Kabanata Labing-Lima

67 6 7
                                    

"Guess your future."

---

Setyembre 20, 1887

     "Baybayin? Ano iyon?" inosenteng tanong ng sirena kay Berting at pinanood ang binatilyo sa pagsusulat sa buhanginan gamit ang manipis na kahoy ng sanga.

Ang sirena'y namangha sa kanyang nakikitang mga kakaibang bagay. Ito'y bago pa lang sa kanyang kaalaman. Siya'y namuhay ng ilang dekada ngunit hindi niya nahagip ang mga ganitong impormasyon mula sa mga tao.

"Ang mga tao ay nagsusulat gamit ang papel at pluma, dito nila inilalahad ang mga kailangang maalala o kaya isang paalala. Sa pagsusulat, gumagamit ng lenggwaheng kaalaman ang mga tao. Madali lamang intindihin ang karakter ng baybayin na isang, makalumang kasulatan sa kasaysayan ng kulturang Pilipino." Paliwanag ni Berting at iprenisinta ang sinulat nito.

"Bakit kailangang magsulat? Nakakapagsalita naman ang mga lamang lupa, at nakakapagkomunika sa isa't-isa."

"Hindi lahat ay naabot gamit ang pagsasalita dahil, may hindi nakakapagsalita, mayroong hindi nakakarinig, mayroong hindi mo na lang gugustuhing ilahad ang iyong damdamin harap-harapan." Hindi pa rin kumbinsido si Praxedes. Siya'y naguguluhan sa sistema ng kabuhayan ng mga tao. Ngunit, ano nga bang pakialam niya? Bawat henerasyo'y nadaanan niya, dahil limitado lang ang buhay ng tao, at hindi katulad niya, pahaba ng pahaba ang oras ng kanyang pananatili sa mundo.

"Gusto mo bang magsulat, Lamang lupa?" Tanong ng sirena.

"Oo, gusto kong sinusulat ang aking mga nararamdaman na matagal ko nang kinikimkim. Sa paraang iyon, gumagaan ang aking loob."

"Ano nga bang nararamdaman mo ngayon?" Napangisi si Berting.

"Bakit nais mong malaman iyon? Ang iyong puso ba'y nalalapit na sa akin?" Malokong tanong ng lalaki na ikinasimangot ng sirena.

"Anong kinalaman ng aking puso sa iyo? At saka, hindi ako pamilyar sa emosyon na kinikimkim ng mga nilalang katulad mo." biglang bumagsak ang balikat ni Berting nang marinig ang sinabi ng sirena. Hindi manlang ito nakaramdam ng kakaibang kiliti sa banat ng binatilyo.

"Pusong bato." Isip-isip ni Berting.

"Nagsusulat ako tula, isang pamamaraan na ako lamang ang nakakaintindi ng ibig sabihin ng bawat katagang nakatala sa papel." Bulalas pa ng lalaki.

"Gumawa ka nga ng tula ngayon, patungkol sa emosyon na nararamdaman mo ngayon." paghingi ng pabor ng sirena.

"Hindi madali mag-isip ng tula, dapat mayroon itong saktong bilang at ang mga dulo nito'y dapat tumutugma sa isa't-isa."

"Hindi ba't inilalahad mo ang iyong nararamdaman? Bakit kailangan pa ng sukatan upang itala ang binubulong ng puso?" Usal ni Praxedes. Doon napagtanto ni Berting ang ipinapahiwatig nitong mensahe.

Mayroon nga bang sukatan ang silakbo ng ating mga damdamin? O ideya lamang ang basehan?

Setyembre 20, 2023

    Ngayon naman, ako na ang dadalhin ni Nana sa kabilang isla! Sa wakas, ako naman ang pinayagang sumama. Mayroon kasing paliga at gusto ni Marielle na sumali sa paligsahan ng volleyball sa bayan.

Maliban sa nakakasama 'kong gumala si Miguel sa mga parte ng Isla Forte, nababagot na 'ko sa bahay na walang ginawa kundi manood ng tv.

Kakatapos ko lang magbihis ng binigay ni Nana sa akin na bistida na galing sa cabinet ni Mommy at nagkasya naman ito sa akin. Kulay bughaw ito na mayroong palamuting paru-paro, ang ganda pa din ng itsura kahit na medyo may kalumaan ito.

Before You Disappear Where stories live. Discover now