Kabanata Labing-Anim

54 6 0
                                    

"Salty Tears."

---

Setyembre 25, 1887

  Nang maimulat ni Berting ang kanyang mga mata, napagtanto niya ang pigura na naaaninag niya. Nang kinusot niya ang kanyang mga mata ay malinaw na niyang nakikita ang mukha ni.. Praxedes.

Kinusot niyang muli ang kanyang mga mata. Si Praxedes pa din ang kanyang nasisilayan. "Napakatagal mong gumising, lamang lupa." Unang bungad sa kanya ng babae sa umaga. Nanlaki ang mga mata ni Berting at napabalikwas ng bangon ng mapagtantong hindi lamang isang imahe si Praxedes.

"Kanina ka pa nandito?" Tanong ni Berting at tumango naman ang sirena—ang babae. Nilibot ni Praxedes ang kabuoang kwarto.

"Dito kayo nananatili At saka nga pala, mabait ang iyong pinsan dahil pinapasok niya agad ako sa inyong tahanan." sambit ni Praxedes at lumingon kay Berting. Napatayo mula sa pagkakahiga si Berting at lumabas sa kanilang kwarto. Lumingon siya at nadatnan si Nonong na nagkakape sa sala.

"O, Berting! Hindi mo sinabi sa akin na may asawa ka pala." Bungad pa nito. Naalipungatan si Berting mula sa kanyang pagkakabalikwas ng gising at dumagdag pa ang hindi inaasahang pagdating ni Praxedes na akala ng kanyang pinsan, na asawa niya ito.

Mayroon pa bang mas gugulo pa sa araw na ito? Dahil, si Berting ay hindi na mapakali.

"Bakit hindi ka pa umaalis para mangisda?" Tanong ni Berting pagkatapos niyang maghilamos at tuluyan nang nagising, ngunit nandoon pa din si Praxedes na nag-iikot-ikot sa maliit na tahanan ng magpinsa.

"Nakalimutan mo bang dadalhin natin ang mga isdang nakuha namin kaninang umaga sa Isla Amore Asuncion?" Paalala ni Nonong.

"Ay oo nga pala, petsa bente-singko ngayon." Napasapo si Berting sa kanyang noo. Tumayo na si Nonong, at binaba na ang naubos niyang kape.

"Isama mo na rin ang asawa mo, para makapaglibot-libot kayo pagkatapos nating maipadala ang mga isda sa palengke."

"Sige, susunod kami." Lumabas na si Nonong at napabuntong hininga siya. Lumapit sa kanya si Praxedes,

"Lalangoy tayo papunta sa kabilang isla?" wala sa sariling tanong nito at sa wakas, napangiti na si Berting at napakamot sa kanyang ulo.

-×-

NANG MAKARATING NA SILA, ay agad na nakahanap sila ng mamimili ng mga isda at naibenta mahigit trentang pilak ang bawat walong kilo ng malalaking isdang nabingwit.

"Berting, mayroon muna akong dadaanan. Ipasyal mo na ang iyong asawa." Giit ni Nonong at nagpaalam na. Naiwan ang dalawa, at naisipan na dalhin ni Berting sa isang plaza na dati niyang pinapasyalan kasama ng kanyang mga magulang noon.

Ang Plaza De Estella.

Nangunguna sa paglalakad si Praxedes dahil sa kanyang kamanghaan sa mga kanyang nakikita. Magmula sa mga karwahe at mga magagandang kabahayan, napagtanto niyang mas maganda pala kapag malapitan.

'Hindi ko rin masisi kung bakit mahal na mahal ng Kalangitan ang mundo ng mga lamang-lupa." Sa isip-isip pa niya.

Akmang tatakbo na siya ngunit agad na nahawakan siya ni Berting sa pulso nito kaya nilingunan ni Praxedes ang lalaki at sinamaan ng tingin nito. Biglang napabitaw si Berting at halatang namula ang mga pisngi nito.

Bakit ganoon na lamang ang epekto sa kanya ng sirena?

'Kumakarera ata ang puso ko sa sobrang bilis.' sabi ni Berting sa sarili. Lalo na't nag-iinit ang kanyang mga pisngi.

Before You Disappear Where stories live. Discover now