P.L.K 72

5.5K 170 23
                                    

Jema

Masaya akong nagising dahil sa nangyari kagabi. Si Deanna ang nagdrive ng car ko para ihatid ako at iniwan niya ang kanya kay Pongs. Dito din siya sa condo ko natulog guys wag kayo mag isip ng kung ano ha. Di pa namin nagagawa ni Deanna yung ano.. alam niyo na. We will do it after marriage.


Maagang umalis si Deanna para matapos ang ilan pa niyang naiwang papeles sa opisina niya. At tsaka ang perang ibibigay niya para sa charity event. Syempre ako din magbibigay. Bukod sa donations may mga bidding din na magaganap. Mga canvas painting na gawa ng mga bata ang ipapabid.


After doing my rituals lumabas na ako ng room ko. Habang naglalakad papunta sa kitchen itinatali ko ang buhok ko. Pakanta kanta din ako then I saw foods sa table. Bacon and eggs na medyo sunog tapos pancakes at fresh milk. Napangiti naman ako ng lihim.
I get my phone and dialed her number.

Calling Love....

Deanna: Hi love goodmorning. Sorry hindi na kita ginising para makapag paalam.

"Goodmorning din po.. nah okay lang alam ko namang busy ka."



Deanna: Uhm.. nagluto pala ako ng breakfast mo . Sorry I'm not a good cook nasunog ko yata.


"Kinakain ko na nga ngayon love. Masarap kahit sunog hehe. Thank you for cooking my breakfast."


Deanna: Bola.. anything for you my love. Anyway I'll hang up na ha. Prepare kana din mamaya para sunduin nalang kita jan, sa hotel na ako magbibihis.


"Alright boss, I love you."


Deanna: I love you most mahal.

I giggled. Mas masarap pala sa ears kapag mahal ang tinawag sayo. Ughh Deanna wong I really loved you.
-
-
-

Event

It's already 5 pm. Magkasabay kami ni Deanna papunta sa charity event. Paghinto palang ng sasakyan sa tapat ng main entrance which is red carpet kasi mga kilalang tao ang nandito. Nakaramdam agad ako ng kaba. Hinawakan ni Deanna ang kamay ko.


Deanna: You look so tensed love. Wag kana kabahan nandito naman ako hindi kita iiwan.


"Ang dami kasing media alam mo na baka maissue tayo."


Sa may entrance palang kasi may iilang media na paano pa pag nakapasok kami sa loob ng hall.

Deanna: Basta ako bahala sayo.

Hinalikan muna niya ako bago siya bumaba sa sasakyan buti nalang tinted itong audi niya. Umikot siya sa may pinto ko para pag buksan ako. Tapos
iniabot niya sa valet ang susi ng kotse.

Kinuha ni Deanna ang kamay ko para iangkla sa braso niya. Nang bumukas ang pinto sa hall para makapasok kami ay mga flash ng maraming camera ang sumalubong samin. May reporter na lumapit samin. They asked me and Deanna about business stuff. Nakahinga kami ng maluwag kasi parang di nila alam yung nangyaring kasal nila ni Ponggay.



Ang tagal namin bago makarating sa aming table dahil maraming bumati at nakipagkamay samin ni Deanna at lalo na sa kanya. Kasama namin sa table ang isang babaeng anak ng kilalang businessman may kasama itong dalawa pa ding babae at ang mag asawang Jhobea.

Nang nandito na ang lahat ay may nagsalita na sa unahan para mag umpisa na ang bidding. Maraming nakadisplay na paintings na gawa ng mga bata.


Pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon