P.L.K 63

4.6K 161 19
                                    

Deanna

Maaga ako nakauwi sa bahay noong araw na hinatid ko si J. Nag intay ako sa tawag niya pero walang dumating kahit isa. Noong sa office naman ng nagpatawag ako ng meeting sa mga investors umattend siya pero damn talo pa niya ang yelo sa pagiging cold. Ni hindi manlang ako pinapansin kahit ang tumingin sakin ay hindi niya ginagawa. At ilang araw na siya ganun. Naging mailap na naman siya sakin. Iniiwasan na niya talaga ako. Kaya iniisip ko kung ano bang nagawa kong mali.



Ngayong araw day off ko. Dapat bonding namin ito ni Pongs pero nagdahilan ako sakanya na may lakad ako. Alam ko napakasama ko kay Pongs pero di ko mapigilan maging ganito.


I am now sitting at the bar stool. Umiinom ako mag isa dito sa bar. Marami rami na rin akong nainom. Well yun naman ang plano ko ang magpakalasing. May mga nag aapproach sakin pero tinatanggihan ko.


Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at idinial ang numero ni Jema. Nakailang subok akong tawagan siya pero hindi niya talaga sinasagot. I search my contacts kung sinong pwedeng tawagan.


Calling Ate Bei.......

Ate Bei: Hello Deans?


"Ate Bei... can you go here? Sa bar."



Ate Bei: Which bar? At mag isa ka lang jan?


"The usual bar. Yeah I'm alone. Pupunta ka ba?"


Ate Bei: Ano pa ba magagawa ko? Hindi naman kita hahayaang mag isa jan. Just give me 10 anjan na ako.


Magpapasalamat pa sana ako pero ibinaba na niya ang call. Habang iniintay ko si Ate Bei pumunta ako sa may dance floor. Sumayaw ako doon sa gitna at maya maya pa may lumapit saking isang babae nakaminiskirt ito at spagetti strap. Nakatalikod siya sakin habang sinasayawan ako ng sexy dance. Hinawakan ko ang bewang niya then I kissed her neck.


Biglang may sumulpot sa harap namin. Noong una akala ko boyfriend ng kasayaw ko pero hindi pala. Namukhaan ko ito ng makita ko ang mukha niya It's Kyle Del Mundo. He's with two boys na sa tingin ko ay kabarkada niya.


Kyle: Look who's here. The great Deanna wong! Mukhang mag isa ka lang ah.


Huminto na kami sa pagsasayaw at ang babaeng kasayaw ko kanina ay pinaalis ko na.


Ngumisi ako sakanya.



"Gusto mo bang maulit yung ginawa ko sayo noon?"



Kyle: Haha..sinwerte ka lang noon Wong. Now it's my turn.


Dahil sa dami ng nainom ko ay hindi ako nakaganti sa pagsuntok niya sakin. Nagiging dalawa o minsan naman ay tatlo ang tingin ko sakanya. Kaya bago pa man ako makasuntok ay naunahan na niya ako.



Mga limang suntok ang natamo ko 3 sa aking tiyan at 2 sa mukha na nagpaputok ng labi ko. Walang umaawat na bouncer kasi alam niyo naman di ba owner sila ng mga bars dito sa metro. Susuntukin pa ulit sana ako nito ng may sumuntok na sa kanya. It's ate Bei.



She picked me up at inalalayan ako palabas ng bar. Isinakay niya ako sa kotse niya. Naramdaman ko ang paglagay niya ng seatbelt sakin.



Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now