Kabanata Anim

63 9 2
                                    

"Fragment of our memories."

---

Setyembre 3, 2023

Kinuha ko sa aking cabinet yung kwadernong binigay sa akin ni Lola Juanita nung mga nakaraang araw. Kumukupas na talaga ito, pero naiintindihan ko pa rin ang sulat.

Binuklat ko ang unang pahina at nakita ang unang talata. Pinamagatan itong "Ulan" grabe, ang ganda ng hand writing ng sumulat nito.

Kadalasan, mas gusto ko ang mga ingles na kasulatan. Tulad ng mga tula ni Lang Leav, sobrang naa-amaze sa mga works niya. Page turner talaga ang mga libro na inirerelease niya.

"Unang beses kong naramdaman, ang saya tuwing umuulan. Iyon din ang unang beses, na ayaw ko nang tumila iyon." Pagbasa ko sa apat na linyang tula.

Wow, ngayon lang ako nakabasa ng apat na linyang tula na sobrang daming ideya sa mga simpleng salita na ginamit. Napalalim ng mensahe nito, kahit sobrang ikli.

Hindi na kinakailangan pang pahabain para sabihin kung anong nararamdaman ng manunulat 'to. Masasabi kong nabura lahat ng hinanakit niya nang mayroong dumating na isang bagay o..tao.

"Hija." Napatingala ako at nadatnan ko si Lola Juanita sa may pintuan kaya agad akong lumapit sa kanya saka nagmano.

"Dapat ako na lang po ang pinapunta ninyo, mapapagod pa kayo e." Nag-aalalang saad ko sa kanya dahil matanda na si Lola, na paika-ika kung maglakad pero malakas pa rin sa tuwing nagtatahi ng mga damit.

"Nasasabik na kasi akong ipagpatuloy ang kwentong dapat mong marinig." Aniya at umupo kami sa kutson ng aking tinutulugan. Napatingin siya sa hawak kong kwadernong ibinigay niya sa akin.

"Binasa mo na ba lahat ng nakasulat diyan?" Tanong ni Lola at umiling naman agad ako.

"Yung unang tula lang po yung nabasa ko." sagot ko agad at inabot sa kanya ang kwaderno. Tinignan niya ito at napangiti.

"Matanda na ako, kaya't hindi ko na mababasa ang mga dikit-dikit na letrang nakapaloob dito." Bulalas niya't tumingin sa akin.

"Hindi nawala, nakalimutan lamang kasabay ng daloy ng alon ngunit babalik muli ito sa tunay na nagmamay-ari." napatitig ako sa mga mata ni Lola, para bang mayroon siyang kinakailangang gawin na isang bagay.

Determinado siyang gawin ang bagay na iyon. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Lola ay mayroong katumbas na kahulugan. Bakit yung kwento tungkol kay Berting at sa sirena ay iba sa mga narinig kong kwento dati? Kung dati alam ko ang aking nararamdaman tuwing magkukwento si Lola Juanita, ngayon, halu-halo na ang mga emosyong mayroon ako sa tuwing nakikinig sa kanyang kwento.

Parang may sikreto sa likod ng pantasyang iyon.

"Ah teka lang po, kukuhanan ko po kayo ng maiinom." Pagpapaalam ko at agad na pumunta sa kusina para magtimpla ng juice. Bumalik ako na dala-dala ang pitsel na may iced tea at dalawang baso.

"Ito na po," nakangiting sabi ko at pinaglagyan ng juice sa kanyang baso. Nagpasalamat naman siya at uminom.

Agosto 31, 1887

"Sabihin mo sa akin, lamang lupa." bulalas ni Praxedes dahilan para mairita si Berting dahil sa tuwing magsasalita ito, mayroong lamang lupa sa bawat katagang bibitawan niya.

"Kung wala kang masamang pakay sa aming mga sirena. Nais mo bang makakuha ng mga kayaman mula sa amin?" Tanong pa ng sirena. Kung tutuusin, siya'y dapat matakot sa sirenang nasa harapan niya ngayon ngunit sa kabilang banda'y iba ang sinasabi ng kanyang isipan.

Ang gusto niya'y pagkakaibigan.

"Hindi ko nais kung anong mayroon sa inyong kayaman sapagkat wala akong gusto kundi ang mapayapang buhay." Tugon naman ni Berting saka umupo ng maayos sa harapan ng sirena.

"Kung gayon anong uring mapayapang buhay ang iyong ninanais?" Napangisi si Berting sa katanungan nito sapagkat alam niyang magmula't sa puntong iyon, alam niyang magiging kakaiba na ang kanyang susunod niyang mga araw.

Magmula na magkrus ang kanilang landas.

Nagkibit balikat ang lalaki at siya naman ay nakaisip na ng tatanungin. Madami silang napagalaman sa isa't-isa at hindi namamalayan ang oras, dahil walang nakakapigil sa kanilang dalawa.

Napansin ni Berting ang liwanag mula sa labas, napakaliwanag nito mula sa kweba. Napalingon siya sa kanyang kasamang sirena ngunit.. nawala ito bigla-bigla. Kumurap-kurap siya at sinampal ng mahina ang kanyang sarili.

'Hindi naman siguro panaginip ang lahat, tama ba?' sa isip-isip ni Berting at tumayo na. Kinuha niya ang kanyang tsinelas, ngunit ang kapares nito ay nawawala. Napakamot na lang sa ulo si Berting at umuwi na sa kanila.

BUMUNGAD ang nag-aalalang mukha ng kanyang pinsan na si Nonong na nakaupo sa kanilang sala at napatingala nang maramdaman ng presensya ni Berting.

"Berting! Saan ka ba galing buong gabi? Bigla akong kinabahan na baka nakuha ka na rin ng mga sirena—"

"Ayos lang ako, Nonong. Naabutan kasi ako ng ulan kagabi kaya't sumilong ako sa ilalim ng malaking puno at hindi ko namalayang nakatulog ako." pagsisinungaling ni Berting. Nakahingang malalim ang kanyang pinsan at tinapik ito sa kanyang balikat.

"O siya, magpahinga ka na. Kinabahan ako kagabi dahil hindi naman kabuwanan ngunit bilog na bilog ang buwan kagabi at akala ko'y may nangyari na sa iyo." Pahayag ng kanyang pinsan at isinuot ang sumbrerong anahaw.

"Ako na muna ang magkakayod para sa araw na ito." Sabi pa ni Nonong at umalis na ng kanilang tahanan. Pumunta na si Berting sa silid-tulugan at nagpalit muna na ng damit bago humiga sa kanyang makapal na banig.

Nakatitig lamang siya sa itaas habang inaalala ang mukha ng sirena. Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa kanyang mga labi dahil naalala niya kung paano siya kinakausap ng sirena na tila guardiang civil ang nang-uusisa sa kanya.

'Siya'y maamo ang mukha ngunit, masungit na binibini.' Sa katunayan, parang naaliw pa ang lalaki sa sirenang nakilala niya. Sa pagkakataong iyon, pinagpapasalamat niya ang maaksidenteng makarating siya sa kweba at marinig ang magandang tinig ng sirenang iyon.

'Praxedes, napakaganda ng kanyang pangalan.' Magmula sa oras na iyon, hindi niya matanggal sa kanyang isipan si Praxedes. Sa maiksing oras, parang nagkaroon ng dahilan si Berting para gustuhin ang ulan. Nagkaroon siya ng dahilan kung bakit ayaw na niya tumila iyon.

Bumangon siya at pinatong ang kanyang baba sa kanyang isang kamay.

'Puntahan ko kaya siya sa pagsapit ng gabi? Hindi naman niya siguro mamasamain kung makikipagkaibigan ako sa kanya.' Napangiti na siya ng tuluyan sa kanyang naisip at humiga muli.

Pinikit niya ang kanyang mata at sabik na sabik nang magising saka pupunta sa nais niyang balik-balikan.

Umaga

Dumaan na ang araw,

Isipang malinaw,

Sa puso ang nagsasabing ikaw,

Sa gabi muli kitang matatanaw.

---

A/N: sorry for the short update hehe.

I dedicate this chapter to MariaStarGirl

Before You Disappear Where stories live. Discover now