P.L.K 65

4.6K 150 10
                                    

Jema

I'm on my way to Deanna's company para sa meeting namin na dapat kahapon pero wala siya. Pasalamat siya hindi ako busy today kaya pumayag ako na iresched ngayon.


Ilang araw ko na siyang iniiwasan kaya hindi ko siya maitext kasi last last night she calls pero hindi ko sinagot and tulog na din naman ako that time. Kaya din siguro Secretary niya ang pinag message niya sakin through email.



Pinark ko na ang kotse ko sa carpark ng makarating ako sa building. Pagpasok ko mga pagbati ng mga employees ang sumalubong sakin. Sa conference room ako dumiretsyo nagaabang sa pinto ang Secretary niya.


Sec: Goodmorning Ma'am.


Sabay bukas niya ng pinto sa conference room para makapasok ako. Wala pa si Deanna dito. Don't tell me pag iintayin pa ako ng taong yun.

Sec: Nasa comfort room lang po si Ms. Wong.


Tumango lang ako dito.


Ilang saglit lang ay narinig ko ang mga yabag na naglalakad ng diretsyo sa may gilid ko papunta sa unahang bahagi kung saan ang upuan niya. Nakatalikod siya sakin kasi naglalakad nga siya papunta sa kanyang pwesto.


Deanna: Goodmorning Ms. Galanza sorry hindi ako nakaattend kahapon and for the rescheduling of our meeting today.


Sabi niya habang naglalakad. It is new kasi di siya nagbebeso sakin.


She's wearing white longsleeves na nakatiklop hanggang siko.Nakabaseball cap din siya.



Nang humarap siya sakin halos hindi ko makita ang mukha niya. Paano kami mag uusap nito kung ganyan itsura niya.



"What's with the cap?"



Deanna: Ahmm.. wala naman parang feel ko lang mag cap today.

Noong kami naman never ko to nakikitang mag cap.


"I can't see your face properly paano tayo makakapag usap ng maayos? Halos chin mo lang nakikita ko."



Mahirap naman talagang makipag usap kung hindi mo makita ng maayos ang mukha ng taong kausap mo di ba?



Deanna: You missed my face huh?



"Asa ka! Alisin mo na yan para makapag umpisa na tayo, I'm not comfortable of seeing you wearing that."



She sighed. Tapos tinanggal na nga niya ang cap niya at isinuot ang eye glasses niya. I was shocked ng makitang may black eye siya, then ang gilid ng labi may pasa tapos may band aid ang isang kilay at ang labi.


Deanna: Happy?


"Anyare jan?"

Tinuro ko ang mukha niya.


Deanna: Huh?



"Yang nasa mukha mo napano yan?"


Sa tono ng mga tanong ko malamang iisipin niya nag aalala ako pero totoo namang worried ako sakanya. Mahal ko kaya to.


Deanna: Ah eto wala lang to. Wag mo na pansinin.



"Tsss.. wala daw. Kelan ka pa naging basagulero?"


Deanna: Noong college tayo di ba naging kasuntukan ko si Jayce kasi inaagaw ka sakin.


"Ewan ko sayo!"

Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now