Paunang Salita

523 18 1
                                    

"Mama, gusto kong maligo sa ulan!" paalam ng batang nakasuot ng malaking t-shirt na para bang dress ito sa kanya. Sinarado ng kanyang ina ang lababo at lumuhod para mapantayan ang maliit na batang babae na nasa pitong taong gulang.

"Sige na, Mama! Kasama ko naman si Marielle at Kuya Hugo, diyan lang po kami hanggang dulo ng street." Pangungumbinsi pa nito sa ina. Inayos niya ang buhok nito at matamis na ngumiti.

"Sige, basta tumabi kayo kapag may dumadaang sasakyan ha? Tapos huwag masyadong magtagal sa labas, baka abutin ka ng lagnat." bilin ng ina sa kanya at tumango-tango ang batang babae.

Nagmamadaling lumabas siya at isinuot ang maliliit na tsinelas saka tumakbo sa malakas na patak ng ulan. Tila langit sa pakiramdam ng batang babae nang dumikit ang malamig na patak ng ulan.

Humagikgik ito sa tuwa.

"Pri! Pri! Hintayin mo kami sabi ni Mama." nagmamadaling tawag ng kuya nito na si Hugo na nasa labing-isang taong gulang ang edad habang hawak-hawak ang isa pang maliit na kapatid nito na si Marielle na nasa anim na taong gulang pa lamang.

"Dalian mo na kuya, ang bagal mo naman e." pangutya ni Pri sa mas nakakatanda nitong kapatid at binelatan. Tumingala siya  habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan. Isang mahiwagang misteryo para sa isang batang babae na iyon, na tila ba gusto niyang alamin kung saan ito nanggagaling.

"Pri! Doon tayo sa paboritong garden ni Lolo Isko, baka nandoon siya sa mga oras na iyon." pang-aaya ng kuya nito at humawak ang batang si Pri sa kamay ng kanyang kuya. Nang makarating sila sa malaking hardin sa likod-bahay ng kapitbahay nilang sinasabing Lolo Isko.

Nandoon nga ang matandang lalaki.

"Lolo Isko!" Sigaw ni Pri at nauna nang tumakbo papalapit sa matanda na nakapayong. Sumilay ang ngiti sa matanda nang magmano ang batang si Pri.

"Naliligo kayo na naman sa ulan, Pri." sita ni Lolo Isko ngunit isang hagikgik ang tugon nito sa mga bata.

"Si Pri po kasi kinukulit si Mama na maligo sa labas." sabi naman ni Kuya Hugo kay Lolo Isko at napailing na lamang ang matanda sa pagkamangha sa kakulitan ni Pri.

"Lolo Isko, kumusta naman po yung gumamela? Malalaki na po ba sila?" Nasasabik na tanong ni Pri sa matanda at hinawakan ito sa dulo ng tela ng t-shirt nito.

"Hanapin mo, Pri. Paniguradong matutuwa ka sa mga gumamelang inalagaan mo." bilin ng matanda at nagpaalam muna para asikasuhin ang isang bisita raw nito.

Naiwan ang mga bata sa likod-bahay para maglaro samantalang si Pri ay nagpalinga-linga upang hanapin ang pinangangalagaan nitong mga gumamela makalipas ng ilang linggo ng bakasyon.

Kahit na maputik na ang mga paa nito ay binelewala lamang ito ng inosenteng si Pri at nagpatuloy sa paghahanap. Napatigil siya nang may nakitang isang lalaking nakaasul na payong na kasabay ng Lolo Isko nito.

Mas bata ito tignan sa matandang si Isko at matipuno ang pagkakatayo nito na para bang isang gwapong ginoo na naglalakad sa ulanan. Hindi matanggal ang tingin ni Pri sa lalaking iyon, na para bang napakapamilyar nito sa kanya.

Hindi nagtagal nagtama ang paningin nilang dalawa na para bang kilalang-kilala nito ang isa't-isa.

"Pri! Pri!" Nagising si Pri sa reyalidad nang tawagin siya ng maliit nitong kapatid na basang-basa na rin sa ulanan. Itinuturo niya ang direksyon ng Kuya Hugo nito na nakatingin sa isang bagay.

Tumakbo agad ito papunta sa pwesto ng kuya nito at sumilip. "WOW!" Manghang sabi ni Pri nang mapagtanto ang malalaking gumamela. Sobrang tingkad ng kulay nito at bukang-buka na nakikita ang nasa loob nitong mga pollen.

Hindi napansin ni Pri ang pagtakbo ng Kuya Hugo niya at si Marielle na patuloy sa paglalaro sa likod-bahay. Tinignan ng mabuti ni Pri ang kanyang pinangalagaan na gumamela at simpleng napangiti dahil sa resulta nito.

Wala pang hihigit sa simpleng kaligayahan ng batang babae. Ngunit tulad ng simpleng kaligayahan nito, tumila na rin ang ulan.

"Wala nang ulan, Pri. Uwi na tayo!" sabi ng kuya nito at nagpaalam na kay Lolo Isko pero sa huling pagkakataon, muling nagkatitigan si Pri at ang maginoong lalaki na kasama ni Lolo Isko.

Para bang kitang-kita niya ang lungkot nito sa mga mata, na tila sinasalamin niya kaya't nararamdaman nito ang panlulumo. Pinutol ni Pri ang tinginan nilang dalawa at nagmamadaling umuwi kasama ang kanyang mga kapatid.

----

Started: August 13, 2019
Finished: May 1, 2020

Before You Disappear Where stories live. Discover now