P.L.K 57

4.2K 131 7
                                    

Jema

Nakaharap lang ako sa laptop ko buong araw. I was busy checking my emails. Ang dami kasing nagmemessage sakin about my team. Aside from my own company isa din akong event organizer.



We'll I have my team to look up for my small business while I'm here in US na nag aasikaso ng company ko. Malaki naman ang tiwala ko sa mga tao ko kahit nasa PH ito. At lalo na nandon si Dom para mag asikaso ng business ko sa PH.



If tatanungin niyo kung nasan na si Jayce? She's still here hindi niya ako iniwan. Sa araw araw siya ang kasama ko.


A phone call disturb me sa pagbabasa ng emails.

OTP
"Hello Jayce?"


Jayce: I'll pick you up later then dinner tayo?


"Nah.. I have many things to do. Sa ibang araw nalang."



Jayce: Work na naman. C'mon Jessica give yourself a break.




"Hayy.. fine pero pwede ngayong hapon nalang? I will talk to Dom mamayang gabi we have to discuss something eh."



Jayce: Sure baba kana sa lobby, I'll be there in 10.



Sa lapit lang ng condo ni Jayce sa building ko ay mabilis siyang nakarating. Nang makita ko ang camaro niya ay lumabas na ako at dumiretsyo dito.

Jayce: Saan mo gusto kumain?

"I want Ramen."


Jayce: Alright ramen it is.


Naglibot libot kami para maghanap ng Ramen house. Hanggang sa makakita kami. Nagpark si Jayce sa carpark at bumaba na kami para makapasok sa loob.



Ako ang umorder samin kasi hindi pa daw siya nakakain sa ramen house at wala pang 15 minutes ay dumating na agad ito. Infairness kasing sarap din ito ng kinakainan namin ni Deanna dati.


Napahinto ako sa pagsubo ng maalala ang pangalan niya. Napapikit ako ng marahan. Mukhang napansin ito ni Jayce kaya hinawakan niya ang braso ko.


Jayce: Hey what's wrong? Hindi ba masarap pwede tayong maghanap ng iba.


"No, ahmmm.. may naalala lang ako."


Sabay iwas ko ng tingin sakanya. Parang nagsisi naman ako sa sinabi ko kasi biglang nagbago ang expression ng mukha ni Jayce.



Jayce: Si Deanna.


"Huh?"



Jayce: Naaalala mo siya hindi ba?


Gusto ko sanang sabihing oo pero ayoko siyang masaktan. Hindi ako tanga para hindi maramdaman na ako parin ang gusto ni Jayce.

"Hindi ano ka ba."


Hindi na siya ulit umimik. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bigla siyang magtanong.


Jayce: Mahal mo pa ba siya?



Nag kunwari akong hindi narinig ang tanong niya para makaiwas.


"Uhmm..Jayce cr lang ako ha"


Tumayo na ako para mag cr. Nakita ko pa ang pagpait ng mukha niya.




Pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon