P.L.K 69

5.5K 210 20
                                    

Jema

On the next day parang walang nangyayari sa live namin. Walang nagsasabing nakita nila si Deanna. Chineck ko ang laptop nila isa isa at noong kay Bei. Dalawa ang nakabukas sa tab ng laptop ni Bei. Naaksidente kong naclick yung isa kaya nakita ko yun.


It's a picture of Deanna and a girl nakahawak ito sa kamay ng girl. I try to zoom it in. Parang kilala ko to. Bago ko tawagin si Bei ay pinicturan ko ito gamit ang phone ko.

"Beatriz!"


Bea: What? Beatriz kana naman.

Sabi niya habang papalapit sakin. Natahimik lang siya ng makita ang tinitingnan ko.


"Saan mo nakuha to?"
Sabi ko sabay turo sa picture.


Bei: Sinend ng nakakita kay Deanna sa Megamall kahapon.


"Kahapon lang toh?"


Bei: Yep. Did you know the girl? Parang I saw her na kasi pero di ko naman makita ng maayos nakatalikod eh.

Tumango lang ako kay Bei at agad kong dinampot ang phone ko. Kahit nakatalikod siya alam ko na si Dom ito.

OTP

"Where are you Dom?"

Dom: Ha?

"Where are you??"
Pag uulit ko.

Dom: Dito sa Hotel.


"Wag kang aalis jan pupuntahan kita."

Binaba ko na ang call. Nagpaalam ako sa lady eagles para pumunta kay Dom. Sa sobrang pagmamadali ko ay halos paliparin ko na ang sasakyan ko makarating lang ng mabilis sa hotel na tinutuluyan ni Dom.


Pero kung kailan ka talaga nagmamadali doon naman sobrang traffic. Doon may naaksidente. Like what the hell? Napakamapaglaro naman ng tadhana oh.


After an hour ay nakaalis na din ako at nakarating sa hotel. Nag park na ako sa carpark nila at pumasok sa loob. Kinausap ko ang receptionist at mabuti nalang natandaan pa niya ako kasi nakapunta na din ako dito ng ilang beses. Pumasok ako sa elevator at nagtungo sa floor ni Dom.

Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan din niya kaagad. Bagong gising lang siya kasi humihikab hikab pa. Bumeso ako sakanya at pumasok sa loob.

Dom: Ang aga mo naman Gal.

Sabi niya habang tamad na naglalakad papunta sa couch.


"Anong maaga ka jan 10 am na po kaya. Lagi kana lang late nagigising."


Dom: Napagod lang ako kahapon that's why.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Napagod saan?

Dom: May atraso kapa sakin baka nakakalimutan mo? Pinatayan mo ko ng call kahapon! Hmmmp.


Nakaupo na siya sa couch sa may harap ng inuupuan ko.


"Sorry tatawagan naman sana kita ulit pero nawala na sa isip ko."


Dom: Whatever! So bakit ka nga pala napadpad dito?

Lumapit ako sakanya at kinuha ko ang phone ko para ipakita ang picture na nakita ko sa laptop ni Beatriz. Nakita kong nanlaki ang mata niya.

Dom: Saan mo nakuha to?
She ask referring to the pic.

"Sinend sa live namin kahapon."

Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now