Kabanata Labing-Isa

51 6 3
                                    

"There are things I wanted to know."

---

Setyembre 10, 2023

   "Trevor? Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwala na nandito siya. Hindi ako makapaniwala na nandito ang ex-boyfriend ko.

Well, as if naman naging sobrang brokenhearted ako sa kanya. Our relationship ended in the latter part.

"I didn't expect you to be here also, Darlyne." Oh, he still remembers calling by my second name. Ilang segundo habang nagkakatitigan kami, naisipan ko nang basagin ang katahimikan.

"So what brings you here?" Tanong ko sa kanya.

"Terrence invited me here." Napatango naman ako sa kanyang sagot. Nakilala ko si Trevor dahil kay Kuya Terrence, mas matanda siya ng isang taon kaysa sa akin.

"At ikaw?" Balik-tanong naman niya sa sa akin.

"Probinsya namin."

"Oh, I see.. Kumusta ka naman?"

"Maayos naman, plano 'kong ipagpatuloy yung passion ko." ngumiti naman siya sa akin.

"Still single?"

"Yes, but I'm not interested in a relationship right now." But, that might change since my stay here in the island.

"Ikaw? How's you and Nicole?" Tukoy ko sa kanila na kasalukuyang girlfriend niya, naging kaibigan si Kuya Hugo, kaya nalaman ko iyon.

"Nah, same old." Nagkibit-balikat siya.

"Nag-migrate siya sa Canada at hindi rin niya kayang magkaroon kami ng Long distance relationship." Dugtong niya pa. Hindi na 'ko ulit nagtanong ng tungkol dun at nagiba na ng pag-uusapan. Magpalit na ng tugtog kaya nagpaalam na lang ako sa kanya.

Gusto 'kong lumabas.

Pagbukas ko ng pintuan, ay sinalubong ako ng malakas na ulan. Kaya napaatras ako dahil baka mabasa ako. Ber months pa naman ngayon, ibig sabihin malamig na ang panahon. Napayakap ako sa aking sarili at naghanap ng lugar na medyo malayo sa venue.

Susugod na naman ako sa ulan.

Tumakbo na 'ko papunta sa bahay kubo na nakita ko—biglang may umakbay sa akin at napalingon ako kung sino.

"Miguel?"

"Magkakasakit ka na naman dyan sa ginagawa mo." Hinatak na niya ako at tinakluban ang ulo ko ng makapal niyang barong. Nang makarating na kami sa kubo ay napaupo ako.

Napagod ako dun ah.

"Salamat." Sambit ko at sumandal.

"Ano na naman kasing binabalak mong gawin?" Tanong naman niya sa akin.

"Hindi naman ako masyadong mahilig pumunta sa mga ganitong okasyon, gusto ko lang pumunta pero ayokong magtagal kaya lumalabas ako." sagot ko naman sa kanya. Napansin ko na humina na ang ulan.

Before You Disappear Where stories live. Discover now