P.L.K 74

5.4K 194 27
                                    

Jema

Habang paalis kami sa event marami ang bumabati samin ng congratulations. Sobrang saya ko tonight kahit hindi sobrang romantic ang proposal niya nagustuhan ko parin kasi wala naman sa lugar yan di ba? The essence of marriage proposal is not about the place, not about the surprises. It's about you and the person you wanna marry.


Kasama namin sila Beatriz at Jho. Halos abutin kami ng isang oras bago makalabas sa hall dahil sa mga taong bumabati at media na pilit kaming interviewhin.



Lumapit si Beatriz sa tabi ko.


Bea: Are you sure Jema na papakasalan mo tong si Deans? Pwede ka pa magback out.


Kumunot naman ang noo ng love ko.


Deanna: Ate Bei naman. Wag ka magsalita ng ganyan baka mamaya maniwala si Jema.

Natawa naman ako sa kacutean niya. Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya.


"Ano ka ba love hinding hindi na magbabago yung desisyon ko na magpakasal sayo. Mahal na mahal kaya kita."


Lumawak naman ang ngiti nito at sabay dila kay Beatriz.

Jho: I'm happy for the both of you. Sa hinaba haba din nga naman ng prosisyon sa simabahan din ang tuloy niyo.

Inakbayan ito ng asawa niya.

Bea: Di pa tapos ang prosisyon nila beh. May isa pa.

Alam kaagad namin ang sinasabi niya. Parents ito ni Deanna.


Bea: Basta lagi niyo lang tandaan na kahit anong mangyari at kahit ilang libo pa ang pumagitna sa pagmamahalan niyo wag kayong susuko. Love wins over hate.


Jho: Wag niyo na iwan ang isa't isa ha babatukan ko na kayong dalawa.


Deanna: I really love you both my second parents.


Sabay hug niya kay Jho at Bea. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila habang nakangiti. They stop their group hug at tumingin sakin.


Bea: Ano na Jema? Ngingiti kana lang ba jan, lika dito sali ka samin.


Sumali na nga ako sa group hug nila.


Ang sarap talaga sa feeling na may mga taong nanjan para sayo. Yung mga kaibigang totoo yung di tulad ng iba na kilala ka lang kapag kailangan ka. These people are for keeps.


We bid our goodbyes at umalis na kami para umuwi ni Deanna. Masaya yung naging byahe namin pauwi sa condo ko. Puro tawanan at asaran ganyan lang naman kami lagi hanggang makarating sa condo.


Binubuksan ko na yung door ng condo ko.

Deanna: Bakit parang di ko na nakikita si Jayce dito.


"Hindi na siya dito pumupunta. Umuuwi na yata sa bahay nila."

Sabi ko bago pumasok sa loob at sumunod din siya. Dumiretsyo ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Paglabas ko nakasalampak si Deanna sa sofa.
Lumapit ako sakanya at naupo. I tap my legs para sumenyas para gawing unan niya ang mga hita ko. Nang makahiga na siya ay hinaplos ko yung pisngi niya habang nakapikit siya.


Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now