P.L.K 51

3.8K 121 7
                                    

Bar

Nasa bar na ako ngayon dito sa BGC. Ako lang at si Ate bei ang nandito. Medyo nakakarami na rin kami ng shots. Nakwento ko na rin kay Bei yung nangyari.

Bei: You know what Deans. I still can't believe na ikakasal kana kay Ponggay.

Sabay lagok niya ng alak na iniinom.

"Pano pa ko di ba? Bestfriend ko yun Ate bei tapos cousin pa siya ni Jema"

Bei: Hirap niyan Deans. Nga pala kamusta na si Jema sa US?

Oh shookt. Sa dami ng ginagawa ko nakalimutan ko ng tumawag kay tito.

Bei: Huy Deanna!

"Ha?"

Bei: Lumilipad na naman isip mo.

"Sorry ate bei marami lang akong iniisip."

Bei: It's okay. I understand.

"Ate bei wait lang ha I will call Tito Jess."

Tumango lang siya sakin at lumabas muna ako saglit para matawagan si Tito.

FaceTime

Tito: Hon si Deanna oh.

Sabi niya kay Tita.

Tita: Hi Deanna kamusta? Bakit ngayon ka lang tumawag?

" Ok lang naman po ako, sorry po ang dami po kasing inaasikaso. Kayo po ba kamusta? Si Jema po?"

Tito: Ayos lang kami dito anak. Si Jema ganun parin. Nga pala bukas na ang operation niya.

" Ano po sabi ng Doctor Tito? Hindi po ba niya kakailanganin ng heart transplant?"

Tito: Hindi anak. Ang sabi ng Doctor surgery ang gagawin sakanya.

"Ano pong klaseng surgery?"

Tita: Coronary Artery Bypass Graft or CABG surgery. Ang sabi kasi ng Doctor yung artery ni Jema nagclogged kaya yung supply ng dugo sa heart niya konti lang. Kaya naging cause din ng paghina ng puso niya kasi nagiging slow yung pag pump nito.

"After po ng surgery niya magigising na daw po ba siya Tita?"

Tita: Yan ang hindi namin alam anak.

"Tita Can I talk to Jema?"

Tumango siya at iniharap ang camera kay Jema. Pagkakita ko ulit sa mukha niya agad nagsilabasan lahat ng luha ko. Ilang minuto din ako bago nakapagsalita dahil sa matindi kong pag iyak.

Kung may makakakita sakin for sure iisipin nila baliw ako.

"Hi Love ko. Kamusta kana jan? *sob* Gustong gusto na kita makasama. *sob* I miss you so much mahal ko. I miss everything about you. *sob* Hindi ko alam kung kakayanin ko pa tong lahat. Sukong suko na ako love. *sob* Ikaw nalang kinakapitan ko, sayo nalang ako kumukuha ng lakas kaya please love magpagaling kana oh. *sob* Alam ko hindi ka matutuwa sa nangyayari ngayon. Pero promise ko sayo Ikaw lang ang nilalaman ng puso ko, I will never ever replaced you in my heart. Mahal kita love sobra sobra."

Pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon