2Kim

575 15 11
                                    

A/N:

feel kong gumawa ng tagalog chapter ngayon sjsjs sorry nalang sa mga foreigner na nagbabasa, sa susunod ko nalang kayo bibigyan ng chapter na maiintindihan niyo.

Translation:

i just felt like making a tagalog chapter today sjsjs i'm sorry to the foreigner readers out there, there'll be a chapter that you'll be able to understand next time.
———

Napatingin ako kay Chaewon, ang saya niya pala. Mas masaya na siyang kasama si Hitomi, masaya ako para sa kanila pero bakit nasasaktan ako?

"I love you babe~" sinabi ni Chaewon kay Hitomi.

"I love you too." niyakap ni Hitomi si Chaewon bago niya binudburan nang halik ang mukha niya.

"Aish.."

"Baby, okay ka lang?" Tumingin ako sa aking likuran.

"Ang lalim ng iniisip mo, anyare?"

"Wag ka mag-alala Yujin, okay lang ako.."

"Sure ka ba?"

"Oo."

Niyakap ako ni Yujin nang mahigpit.

"Basta.. pag may problema ka, sabihin mo lang sakin."

Meron naman akong Yujin eh, mahal niya naman ako at ganun rin ang nararamdaman ko para sa kanya.. pero bat ganun? Kapag nakikita ko si Chaewon na nakikipagharutan o kung ano mang pinaggagawa niya kapag kasama niya si Hitomi, nasasaktan ako, naaalala ko yung mga times na ako yung niyayakap niya, nung ako yung hinahalikan niya, nung ako pa yung,

mahal niya.

di pa ba ako naka-move on? anong karapatan kong masaktan? ako naman yung tumapos sa lahat nang namamagitan sa amin, bat parang ako yung hiniwalayan?

ang gulo gulo na ng isipan ko, di ko maintindihan mga nararamdaman ko.

kailangan ko nang tigilan tong mga cheche burecheng nararamdaman ko kapag nakikita ko siya, di to tama.

———

gusto niyo ba ng part 2 kahit magulo to?

THE IZ*ONE (AND SOMETIMES ITZY) BOOK OF SHIT 2 [SLOW UPDATES]Where stories live. Discover now