P.L.K 30

7.3K 182 27
                                    

Jema's Pov

Simula nung pag amin ni Deans sakin. Naging okay na ulit kami. Mas naging close at ganun din ako kay Jaycel. Hindi ko lang alam kung okay na silang dalawa. Kasi hindi naman nababanggit sakin ni D and Jaycel.

Nasa canteen kami ngayon kasama ko si Celine and Kring pati narin ang lady eagles maliban kay Deans di ko alam kung saang sulok na naman nagpupunta yung babaeng yun. Maitext nga.

To D:
Heyy. Saan ka? Ikaw lang kulang dito.

Nakalipas ang ilang oras wala padin siyang reply kaya hinayaan ko nalang.

Bea: Guys lets hangout mamaya sa bar? Matagal tagal na tayong hindi nakakapunta doon .

Dani: Oo nga..

Ate Madz: Sounds good. Sige para makapag enjoy tayo before UAAP.

Bea: So G kayong lahat?? Kayo Jema? Celine? Kring?

"Ano girls sama ba tayo sa mga Lady Eagles?"

Tanong ko kay Celine at Kring. Umoo naman ang dalawa. Kaya Go na kami.
Natigil naman kami sa pagkwekwentuhan ng magsalita si Jaycel.

Jaycel: Guys makinig kayo sakin, I have an important announcement.

Lahat naman nagtaka kay Jaycel pati ako kaya tumahimik lang kami at inintay kung ano man ang sasabihin niya.


Jaycel: Ahmm. Ladies you know naman na gusto ko si Jessica.. I would like you to know na I'm Jessica's suitor now. -masaya niyang sabi.




"Really Jayce? What a coincidence, I'm her suitor too."



Bago pa makapagreact ang mga kasama ko ay napatingin kaming lahat sa bagong dating na biglang nagsalita at may hawak pa itong 9 roses nagtaka ako kasi yung isa hindi tunay na Rose tanong ko nalang next time. Iniabot niya ito sakin sabay kindat.

Wow ha gumaganon kana Deanna ha..

KELEG KA NEMEN-mind
Sino bang hindi ha..

Lagi nalang toh sumusulpot kapag nasa canteen ah. Lagi din siya susulpot kung kelan nagsasalita si Jaycel.

Wala ni isang nagsalita samin dahil alam naming hindi padin nagkakaayos si Deans at Jaycel simula nung away nila sa BEG. Buti nalang naglakas loob si Bea na magsalita para naman mawala ang tensyon sa dalawa na kanina pa nagpapatayan sa titigan nila.

Bea: Ahmmm.. Let's go na guys time na oh may class pa tayo di ba.

Ate Jho: Mabuti pa nga.

Dani: Leggoo it's getting hot in here..

Umalis na nga kami at nagpunta sa kanya kanya naming class. Lately napapansin ko na medyo ilag na si Celine sakin. Hindi na siya tulad ng dati na sobrang madaldal ngayon tahimik nalang siya minsan nga di pa ako pinapansin. I want to know kung bakit pero siguro hindi muna sa ngayon bibigyan ko siya ng oras para siya mismo mag open sakin.



Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now