The Wedding

6.7K 210 51
                                    

Deanna

Maaga akong nagising dahil hindi ko katabi ang love ko. Pinaghiwalay kami ng room. Si Ate Jho ang kasama ni Jema sa room namin at ako dito sa room nila ni Ate Bei. Sabi kasi ni Tito Jess at Tita bawal daw kami magkita. We decided to follow the so called "pamahiin" kasi wala namang mawawala if susunod kami di ba?



Hindi na kami lumabas kaya dito na din kami kumain sa room. Nagpadala lang kami ng pagkain. Maya maya pa ay nag ayos na kami para sa wedding ko. I'm so nervous at the same time excited. Ganito pala talaga yung feeling kapag ikakasal kana sa taong pinakamamahal mo.



Nang matapos akong magbihis lumapit sakin si Ate Bei. She's wearing a black tux katulad ng sakin. Bei is my bestman again. Habang inaayos ko yung coat ko naalala ko bigla sila Mommy. Napasinghap nalang ako.



Tinapik ako ni Ate Bei.


Ate Bei: Ang lalim nun ah.


"Ate Bei kasi sila Mommy hindi ko alam na kaya nilang hindi pumunta sa kasal ko."



Ate Bei: Ipapavideo nalang natin ang kasal mo para mapanuod nila Tito. Wag ka na malungkot jan gusto mo ba pangit ka sa kasal mo?



Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko. Mabuti nalang nandito si Ate Bei.




"Thank you Ate Bei for everything. Ikaw yung laging nanjan para sakin tuwing may problema ako ikaw yung nagbibigay ng payo sakin."




Ate Bei: Baby ka namin ni Jho di ba? Kaya nandito lang kami palagi para sayo at para kay Jema.




Nagyakapan kami ni Ate Bei nang biglang umingay sa room namin. Nagpasukan na pala sila. Kasama ang ibang girls.




Madz: Mukhang nagka heart to heart talk ang mag ama mo Jho ah.




"Ate Jho? Bakit ka nandito sino kasama ni Jema?"



Tumawa sila sa reaction.




Ate Jho: Haha calm down baby Deans. Nandon ang parents niya. Tsaka pinapapunta na din tayo sa may seaside malapit na mag umpisa.





Pumunta na nga kami sa seaside kung saan nakaset up ang para sa wedding namin. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Mga paghampas ng alon sa dagat at ang tibok ng puso ko yung naririnig ko.




May mga upuan dito na mga nasa 100 siguro. Tapos may altar sa harapan at syempre may mini door din na nilagay.
Puno na ang mga silya dahil maguumpisa na ang kasal. Tumugtog ang music at nang maglalakad na ako ay biglang tumabi sakin ang parents ni Love.






"Tito? Tita? Bakit po kayo nandito sa tabi ko? Sino po kasama ni Jema."





They just smiled at me. At lumakad na nga kami patungo sa harap kung saan ko hihintayin ang love ko. Hindi ko na magawang magtanong sa kanila dahil kinakabahan na ako.




Sumunod sakin ay ang best man ko. Pumwesto diya dito sa may tabi ko. Then ang ibang abay. Nandito din si skyler siya ang ring bearer. He's so cute kasi nakatux din siya. Pagkatapos ay ang mga groomsmen at bridesmaid na. Tapos si Pongs na maid of honor ni Jema. Nang tapos na silang lahat maglakad ay mas bumilis na ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na ako lalo pa ng sumara na ang pinto then a new song started to play.



Pangarap lang kitaWhere stories live. Discover now