P.L.K 49

4.3K 155 11
                                    

Weeks have past ng magkausap kami ni Mom. Nag decide na din ako about sa gusto niya. Okay na din kami ng parents ni Jema. Actually I'm on my way papunta sa hospital. She's still in coma and bukas dadalhin na siya sa US. Alam ng parents ni Jema yung napag usapan namin ni Mom.


I parked my car bago bumaba I looked on the mirror black circles cover my eyes. Sa dami ng iniisip ko nakalimutan ko na ang sarili ko. Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ko ang bouquet na para kay Jema.


Pagkarating ko sa may tapat ng room ni Jema binuksan ko kaagad ang pinto at pumasok. Nakita ko si Tita na nakaupo sa may sofa katabi si Tito. Lumapit ako para magkiss at inilagay sa side table yung flowers na dala ko.


Umupo ako sa tabi ni Jema at hinalikan siya sa pisngi habang hinahaplos ko yung buhok niya.

"Tita okay na po lahat para bukas sa pagtransfer ni Jema sa US."

Lumapit siya sa kinaroroonan ko at hinawakan ako sa magkabila kong balikat.



Tita: Maraming salamat Deanna. Sobrang laki ng tulong mo para samin.


"Tita wala po yon. Sobra ko pong mahal si Jema kaya lahat gagawin ko para sakanya"


Narinig kong nagbuntong hininga si Tita.

Tita: Talaga bang buo na ang decision mo Iha?

Tumango ako sakanya.


"Wala po akong choice. Mas mabuti pang ako ang magsuffer wag lang si Jema"


Tita: Sorry anak kung kailangan pang dumating sa ganitong punto. Ikaw pa yung nahihirapan ngayon.


"Tita you don't have to be sorry"


Niyakap ako ni Tita. Tapos biglang nagsalita si Tito Dad.

Tito: Hindi ka pala makakasama sa US?

"Hindi po Tito."


Tito: Wag ka mag alala siguradong magiging maayos si Jema. Kami ang bahala sakanya.


Ilang oras din akong nagstay sa hospital. Lumabas muna saglit sila tito para bumili ng mga kailangan nila dito.

Biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko kung sino yung caller napapikit nalang ako. I answer it.

OTP

Hello Mom.

Mom: Wag ka malalate mamaya sa dinner Deanna they expecting you.

I won't. Is that all?

Mom: Just please be on time.
Ayoko mapahiya sa kanila.

Okay.

Yan nalang ang naging sagot ko sakanya at agad ko na ding ibinaba ang call. Habang tinitingnan ko lang si Jema biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Jayce.

Ibinaba niya yung mga prutas na dala niya at naupo sa kabilang side ng bed ni Jema.

Jayce: Kamusta Deans?


Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now