doon waiting for her girl.

Biglang nagsalita si Dani out of nowhere.

Dani: Ayun oh. Yung hinahanap mo hehe.


Lumingon ako sa ininguso niya. There I saw Deanna walking Down the isle. She's wearing black suit at sa loob nito ay mint green na polo. I think siya ang best man. Agad bumilis ang tibok ng puso ko ng lumingon siya sa kinaroroonan ko.



Tumingin ako sa likod ko pero wala naman si Pongs but nandito ang mga teammates niya kaya I'm not sure kung ako ba ang tinitingnan niya. Nang makarating siya sa may dulo ng altar ay tumigil na siya at pumwesto sa tabi ni Bea. Niyakap pa niya si Bea.



Sunod sunod na nga ang abay nila. Tapos si Pongs ay isa din pala sa abay nila. At gaya ng sabi ko kanina Jaja is the maid of honor. Matapos maglakad ng lahat ng abay ay sumara ang pinto. Nag iba ang tugtog nila at ilang sanadali lang ay bumukas na ito ulit at iniluwa ang napakagandang si Jho.



Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now