P.L.K 64

4.1K 139 13
                                    

Deanna


"Ano ang dapat kong malaman Ate Bei? Ate Jho?"


Gulat silang pareho sa biglang pag sulpot ko sa harapan nila.



Ate Jho: Ahhmm.. Deans mabuti pa umuwi kana muna.


Ate Bei: No Jho! Deanna will stay here and we will tell her the truth.


Walang nagawa si ate Jho kundi ang sumunod sa gustong mangyari ni Ate Bei.



Ate Bei: Deans naaalala mo yung kasal niyo? Yung motif niya black and white which is hindi usual na motif ng kasal di ba dapat pag kasal white?




"Oo I know that."

Nagtaka din ako that time pero di ko nalang pinansin. It's just a fixed marriage tho.


Ate Bei: Tapos yung kasal niyo April 1 which is fools day. And yung taong nagkasal sainyo it was Thirdy not a priest. Lahat yun plano ni Pongs at all of us know that except you syempre.


"What?!!"


Kaya pala tingin ng tingin yung akala kong priest na nagkasal samin kasi it was thirdy pala. Kaya pala familiar siya sakin. Iniba kasi nila ang mukha parang ganun sa ginagawa sa your face sounds familiar yung binabago ang mukha. Hindi yan ang problema so focus Deanna enough for that!


Ate Jho: Get to the point Bei!!



Ate Bei: Hindi totoo ang kasal niyo ni ponggay.


Parang paulit ulit sa utak ko ang sinabi ni Ate Bei. Sobrang nagulat ako at the same time naguguluhan.


"Naguguluhan ako Ate bei... why did she do that at bakit hindi niyo agad sinabi sakin??!!"



Ate Bei: Kasi ayaw ni Pongs ipaalam sayo agad. She loves you Deanna kaya ayaw niya ipaalam kasi baka magwork kayo baka mahalin mo rin siya at makalimutan mo si Jema.



Ate Bei: Pero sa 3 years akala namin nakalimutan mo na siya kaya hindi namin sinasabi sayo. Noong dumating si Jema we saw how happy you are na makita siya ulit doon namin narealized na mahal na mahal mo parin talaga siya kaya now I'm telling you all of these.


"I..need to talk to ponggay."



Ate Jho: Deans please wag ka magpadala sa galit mo okay? Best friend mo parin yun.


"I will Ate. Una na ako."

———————————

Umuwi na nga ako sa bahay. Pagkapasok ko sa loob sinalubong niya agad ako.

Pongs: Anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo.


Nilapitan niya ako at hinawakan ang baba ko para matingnan mabuti ang pasa at sugat sa mukha ko. Pero iniiwas ko ang mukha ko sakanya.


Pongs: Deans may problema ba?


Pinipigilan ko munang makipag usap sa kanya baka kasi kung ano ang masabi ko. Kaya tumalikod ako at didiretsyo na sana sa taas.



Pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon