Kabanata Tatlo

101 10 0
                                    

"The beginning of our love."

---

Agosto 30, 2023

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko, kagabi pa kasi 'tong lagnat ko. Hindi lang iyon, kahit may sakit na 'ko panay panenermon ang natatanggap ko mula kay Kuya at Marie sa tuwing pupunta sila sa kwarto namin.

Hindi naman ako maasikaso ni Nana dahil abala pa rin siya hanggang ngayon sa barangay. Samantalang si Ate Elena naman, hindi ako mabantayan dahil inaalagaan niya ang dalawa niyang anak na sila Daffodil at Lily.

Binilinan lang ako ni Kuya na huwag aalis ng bahay. Wala naman akong ibang mamagawa, dahil baka mabinat ako kapag naglakad-lakad pa ako sa labas. Tumayo ako habang yakap-yakap ang comforter ko at lumabas ng kwarto.

Biglang lumiwanag ang mukha ko nang makita si Lola Juanita nandoon.

"Lola Juanita!" Lumapit ako sa kanya at nagmano agad.

"Hay nakong bata ka! Sabi ko sa iyo na gamitin mo na lang payong ko papauwi. Ay talagang naligo ka pa, hindi naman buwan ng Mayo." nag-aalalang pahayag ni Lola. Napakamot na lamang ako sa aking ulo at niyapos ang dala kong comforter.

"O siya, ipinagluto kita ng almusal. Ibaba mo na yang kumot mo at umupo na." Bilin ni Lola Juanita at sumunod naman agad ako. Nakahain na pala ang almusal ko sa hapagkainan, at natakam sa dami ng pagkaing nakalagay doon.

Mayroong tuyo, sinangag, hotdog, itlog at binagoong na pinaresan ng kapeng barako. "Maupo ka na." Sabi niya at umupo naman kaming dalawa agad.

Biglang may sumagi sa isipan ko.

"'La, may itatanong lang po sana ako." bulalas ko at inabot sa kanya ang plato, baso at mga kubyertos.

"Ano naman iyon?"

"Kilala niyo po ba si Miguel?" Biglang natigilan siya sa pagkuha ng kanin at tumingin sa akin. Ilang segundo ay ngumiti muli siya at tumango.

"Ah, si Miguel. Ay oo naman, kilala din siya dito sa Sitio. Nakasalubong mo?" tumango naman ako.

"Di'ba siya po yung matangkad na lalaki na may itsura? Tapos hindi masyadong palasalita." paglalarawan ko sa kanya.

"Siya nga iyon. Naninirahan lang siya mag-isa, at alam ko, kaedad mo lang din si Miguel. Napakatahimik ng binatilyong iyon, at bihirang makita malapit sa dagat." Pahayag naman ni Lola Juanita at napatango naman ako. Tahimik pala talaga siya.

Matapos kaming kumain ay inaya ko na lang si Lola Juanita sa kwarto kung saan ako dapat magpapahinga. Gusto ko sanang magpakwento sa kanya.

Gusto ko malaman kung anong mayroon sa kwento ni Berting.

"La, di'ba may ipinangako kayo sa aking kwentong ipagpapatuloy?" nagagalak kong sabi at tumawa naman si Lola.

"Alam kong sasabihin mo iyan. Teka," ibinaba niya ang kanyang tinatahi at mayroong kinuha sa kanyang bag. Nakita ko ang lumang kwadernong ibinigay sa akin ni Lola noong isang araw!

Tatanggapin ko na sana pero inatras ni Lola mula sa palad ko, "Mababasa mo lamang ang huling pahina, sa takdang oras na ibibigay sa iyo." Mahiwagang sabi ni Lola at tumango na lamang ako kahit hindi ko alam ang kanyang ibig sabihin.

Before You Disappear Where stories live. Discover now